💍19

720 23 9
                                    

Nagising si Rein sa alarm na umiingay sa labas ng kwarto. Agad naman syang napabangon sa higaan at tinawag ang kanyang asawa.

" Hon! Hon! " napatakip na sa tenga si Rein sa sobrang ingay ng alarm. Mukhang di narinig ng kanyang asawa ang kanyang tawag.

" HON! JAH!! " tawag nya pa. Maya-maya, tumigil na ang alarm at sumunod naman na nagpakita ang kanyang asawa sa may pintuan.

" Hey, Good morning " bati ni Justin sabay pasok dala-dala ang tray na may pancake at banana milk. Nakangiti lang si Justin habang naglalakad papalapit sa kanyang asawa.

" Good morning " bati din sa kanya ni Rein. Binigyan naman sya ni Justin ng halik sa noo. Napakusot-kusot naman ng mata si Rein.

Tinabihan naman sya ng kanyang asawa sa kama at agad namang inihain sa harap nya ang pagkain na dala-dala ni Justin.

" Did you burn the kitchen? " Tanong ni Rein kay Justin. Agad namang nanlaki mata ni Jah at umiling.

" You sure? " Paninigurado ni Rein sa kanya. Tumango at nakangiti lang sa asawa si Justin.

" but it looks like the alarm went wild again this morning " saad ni Rein at kumain ng pancake na gawa ni Jah.

" How is it? " Tanong ni Justin. Napailing nalang ang asawa sabay tumawa.

" Myghad hon, ngayon alam ko na kung bakit di ka pinapayagan ni Mommy sa kusina " natatawang saad ni Rein. Natawa naman din si Justin sa sinabi ng asawa kaya naman itinabi nalang ang pancakes at pinainom nya nalang ng gatas si Rein.

" By the way, wala ka bang practice ngayon? " Tanong ni Rein sa asawa sabay inom ng banana milk. Umiling naman ang kanyang asawa at iniligpit ang pinagkainan nya. Itinabi naman ni Justin ang tray sa side table nila.

" Wala.. sasamahan kita sa check up mo " Nakangiting saad ni Justin at hinalikan sa ilong ang asawa.

" Sasamahan ko kayo si chikong~ " masayang sambit nito habang nakangiting nakatingin sa tyan ni Rein. Napangiti naman si Rein at napatingin din sa tyan nya.

Marahan namang sumampa si Justin sa kama at dumapa para maharap ang tyan ni Rein.

" Hello buddy~ I'm your daddy~ your handsome and talented daddy " masayang sambit ni Justin sabay himas sa tyan ni Rein. Natawa naman si Rein sa sinambit ng kanyang asawa.










" Hon, dahan-dahan " saad ni Justin habang naglalakad sila papunta sa room ng OB-GYNE ni Rein.

Inaalalayan ni Justin si Rein maglakad, nakakapit sa braso ni Justin ang asawa nya.

" Good morning po doc " bati ng mag-asawa sa doctor. Napangiti nalang din ang doctor sa kanila.

Pinaupo muna ang mag-asawa atsaka kinausap. Nakikinig lang si Justin habang kinakausap ang kanyang asawa. Tungkol sa mga nararamdaman, kinakain at kalagayan nya. Nakatitig lamang sya sa asawa nya habang kinakausap ito.

" By the way, gusto niyo na bang malaman ang gender ng baby? " Napalaki naman ang mata ng mag-asawa. Awtimatikong napangiti si Justin.

" Makikita na po ba? Gusto po naming malaman-- " excited na saad ni Justin sa doctor. Agad naman syang hinawakan ni Rein.

" Hon, ayaw ko muna.. " saad ni Rein. Nagtaka naman si Justin sa sinabi ng kanyang asawa.

" Hindi nalang po muna doc, " saad ni Rein sa doctor. Napatango nalang ang doctor saka sila nginitian.

" Okay, but shall we check kung kamusta na si Chikong? " Tanong ng doctor. Tumango naman si Rein at inalalayan naman ni Justin tumayo ang asawa nya.

Pinahiga muna si Rein at saka nilagyan ng gel ang kanyang tyan.

Nakahawak lamang si Justin sa kamay ng kanyang asawa at nakatingin din sa monitor.

" Healthy naman si Chikong " masayang balita ng doctor. Nagkatinginan naman ang mag-asawa at napangiti.

" Normal din ang heart rate nya, at-- syempre di ko muna sasabihin kung anong gender ni baby chikong~ " napatawa naman ang mag-asawa sa sinabi ng doctor.

" Thank you po doc " pagpapasalamat ng mag-asawa sa doctora ni Rein. Pagkatapos ng check-up ni Rein, inalalayan naman din sya ni Justin palabas ng ospital.

" Dahan-dahan " sambit ni Justin sa asawa habang pasakay ng sasakyan. Nang makaupo na ng maayos si Rein ay agad na ding isinara ni Justin ang pinto ng sasakyan at umikot na papunta driver seat.

" Okay, saan mo gustong pumunta? " Tanong ni Justin kay Rein. Inistart naman na ni Justin ang kotse at nagdrive na paalis ng parking lot ng ospital.

Napanguso naman si Rein.

" Kain muna tayo " sambit ni Rein. Napakunot naman ng noo si Justin.

" Hindi ba, kakakain lang natin sa bahay bago umalis? " Tanong ni Justin habang nagdadrive.

" Hon, pagkatapos kitang bigyan ng breakfast in bed, nagrequest ka ng cereal with milk ofcourse pero may ice tapos after non, kumain ka ng ice cream then kinain mo yung tinapay sa bahay tapos habang nasa byahe tayo kanina nagpabili ka ng doughnuts. " Dugtong ni Justin.

" Gutom pa ako hon, atsaka hindi lang naman ako ih.. si Chikong pa. Gutom kami hon" sambit nang asawa sa kanya. Napatawa naman si Justin.

" Okay, okay, saan tayo kakain? " Tanong nya sa asawa. Hindi nya talaga kayang hindian ang mahal netong asawa.

Huminto naman ang sasakyan ng nagred ang traffic light.

" Anong gusto mong kainin? " Tanong nito sabay ayos sa buhok ng asawa nya.

" Samgyup? " Nakangiti sagot ng asawa nya. Napangiti naman si Justin at hinalikan sa pisngi ang asawa.

" Okay, okay! Magsasamgyup kami! " excited na saad ni Justin kasabay nang pag-andar ulit ng sasakyan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NS: ILY : Mr. & Mrs. De DiosWhere stories live. Discover now