💍16

443 21 3
                                    

Justin's

" It is raining in our last day of concert " rinig kong sabi ni Pablo. Nag-aayos naman ako ng in-ears ko at napansin ko ngang medyo malakas na ang ambon. Nagrerehearse kami ngayon, this is our last concert overseas. Napatingin naman ako sa buong venue. Di ko inakalang makakapagperform ako sa malaking venue na ganito.

Bigla naman akong napatingin sa mga upuan na nasa harap. Paano kaya kung andyan nanonood yung asawa ko?

Napanguso nalang ako sa pag-iisip. Di bale, pauwi na din naman kami.. Miss ko na siya---

" Hello hon! " excited kong sambit nang malaman kong siya yung tumatawag.

Biglang nawala ang nasa kabilang linya.

" hon? hm? andyan ka pa ba? chin?? " tuloy-tuloy kong sambit. Hindi sumasagot ang nasa kabilang linya.

" Jah! let's start na! " sigaw bigla ni Pablo. Napatingin naman ako sa kanya at tumango. Binaba ko naman ang cellphone ko at tinignan. On-going pa din naman yung call pero bakit ganun?? walang sumasagot.

" hon, kung andyan ka pa... sorry, kailangan ko nang ibaba itong tawag.. mamaya nalang ulit tayo mag-usap ha? okay? I love you, bye muna " pagpapaalam ko sa kanya at saka ko na pinatay ang tawag.

Agad naman na akong tumakbo papunta kung nasaan ang mga ka-myembro ko.





" Jah, gitna ka pa ng konti " saad naman sakin ni Stell. Kasalukuyan pa din kaming narerehearse para sa concert namin. Ang pagkakaalam ko mamaya, papasok na ang mga fans. Like a rehearsal pass, basta ganun. Panonoorin nila kami magrehearse before con,ganun.

" Direk, music please thank you~" request ni Stell sa mic. Agad namang din plinay na din ang music namin.

Nagsimula na kaming sumayaw at kumanta sa tugtog. Patuloy lang kami sa pagrehearse. Habang nagrerehearse kami, bigla naman ako napatingin sa mga fans na unti-unti nang pumapasok sa venue.

After naming irehearse ang isang kanta ay tumigil muna kami para batiin sila. International A'TIN. Aww..

Kinakawayan ko naman sila at ganun din naman sila. Naririnig ko naman sila na tumatawag ng mga pangalan namin. Nakakatuwa silang pagmasdan. Actually, hindi pa ito ang lahat ng mga fans. Mamaya ay dadating pa ang iba.

" Hello~ " bati ko sa kanila. Kumaway din naman din sila pabalik sa akin. Yung isa pa nga ay umiiyak. Nagkatinginan kami at sinenyasan ko naman sya na " huwag kang umiyak " na may punas luha pang senyas. Habang bumabati ako sa kanila,may isang fan na tumawag sa akin.

" Justin! Justin! " agad ko naman syang hinanap kung sino yun. May itinaas naman syang paper bag. Sinenyasan nya ako na lumapit sa kanya. Ako naman tong walang paalam na bumaba ng stage, agad naman akong hinarangan ng bouncer pero sinenyasan ko naman sila na ayos lang. Nasa likod ko lang sila at sinamahan akong puntahan yung fan.

Nilapitan ko naman sya at kinuha ang paper bag na dala nya.

" What is this? " tanong ko sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin.

" that's a baby shoes, " sagot nya naman sa akin. Nanlaki naman mata ko at tinignan ang nasa bag.

Parang ang aga naman ata neto---

" Oh, Thank you.. thank you " pagpapasalamat ko sa kanya at nginitian sya. Masaya ko namang dala-dala sa pag-akyat sa stage ang binigay nya sa akin.

" please don't be sick, " muling sabi ni Stell sa kanila.

Muli naman na kaming bumati sa kanila at nagbabye na para maghanda at mag-ayos.






Habang nasa backstage, muli ko naman ulit tinignan yung paper bag at saka itinabi muna malapit sa mga gamit ko para di ko maiwan mamaya.



" okay, this is our last day overseas, let's give our best okay? " saad ni Pablo sa amin. Katatapos lang naming magdasal at ngayon magsastart na ang concert.

"GET IN THE ZONE, " hudyat ni Pablo.

" BREAK ! " sabay-sabay naman naming sigaw. Pagkasigaw naman namin ay agad na kaming umayos sa platform.

" okay, in 3,2,1~ " rinig ko sa in-ear ko.

" YEAH WE GONNA GO UP! "

pagkaangat ng platform na tinatapakan namin. Kitang-kita kung gaano kadami ang A'TIN na nanonood ngayon.

" AAAAAAAAAAAAAAAAAAAA "
kahit naka-in-ear ako, tagos ang sigawan nila sa in-ears ko.

Naglakad naman na kami papunta sa pwesto namin ng Go Up at sinimulan na ang concert.






















" Thank you A'TIN! WE LOVE YOU ! " sabay-sabay naming saad ng mga kagrupo ko. Sabay-sabay naman kaming nagbow sa harap nilang lahat.

Pagkatapos ay tinignan ulit namin sila. Hindi man namin sila matitigan ng isa-isa pero sobrang ganda nila sa mata.

Nagkatinginan naman kami ni Pablo, mukhang nagiging emosyonal na kaming lahat. Mukhang nakaramdam kami at sa di maipaliwanag na dahilan bigla kaming nagtipon at naggroup hug.

Rinig na rinig namin ang hikbi ng isa't-isa.

" Hanggang sa huli, SB19 at A'TIN  pa din.. " sambit ni Pablo. Naiyak kami lalo. Sobra kaming nagpapasalamat unang-una kay Lord dahil binigay niya ang A'TIN sa amin. Sila ang aming pinakamalaking blessing at sila ang nagiging inspirasyon namin para magpatuloy. Para sa akin, ang A'TIN ang isa sa mga taong panghabang bihay kong pasasalamatan. Sila ang naging kaibigan at karamay namin. Sila ang puno't dulo nang lahat, kaya walang SB-19 kung wala ang 18 (A'TIN).








Pauwi na kami papuntang hotel namin. Kahit sa pag-alis namin, andyan pa din sila. Natatanaw ko silang lahat mula dito sa sasakyan. Ibinaba ko naman ang car window at muling kumaway sa kanila.

" Take care when you go home, bye~ " pagpapaalam ko sa kanila at isinara na ng car window. Muli naman akong napangiti.

" Mamimiss ko sila " biglang saad ni Ken habang tinititigan din ang mga A'TIN. Napatingin naman kami sa kanya.

" kahit naman din kami Ken " saad ni Kuya Josh sa kanya. Pagpapagaan namin sa loob nya.











Pagkadating ko sa hotel room ko, agad ko namang ibinaba ang mga gamit ko at napahiga sa kama sa sobrang pagod.

Bukas  na ang flight namin pauwing Manila. Napangiti ako sapagkat makikita ko na asawa ko.

Bigla namang pumasok sa isip ko yung regalong ibinigay nung isang A'TIN. Agad akong bumangon para kuhain ang paper bag. Marahan ko namang binuksan ang paper bag at nakita ang isang box sa loob. Binuksan ko ang maliit na box para makita ang loob.

Napangiti naman ako agad nang makita ko yung sapatos.

" ang cute naman neto.. " saad ko habang nakangiti.

" crochet pa, ang galing naman nya maggantsilyo " pagpupuri ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

" crochet pa, ang galing naman nya maggantsilyo " pagpupuri ko. Mukha man akong tangang nakangiti lang dito pero kasi sobrang nacute-tan ako.

Paano kaya kapag nagka-anak na kami ni Rein? Sino kayang magiging kamukha kapag naging lalaki? o kaya babae? Pero kahit ano pa man, my baby will be the greatest treasure to me..

Ibinalik ko naman na ang baby shoes sa box at ibinalik na doon sa paper bag. Agad ko naman nang binuksan ang maleta ko at inilagay doon ang paper bag.

" Baka mamaya makalimutan ko pa, mas mainam nang andito " saad ko sa sarili ko at muling itinabi ang maleta ko.

NS: ILY : Mr. & Mrs. De DiosWhere stories live. Discover now