018
Weird
"Uhm guys? Pwede bang tama na muna 'yan. Kanina pa ako gutom na gutom eh."
Nakahinga ako nang maluwang nang pumagitna na mismo si Elle sa kanilang dalawa. Na-estatwa na kase ako sa pwesto ko at hindi alam kung anong gagawin. Nagtitigan muna sina Cross and Shawn bago naghiwalay."Hoy Rina! You owe me an explanation," pananakot ni Shawn at tinuro pa ang dalawang daliri sa 'kin at sa kanyang mata as if he's giving me a warning.
"Ewan ko sa 'yo."
Magpapasalamat nalang ako na dumating ang dalawa kong kaibigan dahil baka kung ano pa ang mangyari sa 'min ni Cross. Lalo na't kaming dalawa lang sa bahay at baka magkatotoo pa ang panaginip ko. Mahirap na at baka maging mommy pa ako nang maaga.
"You're my daughter..."
Agad akong napahawak sa dibdib ko nang maramdaman ang hindi normal na pintig na 'to nang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Tita Selena. I didn't get to understand it earlier but now that my condition is getting fine, I started to think of the possibilities. Magkapatid kaya kami ni Cross? That idea stabbed my chest as if it's killing me and I can never survive from it. I shook my head to instantly remove that thought. I don't want to be confined in the hospital again because of too much thinking. For now, I'll take a rest from any worries.
"Paano pala kayo nakapunta dito?" tanong ko nang makarating sa kusina at naabutan si Arielle na pinapakealaman ang ref. Kahit kailan talaga ang babaeng 'to, parang daga. Masyadong feel at home. Ako tuloy ang nahihiya kay Cross.
"Anong klaseng tanong 'yan? Syempre sumakay kami ng kotse," Elle sarcastically answered. I rolled my eyes at her statement. "Iibahin ko na nga lang. So, paano niyo nalaman na nandito ako?" I crossed my arms and walk towards her direction to pull her from interfering things that aren't hers. Knowing Arielle? Alam kong hindi pa siya nagpaalam kay Cross.
Lumapit naman ako sa gawi ni Shawn na kumakain ng bread na nasa oven. Dito kase nilalagay ni Cross ang mga tinapay na binibili niya para raw hindi langgamin. Pwede naman sa ref 'di ba? Kaso nga lang, ayaw niya raw nahahalo masyado ang mga pagkain do'n kaya mas maganda raw na sa oven ilagay para hindi makain ng mga invaders lalo na kapag sina Arielle at Shawn din naman.
"Nagpaalam ka ba kay Cross, ha?"
"Pake ko diyan. I have human rights to eat this bread, babe." Inikutan ko lang ito ng mata. Umandar na naman kase ang pagiging pilosopo nito. Ngunit gano'n na lamang ang gulat namin nang may marinig na nabasag.
Nilingon ko ang gawi ni Cross at ang kawawang baso ay basag na ngayon sa sahig. I hurriedly went to him. "Are you hurt?" Nag-aalangan kong tanong at sinubukang hawakan ang kamay niya para tignan sana kung may sugat pero agad niya akong tinabig. Problema nito?
"Cross!"
Bigla ba namang umalis. I decided to follow him and ask about his problem but before I could step my feet, a hand grabbed my elbow. "Bakit?" tanong ko kay Shawn na walang kaemo-emosyon sa mukha nito.
"Stay."
"Huh? Susundan ko lang muna si-"
"I said stay!"
Nagulat ako sa biglaang pagtaas nito ng boses at napatitig nang matagal sa kanya. I tried to survey his emotions why he's acting like this but I don't seem to get it with my own theory. But still, I didn't follow him. Tumakbo ako nang mabilis palabas ng bahay para sundan si Cross ngunit hindi ko ito nakita sa harap. Lakad-takbo ang ginawa ko para hanapin siya sa gilid at likod ngunit wala pa rin siya. Saan naman kaya nagpunta 'yon?

YOU ARE READING
Met By Accident
RomanceCarina Garcia is a damsel in distress or a woman who's a magnet of accidents. Then suddenly, on her way to work, a sudden collision of cars echoed the city and results to severe damage of two people. Fortunately, she wasn't harmed physically but the...