💍4

583 19 0
                                    

" KUNG UMAKTO KA PARA KANG BINATA
JAH, HINDI KA NA BINATA ! MAY ASAWA KA NA ! "

Napatayo nalang si Justin.

" JUSTIN ! DALAWANG TAON NA TAYONG KASAL ! HINDI KA NA BINATA--- "

" AYON NA NGA EH, DALAWANG TAON NA TAYONG KASAL PERO WALA KA PA RING TIWALA SAKIN ! "

Natahimik si Rein sa biglang pagsagot ni Justin. Natahimik silang dalawa. Nagkatitigan lang silang dalawa. Makurap-kurap naman si Rein sa narinig nya.

" chin, dalawang taon na tayong magkasama sa iisang bahay. Magkakilala tayo magmula college, dalawang taon na tayong kasal pero.. pero bakit parang wala ka pa ring tiwala sa akin? " nanlulumong tanong ni Justin sa kanyang asawa.

" chin, hindi naman ako nagloko e. Nakita mo bang hinawakan ko siya? Nakita mo ba na dumampi kahit daliri o dulo ng hinliliit ko sa kanya? " nanghihinang saad ni Justin.

" chin, alam kong may asawa ako. Papakasalan ba kita kung gago ako? Sa tingin mo, iiwan ko lahat para hanapin ka dahil gusto lang kitang gaguhin at lokohin? Naiintindihan ko kung nagseselos ka, pero anong kailangan mong ikaselos sa ginawa ko? wala naman akong ginawa, iniwasan ko sya dahil ayaw kong may iba akong ineentertain maliban sa asawa ko, wala akong ibang aasikasuhin maliban sa asawa ko, wala akong ibang aaluhin maliban sa asawa ko, wala akong ibang yayakapin maliban sa asawa ko at wala akong ibang mamahalin kundi yung asawa ko.. " walang hingahan na saad ni Justin. Mabilis syang magsalita ngayon dahil sa emosyong nararamdaman nya.

" chin, bakit ganyan ka? " mahinga-hingang saad ni Justin habang pinipigilan ang mga nagbabadyang luha sa mga mata nya.

Nanatiling tahimik si Rein matapos ng  lahat ng sinabi ni Justin. Walang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig.

Tinitigan sya ni Justin at naghihintay sa sagot nya pero ni-isang salita walang lumabas.

Nanghihinang naglakad paalis si Justin.
Naiwan namang umiiyak si Rein.

Umalis si Justin sa bahay nila. Narinig na lamang ni Rein ang pagandar ng makina ng sasakyan ni Justin. Naiwan naman syang humahagulgol.









" Jah, Jah ! " napabalikwas si Justin sa tawag ni Stell sa kanya. Napatingin naman siya kay Stell.

" sabi ko diba umusog ka pa? usog pa, lagi kang nawawala sa pwesto mo " saad ni Stell sa kanya. Umusog nalang si Justin at sinunod si Stell.

" okay, 5,6- 5,6,7,8 tak tak tadada tadada tadadadak. Jah ! " naputol ang pagsasayaw nila sa pagsigaw ni Stell ng pangalan ni Justin.

" Sabi ko nga Jah dib-- "

" ginagawa na nga e ! " nagulat ang apat na lalaki nang biglang tumaas ang boses ni Justin. Agad namang naglakad paalis si Justin at kinuha ang mga gamit nya. Umalis si Justin sa studio na dala-dala ang mga gamit nya.

Natahimik nalang ang apat na kamyembro nyang naiwan nya.

" anung problema ni Jah? lutang ata e " saad ni Ken habang tinititigan ang pinto kung saan lumabas si Jah.

" Ken, ano ba.. " inakbayan naman ni Sejun si Ken.

" baka may problema lang, hayaan nyo na muna si Jah " saad naman ni Josh sa kanila. Hindi pa rin mapinta ang mukha ni Stell.


Padabog namang inihagis ni Justin ang gamit nya sa loob ng sasakyan nya. Umupo sya sa driver seat at padabog na sinuntok ang steering wheel.

Napayuko at napadantay nalang si Justin sa hina. Ilang araw na rin magmula nung nag-away sila ng asawa nya. Hindi naman din sya makauwi nang bahay dahil sa sunod-sunod na praktis nila. Kapag nauuwi naman sya ay nasa trabaho naman ang asawa nya. Hindi pa rin sila nagkakaayos ng asawa nya. Hirap syang makapagfocus, hindi sya makaconcentrate dahil gulong-gulo ang isip nya. Andaming bumabagabag sa kanya. Lalo na't hindi man lang sila nakakapag-usap ng asawa nya. Ngayon lang sila nag-away ng malala ng asawa nya, magmula nung naging sila, ito ang pinakamalalang napag-awayan nila.

NS: ILY : Mr. & Mrs. De DiosWhere stories live. Discover now