06
Lamok
"Oh ba't ang tagal mo, Carina? And what's with your look?" Gamit ang mga kuryusong mata ay sinuri niya ako mula ulo hanggang paa. Inayos ko naman ang damit kong medyo nagusot dahil sa ginawi ni Cr-. Arrghh Ni hindi ko pa kayang banggitin ang pangalan ng manyakis na 'yon! Pero may kasalanan din naman ako...
"Wala hehe. Pinampunas ko lang ng kamay ko kaninang naghugas ako," palusot ko. Mukhang hindi naman siya naniniwala sa sinabi ko pero nagkibit-balikat nalang siya. Haissst mabuti nalang.
Hindi rin ako mapakali nang maupo ako dahil sa mapanuring tingin ni Elle. Alam kong hindi rin benta sa kanya ang palusot ko pero isinawalang-bahala ko nalang 'yon at kumain. Nawalan na rin ako ng gana ngunit ayaw ko namang maging bastos na hindi kumain dahil mahal din ang mga ito. Pinilit ko nalang ang sarili kong kumain kahit gustong-gusto ko ng umuwi.
"Don't you have appetite?" Ibinaba ko muna ang tinidor ko bago ko sulyapan si Shawn. "Wala eh. Medyo busog pa ako kase nagmeryenda kami ni mama kanina," pagsisinungaling ko na naman. Kasalan talaga ito ng lalakeng 'yon! Kainis talaga. Hindi ko na nga rin alam kung paano ko siya pakikitunguhan kapag nagkita kami ulit. At teka lang, hindi ba't nandito rin siya? Unti-unti akong tumingin sa paligid at nang hindi ko naman nahagilap ang pamumukha niya ay nakahinga ako nang maluwang.
"Are you really okay?" Gulat akong napatingin kay Shawn nang pitikin niya ang kanyang daliri sa harap ng mukha ko. Problema nito?
"Oo naman. Kumain ka na nga lang."
Kinuha ko ang baso na may lamang juice at nilagok iyon nang diretso. Mas mabuti pang busugin ko nalang ang sarili ko nito kesa ipilit ko pang kumain.
"Ang weird mo, Carina." Sabay pa kaming lumingon ni Shawn kay Arielle. Alam kong malakas ang pakiramdam niya sa mga ganitong bagay kaya mas lalo tuloy akong kinabahan sa mga palusot na lalabas na naman sa bibig ko. "Huh? Pinagsasabi mo?" maang-maangan ko. Umiling lang siya sa 'kin. "Mapapasabi rin kita ng totoo," matigas niyang sambit at ipinagpatuloy ang pagkain.
Mabuti nalang at tumahimik na rin silang dalawa pagkatapos punain ang mga kilos ko. "May pupuntahan pa ba tayo? Kailangan ko na kaseng umuwi dahil walang kasama si mama." Ngayon ay hindi na ako nagpalusot pa dahil pagabi na rin. Baka kase nag over time pa si kuya sa trabaho gaya ng lagi niyang ginagawa kaya sa malamang ay wala pang kasama si mama. Si papa naman ay baka nagpunta na naman sa kapit-bahay para makiinom kasama ng mga ka-trabaho niya.
"Hindi halatang atat na atat kang umuwi ghurl."
"Oo nga. But I understand tho. You want a ride?"
"Hindi na. Kaya ko namang umuwi mag-isa. Si Elle nalang ang ihatid mo, Shawn." Ilang pamimilit pa ang ginawa niya sa 'kin bago sumuko dahil wala naman talaga siyang laban sa katulad kong medyo matigas ang ulo.
"K fine. And one more thing! I'm going to visit you tomorrow to give you my gifts."
"Gifts?"
"There's a lot of special occasions that I missed when I'm away so this time, I'll make it up to you." Kumindat pa siya sa 'kin pagkasabi no'n kaya kinurot ko siya sa magkabilang pisngi. "Buset ka talaga! Namiss kitang gago ka!" sigaw ko sa pagmumukha niya at niyakap siya nang mahigpit. Napatawa nalang siya sa ginawa kong 'yon at ginantihan ako ng mas mahigpit na yakap. Hindi tuloy ako nakahinga kaya pinagsusuntok ko ang likod niya.
"Nyeta ka talaga, Shawn! Papatayin mo ba ako ha?" Imbes na makonsensya sa ginawa niya ay patuloy pa rin siya sa pagtawa dahil sa 'kin. Nagawa pa niyang guluhin ang buhok ko kaya mas lalo akong napasimangot. At dahil medyo mas matangkad siya sa 'kin ay yumuko ito para magkapantay ang aming mga mukha.

YOU ARE READING
Met By Accident
RomantizmCarina Garcia is a damsel in distress or a woman who's a magnet of accidents. Then suddenly, on her way to work, a sudden collision of cars echoed the city and results to severe damage of two people. Fortunately, she wasn't harmed physically but the...