Justin's
" ayos ka lang? tulala ka dyan " tanong ni Stell sakin at lumapit sa akin.
" ayos lang ako " sagot ko at kumuha ng saging para kainin.
" ano nga? " tanong nya pa habang inaayos ang damit nya. Isang oras na lang magsisimula na ang concert namin.
Napahinga ako ng malalim.
Nilunok ko muna yung kinakain ko bago ako magsalita." yung asawa ko hindi pa sya tumatawag " sagot ko sabay tingin sa salamin.
Tinignan naman ako nang mapang-asar na tingin ni Ken. Kitang-kita siya sa salamin habang nakaupo sa sofa at nagcecellphone.
" bakit na naman Ken ? " tanong ko agad sa kanya at hinarap sya.
" may pa-ayos-ayos lang ako ka pa yun naman pala nag-aalala ka pala kasi hindi pa natawag asawa mo " saad ni Ken sakin.
" tatawag din yun " singit ni Stell. Sa wakas na ayos na din ang damit nya. Pagkatapos ay nilapitan nya ako at inakbayan.
" kahapon nya pa ako di tinatawagan " malungkot kong sagot sa kanya. Napanguso naman ako.
" itong si Jah parang ano naman, tatawag din yun.. busy din syempre asawa mo.. Director ng kompanya ang asawa mo, malamang busy yun " Napatingin naman ako sa kanya.
" pinapagaan lang ni Ken loob mo, Jah " natatawang saad ni Stell sakin.
" Nasaan ba sya pala? " biglang dugtong ni Stell.
" nasa South Korea sya, may business trip " sagot ko sa tanong nya.
" ahh South Korea-- eh diba stop over natin don next week? "
Oo, next week doon kami magstop-over. Hindi lang din kasi concert ang gagawin namin doon. May shoot din kami ng interview at magshushoot ng para sa album. Maglalabas kasi ng photo album before ang alam nyo na.
" yeah, " nakanguso kong saad.
Narinig ko namang natawa si Stell. Tinapik nya naman balikat ko.
" mag-asawa na kayo pero binababy mo pa din si Rein.. " natatawang saad ni Stell sa akin. Napatawa nalang ako ng mahina at napangiti.
" Hindii-- biro lang naman.. Alam ko namang iniingatan mo lang sya.. " saad ni Stell sakin at nginitian ako. Nginitian ko din naman sya.
" boys, suot na ng earpiece.. will gonna start na maya-maya.. 45 minutes more " rinig naming nagsalita si Ms. Rappl.
Agad naman na kaming naghanda at sinuot na earpiece namin.
" thank you for your hardwork, thank you po " muli naming pagpapasalamat sa mga staffs namin sa backstage.
3 hours concert is now finally done.
Nakakapagod man pero ang saya. Naupo muna ako sandali para habulin ang hinga ko. Ganun din naman silang apat. Nagkatinginan naman kaming lima.
Maya-maya, bigla nalang kaming natawa sa isa't-isa.
" alam nyo, kahit ilang taon na ang lumipas di pa rin kumukupas Hotdog dance mo, " biglang saad ni Stell.
Napangiti naman si Pablo, oo Pablo. Si Sejun, nagpalit sya ng stage name.
" syempre, walang kukupas sa hotdog dance ko ! " saad nya sabay tayo at sumayaw. Natawa naman kami lalo.
" paano muna yung model walk mo Stell? " pang-aasar pabalik ni Pablo. Hindi naman umatras sa hamon si Stell. Tumayo siya sa di kalayuan at rumampa sa harap namin. Tawang-tawa naman kami sa ginawa nya.
" makatawa ng wagas si Ken kala mo oh ! Kala mo talaga kanina hindi siya sumayaw nung shishidoggie " natawa naman kami sa binanat ni Stell.
" shishidoggie ampotek ! " tawang-tawang saad ni Ken sa kanya.
" shishidoggie, nabago na pala " matawa-matawang saad ni Josh.
Maya-maya, matapos kaming magtawanan.
Natahimik kaming saglit.
" Parang dati lang trainees palang tayo na nagbibiruan ng ganito " singit ni Sejun--- ni Pablo. Sorry na..
Napatingin naman kami sa kanya.
Nginitian ko naman sila.
" wag muna nga kayong maging artista sa drama, may 18 countries pa... bukas may day 2 pa.. kaya wag muna tayong mag-emo emo " saad ko sa kanila.
" Itong si Justin talaga kahit kailan, porket ano-- " saad ni Stell.
" oh oh porket ano-- " saad ko sa kanya.
" ano oh, Josh yung manugang mo oh ! ," sumbong naman ni Stell. Natawa nalang ako at napailing.
" hello hon.. "
" hello hon, how's your day? " tanong nya sakin. Umayos naman ako higa at sinagot sya." okay lang naman, masaya akong nakapagperform sa International A'TIN " masaya kong sagot sa kanya. Tumango-tango naman sya.
" that's good.. " saad nya at ngumiti.
" ikaw?? -- where are you?? " tanong ko sa kanya. Wala sya sa bahay. Umuwi na sya galing business trip nya.
" ah.. Andito ako kay mama.. Umuwi kasi sila Tita.. " napakunot naman noo ko.
" Tita?? yung Tita mong taga-States? " tanong ko sa kanya.
Tumango naman sya.
" yes, kumain ka na ba? " napangiti naman ako sa tanong nya.
Tumango naman ako.
" anong kinain mo?? " tanong nya pa ulit.
" steak, masarap steak nila dito.. " sagot ko sa kanya. Bumangon naman na ako at umupo ng maayos.
" good.. sige hon, magpahinga ka na.. alam kong pagod ka, goodnight.. mwuah " saad nya sabay kiss sa screen.
" okay.. "
" I love you chin, " saad ko.
Ngumiti naman siya bago sumagot.
" I love you too Jah.. good night, lagi kang mag-iingat ha? " napatango naman ako.
" opo, good nightyyy.. mag-ingat ka din palagi dyan habang wala ako " saad ko. Tumango din sya at kumaway na.
Kumaway naman na ako at hinintay na patayin nya ang tawag.
Pagkababa niya ng tawag. Ni-home ko na din ang phone ko at nakita ko yung wallpaper ko.
Picture naming dalawa.
Wedding picture namin..
Napabuntong hininga nalang ako.
" Gusto ko na agad umuwi.. " saad ko sa sarili ko. Miss ko ang International A'TIN pero mas miss ko yung misis ko.
Binaba ko nalang yung phone ko at humiga. Nakatitig lang ako sa kisame ng hotel na pinagsistayan ko.
" tulog na Jah, tomorrow is another day for concert.. save your energy "
YOU ARE READING
NS: ILY : Mr. & Mrs. De Dios
FanfictionSabi nila, buhay mag-asawa ay mahirap. Pagkalipas ng tatlong taon, kamustahin na natin ang mag-asawang De Dios. This is the sequel of Rein and Justin's story.