Chapter 8

991 31 2
                                        

08

Favor

Nagmadali kong kinuha sa kanya ang tuwalya ko. At ang gago naman, halos hindi na rin makatingin nang diretso matapos akong pagnasahan ng mga mata niya. Arrrghhh! Nakakairita talaga.

"BASTOS! UMALIS KA NA NGA!" Pinagpapalo ko siya ng tabo at todo naman ang pagtakip niya sa sarili gamit ang dalawang kamay. Paano ba naman kase, imbes na pumikit ay tinitigan pa ako ng mga tatlong segundo bago tumalikod. At hindi ako OA ha! Sadyang nakakainis lang! Mabuti na lang at hawak-hawak pa niya ang tuwalya ko kaya natakpan ko rin agad ang katawan.

Nakakahiya talaga! Muntik na nga niya akong mahalikan kanina tapos nakita pa niya ang katawan ko. Feeling ko tuloy nawala na ang virginity ko huhu...

"I'm S-sorry..." Minura ko pa siya ng isang beses bago siya lumabas ng banyo.

Sakto rin ang pagdating nila mama. Nagtataka pa tuloy na tumingin siya sa 'kin dahil sa hindi maipaliwanag kong itsura. Inis na inis kase ako at hindi ko alam kung paanong bugbog ang magagawa ko kay Cross. Sumagi rin sa aking isipan ang aksidenteng nangyari sa kanya at idagdag pang, hindi pa magaling ang paa niya. Siguro kapag gumaling nalang siya saka ko gagawin ang plano ko. Baka kase mapatay ko pa siya ngayon.

"Oh anyare sa 'yo?" nagtatakang tanong ni kuya at nagawa pang guluhin ang basa kong buhok. "LUMAYAS KA NGA! KAIRITA KA!" Dire-diretso na akong naglakad papasok sa kwarto ko at hindi na nag-aksayang tignan pa ang kanilang reaksyon. Tutal ang dami ng kahihiyang nangyari sa 'kin ngayong araw ay lubus-lubusin ko na.

Hindi na rin ako nag-abalang plantsahin pa ang uniform ko sa trabaho at sinuot na 'yon. Sana naman kase umuwi na sila. Tsaka akala ko ba sa gabi pa sila pupunta rito para kausapin sina mama? Aiishhh ang gulo talaga ng pamilya Alejo.

Pagkatapos kong I-blow dry ang buhok ko ay sinuklay ko nang mabilisan ang lagpas balikat nitong haba tsaka itinali. Hindi na rin ako naglagay ng pulbo o lipstick dahil hindi rin naman kailangang magpaganda para mag linis lang ng bahay. 'Yon kase ang trabaho ko sa mansion ng mga West. Pinihit ko ang door knob ko nang dahan-dahan at sinilip kung nando'n pa rin sila.

"Huli ka!"

"Ay tanginang kambing!"

Agad ko siyang hinabol at pinagbabato ng mga unan mula sa sala. At dahil masikip lang ang bahay namin ay umabot kami hanggang sa labas. Nagsilabasan tuloy ang mga bata dahil sa ginagawa namin. Meron pang nagchi-cheer at nakihabol sa kuya kong abnoy.

"BUMALIK KA DITOOOO!"

Hinihingal akong tumigil at napahawak nalang sa tuhod ko. Dumiretso kase siya sa bahay nila Mang Kardo eh alam naman niyang simula bata ay takot ako sa kanya. Bali-balita kaseng mangkukulam ito kaya maraming lumalayo sa kanya. Pero si kuya, ayon at kinaibigan pa. Paraan daw kase niya 'yon para takutin ako kung sakaling mag-aaway kami.

Walanghiya talaga. May araw din sa 'kin 'yon. "Umuwi na kayo, mga bata! Puro kayo laro. Pustpa!"

Inis na inis akong bumalik sa bahay dahil nakalimutan ko ang bag ko. Pero bago pa ako tuluyang makarating do'n ay nakasalubong ko si Shawn na mukhang bagong ligo rin.

"Good morning, my princess!" Lumapit ito sa 'kin at huli na ng mapigilan ko pa siya ay nahalikan na niya ang noo ko. Ganito na siya ka-sweet no'ng nag-aaral pa lang kami lalo na no'ng naging kami pero hindi ko lang maiwasan na manibago. Matagal kase kaming hindi nagkita at nag kasama kaya hindi maiiwasan ang mga ilang pagbabago sa pagitan namin.

"Good morning din. Ang aga mo atang dalawin ako?" Sumilay sa kanyang labi ang napakatamis na ngiti. Pansin ko rin ang magara niyang porma. Naka Black polo ito at naka tuck-in ang harapan ng kanyang damit sa pants. Napaka-ayos din ng kanyang hairstyle at bumalot sa ilong ko ang kanyang pabango. Fresh na fresh ang pare ko ah.

Met By Accident Where stories live. Discover now