Rein's
" Good morning ! " napalingon naman ako sa pinto. Napangiti naman ako sa kanya.
Agad syang lumapit sakin at tumayo naman ako para salubungin siya.
" Good morning " bati ko din sa kanya pabalik. Nagyakapan naman kami.
" Nagbreakfast ka na ba? Let's eat ! Treat ko " napangiti naman ako at dali-daling kinuha ang slingbag ko.
Agad naman kaming lumabas ng office ko, magkakapit-braso.
" nakoo, madami ako sayong ikukwento !" excited na excited na saad nya.
" Good morning Director, " rinig kong bati ng mga nakakasalubong naming empleyado.
Binabati ko din naman sila pabalik.
Nakit ko namang nakangiti din si Shine sakin." iba talaga.. grabe.. " pangangantyaw nya sa akin. Natawa naman ako sa sinabi nya.
Pagkababa naman namin ng elevator, nakaramdam ako nang hindi maganda.
Medyo nahihilo ako.
Napahawak naman ako kay Shine." Rein? " narinig ko siyang nagsalita.
Pero di ko siyang pinansin.Minulat ko mata ko.
Inikot ko mata ko at nakita ko si Shine.
Agad naman nya akong nilapitan." Ayos ka lang ba? bigla kang nawalan ng malay " nag-aalalang sabi sakin ni Shine.
Dahan-dahan naman akong bumangon.
" oh, " saad ni Shine habang inaalalayan akong bumangon.
" anong nangyari? " tanong ko sa kanya habang nakahawak sa sintindo ko.
" nasa loob tayo ng elevator nang bigla mo akong hawakan tapos non, bigla ka nalang nahimatay. " paliwanag nya sakin.
Inalukan nya naman ako ng tubig.
" here, water.. ninerbyos ako sayo " saad nya sakin sabay abot ng tubig sa akin.
Uminom din naman ako ng tubig.
Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto ng office ko. Oo, andito kami sa office ko. Inihiga nila ako sa sofa ng office ko.
" Rein! Thank God! may malay ka na, sobra kaming nag-alala sayo " patakbong pumunta si Zai sa akin.
" may nararamdaman ka ba?? bago ka mawalan ng malay? " tanong ni Shine sa akin.
" sumakit yung ulo ko, tapos ayon, hindi ko na maalala " sagot ko sa kanila.
" nako, kumain ka na ba? " tanong ni Zai sa akin.
" actually, kakain palang dapat kami babe " sagot ni Shine.
" kanina, oo " biglang sagot ko. Napatingin naman sakin si Shine.
" anong kinain mo? " tanong ni Zai.
" Ice cream tsaka banana " sagot ko.
Nakita ko naman paglaki ng mata ni Zai at Shine." Ice cream?! " tanong ni Shine. Narinig ko naman pagtawa ni Zai.
" ulan, hindi yon breakfast.. sinong normal na tao kakain ng ice cream as breakfast? " tanong ni Zai.
" Nako, sige, wait for us. Bibili na lang kami ni Zai ng makakain mo.. " pagpapaalam naman ni Shine sakin. Tumango na lang din ako.
" wait for us, Rein okay? " saad ni Zai at umalis na sila.
" thank you.. " pagpapasalamat ko sa kanilang dalawa.
YOU ARE READING
NS: ILY : Mr. & Mrs. De Dios
FanfictionSabi nila, buhay mag-asawa ay mahirap. Pagkalipas ng tatlong taon, kamustahin na natin ang mag-asawang De Dios. This is the sequel of Rein and Justin's story.