💍9

442 15 9
                                    

" thank you Director.. " napangiti naman ang empleyado ni Rein habang nagpapasalamat sa kanya.

Napangiti naman sa kanya si Rein at lumabas na din ng office nya ang empleyado nya.

Napasandal naman sya sa swivel chair nya at masayang kumain ng brownies.

Rein's

" Director.. " bungad ni Haydin. Napaikot naman si Rein para harapin si Haydin.

" yes? " sagot ni Rein.

" here's your plane ticket ma'am.. " saad ni Haydin sabay abot sakin nung plane ticket ko. I have a business trip in South Korea this weekend.

Kinuha ko naman yung plane ticket ko. Napatango naman ako sa mga sinasabi ni Haydin.

" 9 pm of Thursday night po ang departure natin ma'am.. " agad akong napalingon sa kanya.

" wait.. what? 9 pm, I thought Friday night?  Sabay tayo kay Zai-- I mean kay Mr. Z right?  " tanong ko sa kanya.

" ma'am, mauuna po tayo kay Sir Zai.. " nanlaki ang mata ko. Agad akong napatayo sa swivel chair ko at agad lumabas ng office.

" yung lalaking yun.. "

Agad akong naglakad papuntang elevator.







Agad kong binuksan ang pinto ng office nya. Nakita kong nagulat ang dalawang empleyado nya na kinakausap nya.

" Zaindro Del Rio"

Parang napako sa kinatatayuan ang dalawang empleyado nya.

" sige I will call you again kung may kailangang irevise dito " malumanay na saad ni Zai sa mga empleyado at inabot ulit sa kanila ang report nila.

Nagmamadali namang naglakad paalis ang dalawang empleyado nya.

Pagkalabas, agad naman akong lumapit kay Zai.

" yes, Mrs. De Dios? " saad nya habang inaayos ang gamit nya sa table.

" you promise me na weekend diba?? " saad ko sa kanya. Tumango naman sya.

" bakit Thursday?! " medyo irita kong saad sa kanya.

" hmm, pagkadating mo doon Friday.. weekend. Bakit? hindi ba part ng weekend ang Friday? " sagot nya sakin sabay sandal sa swivel chair nya.

Itong lalaking to.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya.
Agad ko namang tinanggal stilettos kong sapatos at inihagis sa kanya.

" Aray ! " agad ko syang nilapitan para hampasin.

" tama na, tama na " saad nya sabay sinyas kaya tumigil na ako.

" alam mo naman may date kami ni mama sa Thursday! Nagpromise na ako sa kanya kasi ang alam ko Friday alis natin ! " naiirita kong saad sa kanya.

" kapag pinaalis kita ng Friday kasama ko, matatagalan pa tayo bumalik.. " napaisip naman ako sa sinabi nya.

" what do you mean? " tanong ko sa kanya.











" 안녕하세요, 저희 회사에 오신 것을 환영합니다.. "
( Hello, Welcome to our company )

bati sa akin ng mga empleyado na sumalubong sa amin. Yumuko din naman ako bilang pagbati.

" this way please.. " pag-assist ng secretary ni Mr. Kim.

This is a cosmetic company. One of the famous cosmetic company. I didn't know that Tito will accept them. Sa pagkaalala ko ay hindi pa tumatanggap ng mga ganitong offers si Tito. He's more into properties and common businesses. Hindi kaya si Tita ang pumayag dito?

NS: ILY : Mr. & Mrs. De DiosWhere stories live. Discover now