" Jah! " tawag ni Ken sa akin. Agad naman akong napalingon sa kanya. Tumabi naman sya sa akin at may inabot na paper bag. Agad naman akong nagtaka kung ano iyong ibinigay nya.
" ano 'to? " tanong ko sa kanya. Agad ko namang tinignan yung laman ng paper bag na iniabot nya.
" stuffed toy? " tanong ko sa kanya. Natawa naman sya sa akin. Agad nya akong tinapik sa balikat.
" hindi.. unan yan... "sagot ni Ken sa akin. Napaisip naman ako. Bakit kakailanganin ko ng unan? maraming unan sa bahay.
" Bakit unan? madami kaming unan sa bahay, Ken " natatawang sambit ko sa kanya. Tinawanan nya din ako.
" ewan ko,basta binili ko yan.. basta kakailanganin nyo yan " huling sambit ni Ken at nauna nang maglakad sa akin. Agad naman lalong napakunot ang noo ko.
Palabas na kami ng hotel. Naglalakad na kami papuntang sasakyan. Pagkalabas namin ay agad kaming sumakay ng van. Papunta na kaming airport dahil maaga ang flight namin. 9 a.m ang flight namin. At sobrang naeexcite na akong umuwi. Maaga din akong natulog kagabi, ewan sobrang excited umuwi e.
Habang nasa byahe kami, kinuha ko naman ang cellphone ko para icheck kung nagmessage ba sakin.
" walang message? ni-missed call wala? " saad ko sa sarili ko. Pinindot ko nalang ang number ni Rein at tinawagan sya.
" the number you've dialed is out of the coverage area please try again later "
Napakunot naman ang noo ko. Ngayon lang to nangyari, lowbat ba sya? walang signal?
" Kuya, tumawag man lang ba sayo si Rein? " tanong agad ni Justin kay Josh. Inakbayan naman siya ni Josh at sumagot sa tanong nya.
" Hindi, bakit? anong problema? " tanong din pabalik ni Josh sa kanya. Patuloy pa din silang naglalakad papunta palabas ng hotel na tinuluyan nila.
" Kahapon, tumawag sya kaso hindi ko sya marinig.. yung ano ba, wlang nagsasalita sa kabilang linya. Tapos ngayon, hindi nya pa din ako tinawagan at ni-message wala din tapos nung susubukan kong tawagan, out of the coverage area naman. " sagot naman ni Justin. Napatango-tango naman si Josh sa sinabi ni Justin. Sa totoo lang din, wala naman ding kaso kay Josh dahil minsan lang naman din sya tawagan ng bunsong kapatid neto magmula nung naging busy na sa trabaho. Pero naiintindihan naman ni Josh si Justin, dahil malayo ito sa asawa nya.
" out of the coverage area? " tanong ni Josh. Nakalabas naman na sila ng hotel, madaming tao. Marami ding nag-aabang sa paglabas nila. Agad naman silang inalalayan ng mga guards papasok ng sasakyan. Kumaway muna sila bilang paalama sa mga fans din na naghihintay sa kanila at tuluyan na silang pumasok ng sasakyan.
" Jah, out of the coverage area? " takang tanong ni Josh kay Justin, pagkapasok na pagkapasok sa sasakyan nila. Tumango naman si Justin bilang sagot. Agad naman napatanong si Josh sa sarili niya.
" out of the coverage area? ibig sabihin walang signal? nasaan kaya sya at bakit walang signal? "
" oh! Architect " gulat na tingin ng mga empleyado sa site. Lahat sila ay nagulat nang makita si Rein sa site. Maging ang Engineer ay nagulat sa biglaang pagdating nya sa site.
" Director Architect " pagbati ng inhinyero. Tinignan din naman sya ni Rein ngunit agad na tumingin din sa ginagawang hotel building. Sinisipat-sipat at inoobserbahan ang naturang imprastrastura.
" Akala ko hindi ka bibisita " saad ng inhinyero sa kanya. Naririnig sya nito ngunit patuloy pa ring nagmamasid si Rein sa ginagawa nilang bagong hotel building.
" Bakit mo naman naisip yun, Engr. Aurelio " sambit ni Rein ngunit hindi pa rin niya tinititigan ang inhinyero. Nakatingin pa din si Rein sa ginagawa ng mga empleyado.
" you should not go anywhere at sa ganito kalayong lugar pa, " napakunot naman ng noo si Rein at tumingin kay Aurelio. Napatawa naman ng mahina ang inhinyero.
" don't look at me like that, baka mamana ng anak mo yan " napatawa naman si Rein sa sinabi ng inhinyero.
" Chairman can't visit here, " saad ni Rein. Nagsimula nang maglakad si Rein, agad naman syang inalalayan ng inhinyero sa paglalakad.
" kaya ikaw ang bumisita? " tanong ng inhinyero. Tumango nalang si Rein bilang sagot.
" atsaka, I'm the Architect of this project. Kailangan ko ding bisitahin kung ano ang progress ng project na ito " sagot ni Rein. Naglakad sila papunta sa isang silong. Inalalayan din naman ni Engineer Aurelio si Rein para makaupo." I know what your duties are, but you're not alone now.. you have your baby with you " concern na sabi ni Engineer. Napahinga nalang ng malalim si Rein. Alam nya iyon, ngunit kahit ganon pa man. Ang trabaho ay trabaho pa din kay Rein.
" but I'm being careful, I know sinabi na din sa inyo ni Zai.. pero I still have work to do, hindi pa din ako exemption. " sagot ni Rein sa inhinyero. Napailing nalang si Aurelio sa kanya.
" I know you are, pero syempre kaming nakapaligid sayo must be extra careful sayo. " pagpapaliwanag ng inhinyero. Patuloy nya pa ding kinakausap si Rein sa mga bagay-bagay. Hindi lang about sa projects or work, maging sa personal din. Nililibang nya ng konti si Rein para di na ito masyadong mastress sa trabaho.
" kamusta naman family mo? your wife? sa malayo ka nadestino, " pag-open ni Rein. Uminom muna ng tubig ang inhinyero bago magsalita.
" okay naman sila, madalas ko silang namimiss dahil every 2 or 3 weeks lang ako nakakauwi sa kanila. " sagot ni Engineer.
" My wife is pregnant " masayang sambit ni Engineer at tumingin kay Rein. Maging si Rein ay natuwa sa kanyang narinig.
" kaya mas kailangan nya ako doon pero wala ako sa tabi nya para mag-alaga o bumili ng mga pagkain na gusto niya.. " dugtong ng inhinyero. Halata sa boses nyang medyo nalungkot sya sa katotohanang iyon.
" I'm sorry for that " pagpapaumanahin bigla ni Rein. Agad naman ngumiti ang inhinyero.
" That's okay, kahit ganun pa man... para sa kanila naman itong ginagawa ko, para sa future nila " napangiti na din ang inhinyero maging si Rein sa sinabi nito.
Bigla namang pumasok sa isip ni Rein si Justin.
"ano kayang magiging reaksyon nya kapag nakita nya ako? umalis sya hindi pa ganito ang tyan ko, baka magulat sya na buntis ako. Magiging masaya kaya sya? Maluluha ba sya sa saya? o di kaya hindi makapaniwala? " sambit ni Rein sa sarili nya.
" Engineer! " bigla namang tinawag ang inhinyero. Napatingin naman silang dalawa sa tumawag sa kanya. Bumati din naman ito kay Rein.
" sige Arch. dito ka lang, maya-maya umuwi ka na rin. Kami na bahala dito, lagi kaming mag-uupdate sayo if ever na may mga progress " huling saad ng inhinyero at umalis na.
Tumango naman si Rein at nagpasalamat sa inhinyero.
Habang naghihintay si Rein at wala pang magawa, kinuha nya naman ang kanyang phone at kinuhaan ng litrato ang ginagawang naturang imprastraktura. Pagkatapos nya itong kuhaan ng litrato, pagkahome nya nakita nya ang litrato nilang dalawa ni Justin. Agad naman syang napangiti at marahan na hinimas ang kanyang tyan.
" sa susunod, tatlo na tayo dito " masayang sambit ni Rein. Agad nyang inopen ang phone app nya at agad tinawagan ang phone ni Justin.
Habang masayang naghihintay na sagutin ni Justin ang telepono, patuloy naman na hinihimas ni Rein an kanyang tyan. Sobra syang naeexcite. Nang sagutin ni Justin ang telepono, ababti na sana si Rein nang bigla namang may tumawag sa kanya. Napahinga naman ng malalim si Rein nang makita ang caller I.D ng secretary nya. Agad nya naman itong sinagot.
" it was rescheduled, hindi ba sainyo nasabi iyon? Who's responsible for that? ako? ikaw? " tumataas ang boses ni Rein. Unti-unting naiinis si Rein.
" I'm not blaming you," napatayo na si Rein at lumayo muna sa site panandalian.
" I'm just pointing out na hindi yun dapat ganon. Napag-usapan, hindi nakinig ang mga empleyado ganon ba yun? I'm not asking you to be their representative or you should stood for them. ANG MALI AY MALI! Suspend those employees! " inis na sigaw ni Rein sabay baba ng tawag at off ng phone.
Napainda naman sa sakit si Rein matapos ibaba ang tawag at napahawak sa bandang tyan nito.
" REIN! " rinig nyang may tumawag sa kanya. Naramdaman nya naman na parang may tumutulo sa binti nya. Nanghina naman sya kaya napaupo sya, makita nya na may tumutulong dugo galing sa kanya. Nagsisimula naman nang umikot-ikot ang paningin nya at mahilo.
" Rein, anong nangyari ?! " huling rinig nya.
YOU ARE READING
NS: ILY : Mr. & Mrs. De Dios
FanfictionSabi nila, buhay mag-asawa ay mahirap. Pagkalipas ng tatlong taon, kamustahin na natin ang mag-asawang De Dios. This is the sequel of Rein and Justin's story.