💍14

445 22 3
                                    

Rein's

" pag-uwi mo, may sorpresa ako sayo " excited kong saad sa kanya. Kausap ko si Justin ngayon sa phone. Magka-videocall kami. It's been a month magmula nung nagtour sila. Nasa hotel na sya ngayon at nagpapahinga na.

" hmm?? ano naman yan ? " malapad na ngiting saad naman nya. Aigooo, his gummy smile appeared. He's so cute~

" bastaaaa " sagot ko lang sa kanya. Ramdam ko naman ang pagkasabik nya sa mga ngiti nya.

" bastaaa? matutuwa ba ako dyan?? " tanong nya. Napangiti naman ako sa kanya at tumango.

" oo, sobra kang matutuwa " paninigurado ko sa kanya. Sobrang matutuwa ka, Jah. Talagang-talaga.

" abaaa, iba din ngiti mo ah~ " pang-aasar nya. Natawa naman kami parehas.

" bastaaaa pag-uwi mo nalang malalaman " saad ko sa kanya. Napangiti naman sya.

" pabalik na din ako hon, 10 more concerts to go.. pauwi na din ako, makakasama na din kita ulit .. " saad nya.

Tumango naman ako sa sinabi nya.

" lagi kang mag-iingat dyan ah? " saad ko sa kanya. Tumango naman sya.

" Yes hon, ikaw din, always take care of yourself habang wala ako dyan.. I love you, I miss you.. "

" I miss you too, I love you too.. "











" Magandang araw po " bati ko sa kanila.

" Oh! my daughter-in-law! " bungad naman ni Mommy. Mommy ni Jah. Andito ako ngayon sa bahay nila.

Agad naman nya akong niyakap at inilalayan papasok ng bahay. Nakita ko namang nakaupo si Daddy, ang tatay ni Jah.

" magandang araw po " bati ko sa kanya at nagmano. Nakita ko naman syang napangiti.

" oh, napadalaw ka, hindi ka ba busy? " tanong nya. Napangiti naman ako sa tanong nya.

" hindi po, sadyang naglaan po ako ng araw para dito.. " sagot ko sa kanya. Umupo naman ako sa sofa.

Agad namang tumabi sa akin si Mommy.

" dito ka ba magdinner? o sandali ka lang? " tanong ni Mommy.

" hmm, bago po yan.. may ibibigay po muna ako sa inyo " saad ko sa kanya. Binuksan ko yung dala kong slingbag at kinuha ang isang papel.

Mahalagang papel.

Inabot ko naman ito sa kanya.

" Ayyy !! " biglang sigaw ni Mommy. Bigla namang napalabas ng kusina si diko.

" anong nangyari Mommy?? " tanong ni Diko.

" halikayo ditooo! daliii ! " sigaw ni Mommy at nagpapapalakpak. Lumapit naman sila Daddy at Diko kay Mommy. Ipinakita naman ni Mommy ang papel na hawak nya.

" Congratulations ! " tuwang-tuwang saad ni Diko. Agad naman nyang kinuhaan ito ng litrato. Ganun din si Daddy, tuwang-tuwa sya.

Niyakap naman ako ni Mommy sa sobrang tuwa.

" masayang-masaya ako para sa inyo " saad ni Mommy sakin. Kumalas naman sya sa pagkakayakap.

" alam na ba ito ni Jah? " tanong ni Daddy. Umiling naman ako .

" hindi pa po " sagot ko sa kanila. Nagulat naman sila sa sinabi ko.

" Bakit?? " tanong naman ni Mommy. Para bang nawala bigla ang excitement nila.

" gusto ko po sana syang sorpresahin, kaya hindi ko pa po sinasabi sa kanya.. " sagot ko sa kanila. Guminhawa naman ang pakiramdam nila nang marinig ang sagot ko.

NS: ILY : Mr. & Mrs. De DiosWhere stories live. Discover now