💍 1

1.3K 23 1
                                    

" Good morning chin " nakangiting bati sakin ng aking asawa. Napapangiti nalang din ako habang hinihimas ang buhok nya. Marahan nyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan.

" get up, may rehearsals pa kayo " malambing na saad ko sa kanya. Tumango naman sya at marahang umupo. Kumusot-kusot pa ng mata, ang cute. Napangiti nalang ako at hinalikan sya sa noo.

Napakunot naman noo ko nang makita ko siyang nakatingin sakin at nakanguso. Napataas naman kilay ko.

" sa noo lang? " sabay yakap sa bewang ko. Tanong nya sakin, napatawa nalang ako sa kanya.

" magtoothbrush ka muna, " pang-aasar ko sa kanya. Natawa nalang kami parehas.

" woy ! " gulat kong saad. Hinalikan nya ako sa labi saka tumakbo papasok ng cr. Ito talagang lalaking to. Napailing nalang ako at inayos ang kama naming dalawa.

Agad naman akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa kusina namin. Hindi na ako nakaapartment, bumili na kami ni Jah ng bahay. Bahay na tama lang para samin, at sa future kids namin. Kinikilig ako sa tuwing binibanggit ko yan. Hindi ba nakakakilig kapag naiisip mo yung magiging itsura ng pamilya mo?

Kahit hindi naman maaga ang pasok ko ay lagi akong nauunang gumising dahil naghahanda ako ng almusal namin ni Jah, wifey duties. Kailangan kong asikasuhin si Justin, hindi na sya nagsstay sa dorm palagi syang umuuwi rito. Kahit anung oras pa, dito pa din umuuwi. Masasabi kong medyo malayo ito sa bagong building ng company nila, kaya minsan sinasabihan ko siya na ayos lang kung magstay sya sa dorm pero siya itong may ayaw. Kahit pagod na sa practice, nagdadrive pa din siya pauwi dito.

Pinaghahandaan ko siya ng almusal, antagal narin ng SB19. Akalain mo naman na kahit kasal na kami ni Jah, andyan at buo parin sila. Nagpapraktis sila para sa Anniversary Tour nila.

Habang nag-aayos ako, naramdaman ko ang pagyakap nya sakin mula sa likod. Napangiti naman ako sa ginawa nya, at agad naman syang hinarap.

" sige na, kumain ka na para hindi ka ma-late " saad ko sa kanya. Pero imbes na kumalas sa pagkakayakap sakin ay nakatitig lang sya sakin. Tumaas naman kilay ko, nakatulala ba sya?

" hmm? may problema ba? " tanong ko sa kanya. Ngiti lang ang sagot nya sakin. Inilapit nya ang mukha nya sakin at hinalikan ako. Sinimulan nyang igalaw ng labi nya. Napasabay nalang din ako sa kanya.

Kumalas na kami sa isa't-isa. Napahinga naman ako.

" I love you hon " saad nya sakin at hinalikan ang ilong ko. Napangiti nalang din ako.

" I love you too " sagot ko sa kanya at muling tinitigan ang isa't-isa.

" yun ang totoong halik hon " saad nya sakin at hinampas ko naman sya sa dibdib.
Natawa naman kami parehas.

" nagtoothbrush ako hon, wag kang mag-alala " proud pa nyang sabi. Lalo naman akong natawa sa banat nya.

" kumain ka na, gutom lang yan " sagot ko sa kanya at hinatak na sya sa upuan.









" loveyouuu " saad nya habang magkayakap kaming dalawa. Aalis na kasi siya.

" I love you too " sagot ko at inayos ko nang bahagya ang damit nya. Nakahawak parin sya sa dalawang kamay ko.

" kiss.. " saad nya at ngumuso. Inilapit ko naman ang mukha ko sa kanya para halikan nya ako sa pisngi. Antagal kong nakaganun. Nagtaka naman ako. Hinarap ko siya. Nakanguso siya.

Pagkaharap ko, hinalikan nya ako sa labi.

" bye bye hon, " nakangiting saad nya sakin. Napailing nalang ako at natawa sa ginawa nya.

" okii, see you later.. drive safely okay? " paalala ko sa kanya. Agad naman syang tumango at lumabas na ng pinto. Sinundan ko naman sya at pinagmasdang pumunta sa kotse nya.

Pagpasok nya sa loob, tumingin sya ulit sakin. Ngumiti ako at kumaway sa kanya.
Ngiti rin binalik nya sakin. Pagkaalis nya, agad narin akong pumasok ng bahay. Narinig ko namang nagriring ang cellphone ko. Agad ko namang kinuha ang cellphone kong nasa counter table.

" hello? " agad kong sagot sa tawag.
" Director, I'm just reminding you that you have a meeting at 9 a.m " napatango naman ako at nagsimula nang maglakad papunta sa kwarto ko.
" okay, thank you for reminding me " saad ko at binaba na ang tawag.

Nagtatrabaho pa din ako sa kompanya ni Zai, ako ang namamahala sa ibang businesses ng kompanya. Including their hotels, real estate, villas and restaurants. Actually, yung restaurant hindi naman talaga sakop ng kompanya, sariling negosyo ni Zai iyon. Pero kasi dahil sa business trips na halos buwan-buwan at linggo-linggo, ayon ako ang nagsisilbing manager. May iilan na branches na din yun, mga 20 branches.








" do I have a next meeting? any schedules today? " tanong ko sa secretary ko habang naglalakad sa hallway. Katatapos lang ng meeting ko kaninang 9 a.m.

" good morning Director " bati ng mga dumadaan na mga empleyado. Ako namang sagot lang ng " good morning " at ngiti lang.

Ganito ang buhay ko araw-araw. Naging maganda ang incentives ko, of course dahil Director na ako pero isa pa rin ako sa empleyado. Mas pinapaboran nga lang ako ni Tito, ang tatay ni Zai.

Biro lang, baka magtampo na naman sya at sabihing magpaampon nalang ako sa tatay nya.

Naglalakad kami papunta sa office ko nang may marinig kami ng secretary ko na malakas na boses. Parang may inaaway. Agad akong nagmadaling pumasok sa office ko.

" excuse me? " agad kong salita na nagpatigil sa lalaki magsalita.

" Director, g-good morning " bati ni Ella at yumuko bilang paggalang. Agad naman syang naglakad papunta sa direksyon ko. Nag-ayos naman ng coat ang lalaki. He clears his throat and start to stare at me from my head to toe.

" what happened? " tanong ko kay Ella. Agad naman syang bumulong sakin. Naputol naman ang sagot ng empleyado ko nang magsalita sya.

" that's how treat guests here? hinaharang ? " nag-init naman ang ulo ko sa sagot nya. Kalma, kalma. Umagang-umaga.

" Sir, how many times do I have to tell you lahat po ng guests dito at gustong bumisita kay Ms.--- "

Agad ko namang sinenyasan na tumigil sa pagsasalita si Ella. Tinignan ko sya at tinanguan. Mukhang kuha nya naman ata ang ibig kong sabihin. Agad namang lumabas si Ella at ako naman ay naglakad papunta sa upuan ko at umupo.

" What can I do for you? " tanong ko sa kanya. Patuloy naman sya pagtingin sa buong opisina ko.

" Not bad for a Director, Ms. Rein Santos " sabay tingin sakin. Tinitigan ko naman sya at sinagot.

" Correction. Mrs. Rein Santos-De Dios, I'm not Miss anymore, I do have a husband now " sagot ko sa kanya. Nagpairap naman sya at huminga ng malalim.

" Sir, do you have any appointments to Mrs. De Dios? " biglang tanong sa kanya ng secretary ko. Napatingin naman siya sa secretary ko.

" Why? hindi ba pwedeng bumisita dito? I once sat on that chair back then " proud nyang sabi.

Siya si Gian, Gianne Joaquin. Former Director of this company. Sya ang pinalitan ko.

Napahinga naman ng malalim ang secretary ko.

" okay, Heydin can you get me some banana milk and cookies? I'm kinda hungry " saad ko sa secretary ko at tumango naman sya at lumabas na.

I looked at him.

" back then Gian, bago mo pa lokohin ang pamilyang Del Rosario " seryosong sagot ko.

He chuckled.

" No, no, " saad nya habang umiiling-iling.

NS: ILY : Mr. & Mrs. De DiosWhere stories live. Discover now