" hi anak! " bati naman ng kanyang nanay. Nakavideocall si Justin at ang nanay nya.
" hi ma, musta po? Tsaka nagluluto ka ba? " tanong naman ni Justin. Binaba naman ng nanay nya ang kutsilyong hawak dahil katatapos lang maghiwa ng sibuyas.
" yes.. we're okay naman dito nak, saka nga pala kailan ba uwi mo? " tanong nito. Inilagay naman na nya ang mga sangkap na lulutuin nya.
" buti naman ma. Hmm, 6 concerts to go ma.. siguro next month pa po.. " magalang na sagot naman ni Jah. Napatango naman ang Mommy nya.
" Ma! sinong kausap mo? " tanong naman ng biglang dating na kuya ni Justin. Agad namang tinuro ng nanay nya ang cellphone na nakadantay sa gilid.
" uy Jah! kamusta naman dyan? nasaang bansa na kayo? " tanong naman ni Yani at kinuha ang cellphone.
" Indonesia diko, " sagot naman ni Justin.
" Ahhh, sana makauwi ka na agad dito.. " saad ni Yani. Napakunot naman ang noo ni Justin sa sinabi ng kuya nya.
" Bakit? may nangyari ba? " nagsisimula na ang pag-aalala ni Justin. Hindi nya alam kung mag-aalala ba sya, matutuwa o kung ano man.
" basta.. malalaman mo pag-uwi mo " sagot nalang ng kuya nya.
" Justin! rehearsal time is 9 a.m, are you done? " biglang sigaw kay Justin.
" Sige na diko, magrerehearse na kami. Tatawag nalang ulit ako, ingat kayo dyan ah? tsaka pakibisi-bisita din si Chin-- si Rein minsan para hindi sya nag-iisa sa bahay.. Sige diko.. " pagpapaalam neto sa kuya nya.
" sige, mag-ingat ka din dyan.. " huling sambit ng kuya nya bago patayin ang tawag.
Binaba naman na ng kuya ni Justin ang phone ng nanay nya at itinabi na.
" hmm-- mukhang muntik ka na don ah " biglang sabi naman ng nanay nya.
" no, surprise yon ma.. hayaan mong maexcite sya " sagot naman ni Yani. Habang nagluluto, bigla namang tumaas ang kilay ng nanay nya.
" excite ba yun? mukhang sa tono nang pananalita nya kanina parang hindi.. don't do that again, baka mamaya magworry sya imbes na maexcite " paalala ng nanay nya sa kanya. Marahan nalang tumango si Yani.
" It's a healthy baby.. " saad naman ng Doktora ni Rein. Napangiti naman sila Zai at Shine na kasama nya magpacheck up.
" hindi pa po ba talaga malalaman ang gender ni Chikong? " curious na tanong ni Shine. Natawa naman ang doktora sa pangalang nabanggit.
" Mostly, gender of the babies nakikita iyon around 18 to 21 weeks na sila... Sa ngayon, hindi ko pa makita ng malinaw.. Chikong is 18 weeks, nearly 5 months.. After some weeks sana makita natin nang malinaw gender ni Chikong " napangiti naman si Rein sa narinig nya. Napapalakpak naman sa ngiti si Shine.
" Good to know Doc, andami kasing naeexcite sa gender nya " masayang saad ni Zai sa doktor.
" Iwas sa stress Rein, " muling paalala ng doktor nya. Tumango naman si Rein.
" Yes po doctora, " sagot nya. Kinausap pa sya ng doctor at pagkatapos ng check up nya lumabas na din naman na sila ng office ng OB ni Rein.
" dahan-dahan lang " inaalalay naman sya ni Shine at Zai. Hawak-hawak naman ni Shine sa braso si Rein habang naglalakad.
" yes, I will be careful.. " saad naman ni Rein at nginitian ang dalawa. Naglakad naman na sila papunta sa elevator.
" naeexcite ako sa gender ni Chikong " masayang sabi ni Shine. Natawa naman sa kanya sila Rein at Zai.
YOU ARE READING
NS: ILY : Mr. & Mrs. De Dios
FanfictionSabi nila, buhay mag-asawa ay mahirap. Pagkalipas ng tatlong taon, kamustahin na natin ang mag-asawang De Dios. This is the sequel of Rein and Justin's story.