" Tatawag ako kapag andoon na ako, sagutin mo ha? Tapos dapat laging nasa tabi mo yung phone mo para kapag tumawag ako masasagot mo agad " natawa nalang ako sa sinabi ni Jah.
" oh bakit? anong nakakatawa? " tanong nya sakin.
" grabe mag-alala, opo sasagutin ko po agad wag mag-alala " sagot ko naman sa kanya. Nasa sasakyan kami ni Justin habang nagpapaalam sya sakin. Ngayon ang alis niya, nila. Tatlong buwan syang mawawala.
" siguraduhin mong masasamahan ka nila Caryl ha? " pagpapaalala nya sakin. Tumango-tango naman ako at niyakap siya. Niyakap nya naman ako pabalik.
" hay, mamimiss kita chin.. tatlong buwan kitang hindi makikita.. " saad nya habang niyakap nya ako nang mahigpit at hinalikan ang ulo ko.
" mamimiss din kita.. " sagot ko at kumalas sa yakap. Nagulat ako nang hilain nya ako at hinalikan sa labi.
Mamimiss ko tong halik nya.
" parang ayaw ko tuloy tumuloy " saad nya pagkatapos. Natawa naman ako.
" asus, kinaya mo nga e.. tatlong buwan lang yan hon.. " pagchecheer up ko sa kanya. Baka mamaya hindi matuloy, nako mahirap na.
Narinig naman naming kumakatok si Ms. Rose sa bintana. Napatingin naman kami.
" sige na, baka ma-late ka pa sa flight nyo " saad ko sa kanya. Nakanguso namang tumango si Justin.
" no.girls. " madiin kong paalala sa kanya. Natawa naman sya.
" yes po, Mrs. De Dios " sagot nya at hinalikan ako sa noo.
" good.. have a safe flight mister ko.. " narinig ko naman ang mahinang tawa nya. Asus, kinilig ka lang e. Agad na nyang binuksan ang pinto ng van. Pagkalabas nya, kinawayan ko naman sya. Nginitian nya ako.
" I love you, chin.. " pagpapaalam nya.
" I love you too.. " sagot ko sa kanya sabay kaway sa kanya. Matalon-talon naman syang sumunod kay Ms. Rose.Tinignan ko lang sya habang naglalakad papuntang airport. Andaming tao, sobrang dami.
" mag-iingat ka palagi Jah "
" ULAAAAAAN ! " napabalikwas ako nang marinig ko si Caryl na nasa pinto.
" bakit? lakas ng boses mo " saad ko sa kanya at ibinalik na ang atensyon ko sa movie.
" woy ! hindi ka pa kumakain ng kanin ngayong araw tapos kakain ka dyan ng ice cream?! at-- pangalawang garapon mo na susko " napahawak sa noo si Caryl habang pinagsasabihan ako.
" nagcrave ako bigla e, ito hinanap ng sikmura ko " sagot ko sabay subo ulit ng ice cream.
" I'm hereeeee " biglang bungad naman ni Bry. Napatingin naman kami sa kanya. Nilapitan naman ni Bry si Caryl para makipagbeso.
" nuh yan dzai, bakit ganyan itsura mo? stress? " tanong ni Bry sabay baba ng dala nyang plastic.
Agad ko namang nilapitan yung plastic at nakakita ako ng pakwan at papaya. Agad ko naman tong kinuha at binuksan.
" eh kasi naman nyan si Rein oh, tignan mo, hindi naglunch tapos nakadalawang garapon ng ice cream " sagot naman sa kanya ni Caryl.
" WHAT?! " halos mapatalon ako sa gulat sa sigaw ni Bry. Marahan ko namang tinuloy ang pagkain ko ng ice cream at papaya.
" beshyyy, kailangan mong kumain nakoo " saad naman sakin ni Bry sabay upo sa tabi ko.
" ito na nga oh, kumakain na " sagot ko sa kanila habang ngumunguya ng papaya.
Napasapo nalang sa noo sila Caryl at Bry.
" REINEA SANTOS DE DIOS ! " napatakip nalang ng tenga si Rein habang nagbabasa ng reports.
" hindi ka pwedeng sumama.. " pagpipigil ni Bry kay Rein.
Napahinga naman ng malalim si Rein at ibinaba ang report na binabasa nya. Kumuha naman si Rein ng pen at tuluyan nang pinirmahan ang report.
" Haydin, it's all done. " agad namang lumapit ang secretary nya sa kanya para kuhain ang mga reports.
Pagkaalis ng secretary nya, itinuon nya ang atensyon nya kay Bry.
" ulan, hindi ka pwedeng umalis, nangako kami kay Jah na kasama mo kami lagi habang wala sya " saad ni Bry. Tumusok naman ng brownies sa mangkok si Rein at kumain ng isa.
" magpapaalam naman ako sa kanya don't worry, tsaka work naman yun.. business trip, kaya hindi talaga kayo makakasama.. Isa pa, kailangan mo na rin alagaan yung mga anak nyo... hindi sa lahat ng oras, mama mo at yaya ng bata ang kasama nila. Anak mo yun, dapat ikaw nag-aalaga hindi ibang tao. Busy ka sa work, tapos sinasamahan mo pa ako. Hindi na ako bata Bry, para baby-hin nyong lahat. I'm a woman now at may asawa na ako. Kaya ko naman sarili ko, plus I have my secretary with me. " sagot naman ni Rein kay Bry.
Natahimik si Bry sa sinabi ni Rein. Napaisip din siya.
" Jah is just worrying about me, mag-isa. Hindi nyo naman ako kailangan laging alagaan dahil kaya ko sarili ko.. " dugtong nya.
Napahinga naman ng malalim si Bry at tumango.
" okay, okay.. " pagpayag naman ni Bry.
Tumayo naman si Rein at marahan na hinatak si Bry.
" lika? kain na tayo, nagugutom ako e " saad ni Rein sabay hawak sa tyan nya. Walang nagawa si Bry kundi sumama.
YOU ARE READING
NS: ILY : Mr. & Mrs. De Dios
FanfictionSabi nila, buhay mag-asawa ay mahirap. Pagkalipas ng tatlong taon, kamustahin na natin ang mag-asawang De Dios. This is the sequel of Rein and Justin's story.