💍3

628 19 0
                                    

Napabangon ako nang may narinig akong nabasag. Agad akong pumunta sa kusina para tignan siya.

" Hon, anung nangyari? " paulit-ulit kong tanong sa kanya pero parang di nya naririnig.

" Hon, ako na. Ako na " nilapitan ko siya at pinipigilang ligpitin yung nabasag nyang plato.

" ako na hon, " saad ko sa kanya. Pero nagpupumilit pa rin siya. Napailing nalang ako.

" hindi ako na, ako na " pagpupumilit nya pa. Pilit nya pa ring nililigpit yung mga nakakalat na bubog.

" hon, baka masugatan ka pa " sagot ko sa kanya. Inagaw ko sa kanya yung mga bubog ng plato.

" ako na, " patuloy pa rin sya sa pagpupumilit. Pinigilan ko naman kamay nya.

" chin, ako na baka masugatan ka pa, sige na doon ka na mun-- "

" SABI NANG AKO NA EH ! " napabalikwas ako sa gulat ng sigawan nya ako. Nabitawan ko yung mga bubog, agad naman syang tumayo at umalis. Nanigas ako na parang statwa nang sigawan nya ako. Natulala nalang ako. Maya-maya, naramdaman ko ang pagbalik nya at winalisan ang mga natitirang maliliit na bubog. Pagkatapos ay walang pansin nya akong iniwan sa kusina. Tinitigan ko lang ang pag-alis nya.

Napahinga nalang ako ng malalim sa nangyari. Tumayo ako at kumuha ng tubig sa ref. May problema ba? sa dalawang taon naming magkasama sa bahay, ngayon lang nya ako sinigawan ng ganon o pinagtaasan ng boses.









Pagkalabas ko ng CR, wala pa siya sa kama. Nagtaka naman ako. Paglabas ko ng kwarto nakita ko siyang nakaupo sa sofa at nanonood ng tv. Marahan ko naman syang nilapitan at umupo. Medyo malayo ako sa kanya.

Pinagmamasdan ko lang sya habang nanonood ng tv. Maya-maya, tinignan nya ako at inayang umupo sa tabi nya. Agad naman akong lumapit.

Niyakap nya ako.

" I'm sorry hon, sorry " malambing at malumanay nyang sabi sakin. Hinawakan ko naman ang ulo nya.

Humiwalay naman sya sa yakap.

" stress? " tanong ko sa kanya. Napatingin naman sya bigla sa tuhod nya at iniwasan ang mga mata ko. Nag-alala naman ako bigla. Galit sya. Nararamdaman ko, siguro napepressure sya o napuno na siya.

" chin, look at me " iniiwasan nya ang mga mata ko. Hindi parin nya ako tinitignan. May ayaw syang sabihin sa akin.

" hon, I know you. Spill it, I'm ready to hear it. " saad ko sabay hawak sa kamay nya. Marahan nya naman akong tinignan at ipinatong din ang kanyang isang kamay sa kamay kong nakahawak sa kanya.

" I-It is just work " saad nya sabay himas ng hinlalaki nya sa kamay ko. Naghihintay pa din ako ng kasunod chin, wag kang ganyan.

" work, hmmm tapos? " tanong ko pa sa kanya. Wala ka nang magagawa, ayokong ganyan ka.

" hindi naging maganda ang araw ko chilong " pag-aamin nya. Nalungkot naman ako bigla sa sinabi nya. Kilalang-kilala ko na siya kapag tahimik siya. Stress, pagod, yan lang yan. Hindi siya makulit o kung anuman. Masyado nyang tinatago sa sarili nya ang mga ganoon, kaya minsan di mo siya maiintindihan pero ako bilang asawa, kailangan kong malaman ang lahat na nangyari sa kanya o nararamdaman nya. Kailangan ko siyang icomfort kapag malungkot sya, stress sya o pagod sya. Minsan ko lang sya nakakasama ng matagal dahil sa trabaho ko kaya gusto ko naaalagaan ko pa rin siya, lalo na mental health nya. Ayaw ko dumating sa puntong madepress sya dahil hindi nya naiilalabas ang mga bagay na dinadamdam nya.

Huminga muna sya ng malalim bago ako sagutin.

" the deal, we've lost a deal. Nagalit sa akin ang board members. I feel pressured " pag-aamin nya. Pinapakinggan ko lang sya.

" hon, anong mali ko doon? pinatanggol ko lang naman ang mga babaeng empleyado ko na hinipuan ng Mr. Montes nayon " nakatingin sa mga matang saad nya sakin.

" ayaw kong naaagrabyado at nababastos mga empleyado ko. At ayaw kong makipagtrabaho o makipagsundo sa manyakis ! " nanggigil na saad nya. Napairap naman sya at pumikit. Gigil na gigil siya.

" Wala akong pake doon sa pera nya pero kasi yung board members para gusto pa nilang nababastos mga empleyado para lang doon sa lintek na deal na yon " napahinga naman sya ng malalim sa sinabi nya. Marahan ko naman syang hinatak at niyakap.

" hon, wala kang ginawang mali. Tama yon, hindi mo pinagbigyan, kinonsinti, hinayaan ang ganoon. Inaksyunan mo na agad, sila ang may mali, hindi ikaw " pagpapaliwanag ko sa kanya. Niyakap ko naman sya ng mahigpit.

" Hon, don't forget to take a break. Ayaw kong masyado mong nilulunod sarili mo sa stress at sa trabaho. Isa pa, di ba't sabi ko sayo lagi mong sasahihin sa akin kung anong nangyari sa araw mo? " tumingin naman sya sakin. Marahan siyang lumapit sa mukha ko at hinalikan ako.

Matapos, tinignan nya ako.

" thank you for always there for me, hon " sabay subsob ng mukha nya sa dibdib ko at niyakap ako ng mahigpit.

" I love you, Jah " saad nya sakin. Napangiti nalang ako.

" I love you more, chin " sagot ko sabay halik sa ulo nya.

NS: ILY : Mr. & Mrs. De DiosWhere stories live. Discover now