" hello hon " bati ni Jah sa video call. Napangiti naman ako nang makita ang mukha nya sa cellphone.
" how's your day? " bati ko sa kanya at niyakap ang unan na nasa harap ko. Napahawak naman sya sa noo nya.
" nakakapagod.. may day 2 pa bukas " sagot naman nya. Tumango naman ako.
" ikaw? kamusta work mo? how's your day? " tanong nya sakin.
" ayos lang naman, hindi naman ganun kabigat yung trabaho ko ngayong araw. Tsaka maaga ako nakauwi " sagot ko. Tumango-tango naman sya at humiga paharap sakin.
" I miss you chin.. " saad nya. Aww.. mukha syang baby.
" I miss you too.. " sagot ko sa kanya. Napahinga naman sya ng malalim.
" don't worry, 2 months and 2 weeks nalang " pagaalo ko sa kanya.
" antagal pa " nakangusong sagot nya sakin. Itong asawa ko hindi ko alam kung matanda na to o teenager pa din e. Natawa nalang ako. Mukha syang nagmamaktol na bata.
" saka nga pala jah... " pagsisimula ko.
" hmm? " sagot nya. Marahan nya namang inayos ang pagkakahiga nya.
" may business trip ako " saad ko sa kanya.
" business trip? " patanong na tono nyang sabi.
" yes, aalis ako " diretsong sabi ko.
" hm? akala ko ba you're not attending any business trips kasi si Zai na lagi ang umaattend sa mga meetings at never ka pa umalis for business ah " totoo. Hindi ko pa nararanasan mag-business trip. Kasi kadalasan, hindi na ako sinasama ni Zai dahil kaya nya naman daw.
" yea, this is would be the first hon " sagot ko sa kanya. Bumangon naman sya sa pagkakahiga at umayos ng upo.
" hon naman... " saad ko sa kanya at bumangon din.
" wala, hindi ako kokontra okay? " napangiti naman ako sa sagot nya.
" syempre, mag-aalala ako dahil wala ako dyan. Mas mahirap dahil magkalayo tayo.. " dugtong nya.
" hon.. don't worry, kasama ko si Zai " pagpapagaan ko ng loob nya. Napanguso siya.
" mag-iingat ka, hmm? kailan ba ang alis mo? " tanong nya sakin. Nagmumukhang bibe na tong asawa ko, nakanguso lang.
" next week pa, " sagot ko naman sa kanya. Tumango-tango naman sya at kinusot-kusot ang kanang mata nya.
" di ka pa ba inaantok hon? may rehearsals pa kayo bukas ng umaga hon.. magpahinga ka na " saad ko sa kanya.
" gusto pa kitang kausapin, " sagot nya. Napangiti naman ako sa sinabi nya.
" 3 times a day mo naman ako kinakausap, papuntang venue, pagkatapos ng rehearsals mo tapos ito pagkatapos ng concert nyo.. hon, pahinga ka na para may energy ka bukas " saad ko sa kanya.
" thank you hon.. hay.. miss you, and I love you chin " maantok-antok nya pang sabi.
" I love you more, goodnight jah.. " saad ko pabalik.
" Good morning, Ms. Santos " bati ni Mr. Asuncion sabay halik sa daliri ko. Marahan kong inangat ang kaliwang kamay ko.
" Misis... Mrs. de Dios.. So, can we start the meeting? " agad akong umupo at sumunod din si Haydin.
" oh, I'm sorry, I didn't know you're already married.. so, who's this lucky guy? " sumunod na rin syang umupo at inayos ang tie nya.
" none of your business, Mister.. " sagot ko sa kanya at agad kinuha ang proposal paper.
Mr. Asuncion is one of the partners of this company. Matanda na siya okay?
" may mood swings ba ngayon ang Ace Director ? " saad nya habang nakatingin sa kisame. Napatingin naman ako sa kanya.
" kararating ko lang ganyan agad.. *tsk tsk* " pailing-iling na dugtong nya. Tinignan ko naman sya. Agad akong tumayo at umalis doon sa office ko. Pabagsak kong sinara yung pinto.
" Good morning Director, " bati naman ng mga empleyado pagkalabas ko.
Agad akong dumiretso sa cr.
Napahawak ako sa noo ko." ang init ng ulo ko ngayon, bakit? " tanong ko sa sarili ko. Nakatingin lang ako sa lababo habang napapaisip. Napapakagat nalang ako ng labi ko.
" oo nga e, ikaw ba---- Director ! " napatingin naman ako sa kanila.
" g-good morning po, s-sorry po.. " bati nila habang nag-aalangan pumasok sa cr.
" n-no, no, it's okay.. pasensya na kung dito ako nagcr.. " sabi ko naman pabalik sa kanila. Agad nalang akong lumabas ng cr.
Nakaupo ako ngayon sa bench sa labas ng building. Napahinga nalang ako ng malalim at uminom ng gatas.
" anung oras na ba? " saad ko sa sarili ko sabay tingin sa orasan ko.
9 a.m.
Tinitignan-tignan ko lang yung mga sasakyang napapadaan.
" you're here " napatingin naman ako kay Mr. Asuncion na nakatayo sa gilid. Napangiti nalang ako at umupo naman sya sa tabi ko.
" ahmm, sorry about what happened earlier .. " nakayukong saad ko.
Marahan nya akong tinapik sa balikat.
" no, that's okay my daughter.. " napangiti nalang ako sa sinabi nya.
He is Mr. Asuncion, 68 years old. Pinsan ni Tito, yung tatay ni Zai. Sobrang bait nya. Sya talaga ang pinakaclose ko sa board members, at hindi ko siya tatay ah. Tinuring nya na akong anak dahil kaedad ko yung anak nya. Parang anak na din trato nya sakin, at naranasan ko na din magkaroon ng tatay...
" so, who's this lucky guy? " tanong nya. Natawa nalang ako ng mahina.
" Justin po.. Justin De Dios " sagot ko sa kanya. Marahan naman syang tumango.
" you're idol boyfriend? " tanong nya. Tumango naman ako. Hinaplos nya naman yung buhok ko.
" akalain mo nga naman, kayo talaga ang itinadhana... Kapag kayo talaga, kayo talaga.. " napatingin naman ako sa kanya at nginitian nya ako.
" paano kayo nagkabalikan? " tanong nya pa sakin. Ininom ko na yung natitira gatas ko at saka nagkwento.
" hinanap nya po ako, sa America. Iniwan nya po yung grupo nya at hinanap ako. Dalawang taon nya po ako hinanap, tapos .. "
" tapos? " nag-aabang na sabi nya.
" sa train station pa din kami pinagtagpo " nakangiting dugtong ko.
Nakita ko naman syang ngumiti at umiling.
" sa train station kayo nagkakilala, sa train station pa din kayo pinagtagpo.. Hindi na kayo pinabayaan, talagang kayo para sa isa't-isa " sabay ngiti nya sa akin.
YOU ARE READING
NS: ILY : Mr. & Mrs. De Dios
Fiksi PenggemarSabi nila, buhay mag-asawa ay mahirap. Pagkalipas ng tatlong taon, kamustahin na natin ang mag-asawang De Dios. This is the sequel of Rein and Justin's story.