Chapter 2

1.2K 48 5
                                        

02

My son

"FUTURE HUSBAND?!"

Ibig sabihin, siya ang anak ni Mrs. Alejo?! Tanginang juice naman oh. Kakasabi pa nga lang ng pangalan niya diba? Hay naku self, you're so bobo.

Ngayon ko nga lang din napansing naka wheel chair pala siya. Bakit naman kase gano'n? Ako na 'yong may kasalanan pero siya pa 'tong napuruhan sa aksidente. At ngayon, mas malaki na ang kailangan naming bayaran.

"Well, if I would accept you as my wife." Kinunutan ko siya ng noo. Pansin ko rin ang mahabang pilik-mata nito na mas lalong nagpatingkad sa kulay abo niyang mata. Makapal din ang kanyang kilay, matangos ang ilong, manipis ang labi at mamula-mula pa ito. Ang sarap sigurong halik-

"I know that I'm handsome as hell but don't you ever drool in front of me."

Napakurap-kurap ako ng maraming beses sa kanyang sinabi. Geez... Nakakahiya naman. Tsaka teka nga, ang hangin din pala ng taong 'to.

"Kapal mo naman, kuya. Mas gwapo pa nga si Browny kesa sa 'yo!"

"Who the fvck is Browny?! And I'm not your kuya okay? We're just in the same age!"

Inis na inis na siya ngayon at kulang nalang ay may lumabas na usok sa kanyang ilong. Pero, cute naman siya eh. Hihi

"Aso namin si Browny."

"Sh*t."

At muli na namang pumalibot sa silid ang tawanan ng mga naka-itim na lalakeng kumidnap sa 'kin. And speaking of kidnap, bakit kaya nila ako dinala rito? Anong kailangan nila sa 'kin? Hindi kaya, ngayon na nila balak gawin 'yong kasal? Oh nooo. Hindi pa ako ready tsaka lalo na sa... Sa Honey moan.

"We'll talk again later, psycho rat."

Muli niya akong binalingan ng masamang tingin saka siya inalalayan ng isa sa mga bodyguard. Nakahinga ako nang maluwang nang makalabas siya ng kwarto. Hay... Ewan ko ba parang kinakabahan ako sa lalakeng 'yon. Lalo na kapag naiisip kong ikakasal ako sa kanya. Argghhh.

Pinasadahan ko ng tingin ang dalawang lalakeng naiwan at ngayon ay nasa cellphone na ang kanilang atensyon.

"Psst! Mga manong..." tawag ko sa kanila. Tumingin naman agad sa 'kin 'yong isa at tinaasan ng kilay.

"Bakit niyo po ako kinidnap?" inosenteng tanong ko. Ngumisi lang 'yong isa at binaba ang kanyang cellphone.

"You call that kidnap? You're really something." Nagsimula na naman silang magtawanan ng kasama niya. Mga hayop na 'to, iisipin ko na talagang na baliw na sila sa 'kin. Tsaka ano bang mali do'n sa salitang kidnap?

"You're not a kid anymore. And besides, we didn't do anything to harm you." Paliwanag no'ng isa. Yawang 'to, matanong na nga lang ang mga pangalan nila. Hindi nga rin ako makapaniwalang mga bodyguard ito kase ubod din ng gwapo. Hai bohai...

"Teka nga, bakit ba kanina pa kayo english ng english ha? Konti nalang, dudugo na ilong ko. Nauna nga lang 'yong..."

"What?"

"Wala hehe. Sabi ko, may period ako ngayon. At kung pwede lang, mag tagalog na kayo okay? Tsaka pwede na ba akong umuwi? Baka nag-aalala na ang mama ko at lagot talaga kayo sa mga tanod sa 'min. Naku! Mga walanghiya kayo. Kinidnap niyo ako nang walang paalam!"

"May kidnapper bang nagpapaalam?"

Sabi ko nga wala...

"Ehh...iuwi niyo na nga lang ako!"

Mabuti nalang at hindi nila pinagtangkaang itali ang mga kamay ko. Niyakap kong muli ang sarili ko nang maramdaman ang lamig na nanggagaling sa malaking aircon nilang nakatayo. Ang sosyal talaga ng pamilyang 'to. Kapag siguro nagkatotoong maging asawa ko si... Teka nga nakalimutan ko na pangalan no'n.

Met By Accident Where stories live. Discover now