" ambaho mo ! " nagulat ako sa sinabi nya sakin at saka ako itinulak.
Napakunot ang noo ko at inamoy agad ang sarili ko. Mabaho? ako? kailan pa nangyari yon?
Agad kong inamoy ang tshirt kong suot. Hindi naman ah, amoy pabango nga ako. At saka nagshower ako bago umuwi rito sa bahay.
Agad naman akong dumiretsong kwarto para ibaba ang mga gamit ko. Napahiga nalang ako sa kama namin sa sobrang pagod.
" hay nako, mag-iimpake pa ako " saad ko sa sarili ko. Yep, next week na ang tour namin. Kailangan ko nang ayusin ang mga gamit ko para hindi na ako magagahol kapag umalis ako pero hindi pa ngayon, mga 3 days before nalang pala kasi tinatamad ako ngayon.
Napabangon naman ako nang marinig ko yung pahiwatig ng mga alaga ko sa tyan. Nagugutom na ako.
Agad akong tumayo habang hawak ang tyan ko. Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko si Rein na nanonood ng movie. Lumapit ako sa kanya at nakita ko siyang umiiyak-- sandali? umiiyak? bakit?
" hon? " agad akong umupo at tumabi sa asawa kong nanonood. Panay tulo ng luha nya habang kumakain ng chips.
" hon? ayos ka lang ba? bakit ka umiiyak? " tanong ko sa kanya. Marahan kong hinimas ang ulo nya. Napatingin sya sakin.
" hooooon " saad nya at bigla akong niyakap. Umiyak naman siya na parang bata. Nag-alala naman ako lalo. Agad ko din syang niyakap pabalik at hinimas ang likod nya para aluhin.
" bakit? bakit? anong nangyari? " tanong ko sa kanya. Pero hindi pa rin sya tumitigil sa pag-iyak, nag-alala na talaga ako.
" hon? tahan na, ano bang nangyari? " tanong ko ulit sa kanya at marahan naman akong kumalas sa yakap. Pinunasan ko yung mga luha nya at tinignan ko siya. Mukha syang kawawang bata bakit ganun?
" eh kasi-- " mahikbi-hikbi pa siyang nagsasalita.
" kasi? " tanong ko sa kanya habang inaayos ang buhok nya.
" tignan mo oh, " saad nya at tinuro yung palabas na pinapanood nya.
Napakunot naman noo ko sa sinabi nya. Tinignan ko ulit sya.
" oh? anong meron don hon? " tanong ko sa kanya. Inayos nya naman yung buhok nya. Alam nyo, mukha talaga syang batang babae na inagawan ng barbie kung umiyak. Hindi ko alam kung bakit ganun ang tingin ko sa kanya.
Marahan naman syang umiling.
" hindi ko alam " sagot nya sakin at niyakap ulit ako.
Napakunot lalo yung noo ko.
" kung wala, bakit ka umiiyak? " tanong ko sa kanya. Umiling naman siya. Nakayakap pa rin siya habang humihikbi-hikbi sa dibdib ko.
Napatawa nalang ako ng mahina. Hay nako.
" hay nako " sambit ko nalang pagpasok ko sa bahay. Tinignan ko naman ang oras sa phone ko, it is already 2 a.m in the morning, at siguradong lagot ako sa kanya dahil madaling araw na ako nakauwi. 5 hours nalang ang tulog ko. Para akong zombie maglakad, inaantok na ako. Tahimik lang akong naglalakad dahil siguradong tulog na si Rein.
Nangangalo mata na ako sa pagod at antok. Lahat na sabay-sabay. Sandali, nauuhaw ako. Zombie na ako maglakad, baka sa susunod na araw sa dorm muna ako. Hay nako, tama talaga si Rein. Nagpunta naman ako sa kusina at binuksan ang ilaw.
" HON?! " halos atakihin ako sa puso nang makita ko siyang nasa sahig kumakain. Agad naman akong lumapit sa kanya.
" 2 a.m na, bakit gising ka pa? " tanong ko sa kanya. Nilunok nya muna yung piattos na kinakain nya bago ako sinagot.
" hon, nagutom ako eh " sagot nya sakin sabay sawsaw ng sour & cream favored na piattos sa ice cream. Napakunot ang noo ko sa mga pagkain na nasa paligid nya.
" kararating mo lang? " tanong nya sakin sabay halik sa noo ko. Napangiti nalang ako, hay wala na ang pagod ko. Tumango naman ako.
Binaba nya yung Piattos at niyakap ako.
" kawawa naman asawa ko, pagod na pagod " saad nya sakin. Niyakap ko naman sya ng mahigpit. Kumalas kami sa pagkakayakap.
Kinuha nya ulit yung Piattos at sinawsaw ulit sa ice cream.
" ahhh " saad nya. Tinignan ko naman yung inaabot nya.
" dali na tikman mo lang, " dugtong nya pa. Wala na akong magawa kundi tikman yung inaalok nya. Ngumanga ako at kinain yung chip.
" diba masarap? " saad nya sakin habang kumakain. Napangiti nalang ako habang tumatango. Ang cute nya. Hinalikan ko naman ang noo nya.
" pahingi nga " hingi ko sa kanya. Kukuha na sana ako nang ilayo nya yung Piattos.
" hmp, doon oh kuha ka " sabay turo nya sa pantry. Napailing nalang ako kakatawa. Ibang klase talaga sya.
Natuwa naman ako at hinawakan ang mga pisngi nya. I squish her cheeks and kiss her lips.
" good mornight hon, I'm really tired kaya magpapahinga na ako.. I love you " saad ko sa kanya. Ngumiti lang sya at tumango.
" enjoy eating, basta tatabi ka sakin matulog mamaya ha ? " natawa naman sya sa sinabi ko. Tumayo naman ako at uminom ng tubig saka naglakad na papuntang kwarto. Okay Justin, you did well.
YOU ARE READING
NS: ILY : Mr. & Mrs. De Dios
FanfictionSabi nila, buhay mag-asawa ay mahirap. Pagkalipas ng tatlong taon, kamustahin na natin ang mag-asawang De Dios. This is the sequel of Rein and Justin's story.