04
Babe
"Dito nalang po!"
Mabilisan kong sabi nang tangkain pa niyang ipasok ang sasakyan sa makitid naming daan.
"Wait, I'll accompany you-"
"Huwag na po! Kaya ko naman na. Salamat po sa paghatid, Ingat!" Dali-dali akong lumabas ng sasakyan at ininda ang init ng panahon. Alas-singko na nga pero umaapaw pa rin ang init kaya mas lalo akong nagiging morena eh.
Nakahinga ako nang maluwang pagkapasok sa bahay.
"Haissst."
Mabuti nga at napilit ko pa si Mrs. Alejo kanina na umuwi na. Gusto pa kase niya akong mag stay do'n para makipag-usap kay Cross kaso agaran din akong tumanggi. Ayoko kayang manatili kasama ang lalakeng 'yon. Ubos ng sungit. At mas lalong ayaw kong makasalubong 'yong girlfriend niya kaya mas mabuting umuwi na lang.
"Naku anak! Ayos ka lang ba? Anong ginawa nila sa 'yo?" Inalalayan ko agad na maupo si mama nang salubungin niya ako sa sala. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.
"Ayos lang ako, ma. Kinausap lang ako ni Mrs. Alejo. Tsaka pupunta raw sila dito bukas." Tumayo ako at dumiretso sa munti naming kusina dahil kanina pa ako nauuhaw.
"Pinakain ka ba nila do'n? Mukhang pagod na pagod ka ah." Umiling-iling ako dahil nagsisimula na namang maging OA si mama.
Inamoy ko ang sarili ko dahil pawis na pawis na rin ako dahil sa pagkababad ko sa araw kanina. Hmm... Amoy lechon na ako futa.
"Pinakain nila ako, ma. Ano ka ba! Tsaka kung sakaling hindi man nila ako pakainin, sila ang kakainin ko!"
Tumawa siya sa tinuran ko. Ayaw ko talagang nakikitang nag-aalala nang masyado si mama. Baka kase maapektuhan na naman ang kalusugan niya. Ngunit minsan talaga ay hindi ko maiwasang sumbatan siya dahil sa pagiging walking speaker niya."Puntahan mo raw mamaya si Arielle."
"Ay gano'n? Bat naman?"
"Malay ko aba! Maligo ka na nga. Ang baho mo!"
Napahinga nalang ako nang malalim dahil sa biglaan niyang pagbabago ng mood. Napaka bipolar talaga ng nanay kong 'to. Minsan ang sweet sweet niya, 'yong tipong pati asin lalanggamin. Charot, namiss ko tuloy si Jeydon sa isang story na nabasa ko. Balik tayo kay mama, madalas din ay masungit ito at hindi maintindihan. Gaya nalang no'ng araw na na-aksidente ako, hindi siya makapag- hintay sa inuutos sa 'kin kaya ayon at naging aligaga ako. Minsan nga naiisip kong buntis siya dahil sa mood swings kaso ang alam ko eh nag menopause na siya. Hai bohai... Gano'n talaga siguro kapag tumatanda na.
Pumasok muna ako sa kwarto ko at kinuha ang tuwalya tsaka dumiretso sa banyo. Kapag talaga nakapag-ipon ako ay bibilhan ko ng bahay ang pamilya ko. Kasya naman kaming apat dito ngunit kapag bumabagyo ay pinapasok kami ng tubig kaya ang dating, para kaming nasa loob ng aquarium at kami 'yong mga isda. Medyo sira-sira na rin ang mga dingding dahil na rin siguro sa edad ng bahay.
Kinse minutos lang ang ginugol ko sa pagligo at saka isinuot ang White t-shirt at half pants bago nagsuklay. Hindi naman kase ako parehas ng mga ibang babae na ang dami pang nilalagay na kung ano-anong kolorete sa mukha. Wala rin naman akong alam sa mga gano'ng bagay kaya ipinagliban ko nalang.
Pagkatapos kong magsuklay ay lumabas na agad ako ng kwarto at magpapaalam pa sana ako kay mama pero hindi ko na siya naabutan sa sala. Siguro ay nagpunta na naman kila Aling Berna para makichismis.
Sinara ko nalang ang pintuan at naglakad papunta sa bahay nila Arielle. Mabuti nalang at hindi na mainit kaya kumportable na akong naglakad sa kanto namin. Nagkalat din ang mga batang nagtatakbuhan at naglalaro pa ng patintero. Napangiti ako nang maalala ang kabataan ko. Gusto ko tuloy bumalik sa mga panahong 'yon, walang problema, hindi kailangang isipin ang mga pangyayari sa paligid, malaya, at masaya lang.'Yong tipong bigyan ka lang ng candy o di kaya ay limang piso, ang saya-saya mo na. Pero ngayon, kailangan ng mag-alay ng pawis para lang magkapera.
"Carinaaaaa!" Napatigil ako sa paglalalad at tinignan ang tumatawag sa 'kin. "HOOOY!" Agad akong tumakbo sa kinaroroonan ni Elle(Arielle) na kumakaway pa sa 'kin. Napailing nalang ako nang kumakain na naman siya ng fish ball at nakatambay sa tabi ng crush niya. Feeling teenager pa rin ang babaitang 'to.
"Pumunta ka pala sa bahay kanina?"
Inalok niya ako ng kinakain niya ngunit umiling lang ako.
"Oo. Sobra talaga akong nag-alala no'ng bigla ka nalang kinuha ng mga gwapong lalakeng 'yon pati mga kapit-bahay ay kumuha na ng itak ngunit hindi na nila naabutan 'yong sasakyan. Jusmiyo marimar! Mabuti nalang at ayos ka lang."
"Mga itsura pa talaga nila ang napansin mo ah." Pinitik ko ang noo niya. Talagang 'to, napaka hilig sa gwapo. Noon ngang may nabuntis na kaklase namin ay imbes na mag-alala pa siya at magulat ay tinanong pa niya kung gwapo ba 'yong tatay.
"Whatever. Basta they're so pogiiii!"
Napailing nalang ako sa kabaliwan niya.
"And speaking of pogi, may pupuntahan pala tayo!" Hinawakan niya agad ang kamay ko at sinubukan hatakin. Nagulat ako sa ginawa niyang 'yon kaya muntik na akong madapa.
"Sorry sis HAHAHA. Excited lang ako. Tara na!" Pilit kong tinanggal ang kamay kong hawak niya at tumigil din naman siya agad sa paghatak sa 'kin.
"Saan ba talaga tayo pupunta?"
"Sa ex mo."
Walang hiyang babaeng 'to. Ex daw? Eh sino naman kaya sa kanila?
Charot. Para namang ang dami kong naging ex eh dalawa pa lang.
Wala na akong nagawa kundi sumunod nalang sa kanya. Nang makalabas kami sa kanto namin ay pumara siya ng tricycle.
"Saan ba ta-" Tinakpan niya agad ang bibig ko bago ko pa matapos ang sinasabi ko.
"Shut up! Akong bahala sa 'yo." Nagawa pa niyang kindatan ako. Umirap nalang ako sa kawalan at napabuntong-hininga.
Pagkatapos ng ilang minuto ay tumigil na rin ang sinasakyan namin sa harap ng isang mall.
"Anong gagawin natin dito?"
"Tatae."
Ayos talagang kausap nito. Inabutan niya muna ng bente 'yong driver saka ulit ako hinila. Mukha ba akong aso at kung makahila ay parang mauubusan ng ulam sa isang handaan.
Bago kami makapasok ay chineck muna kami ng mga guwardiya kung may dala kaming ipinagbabawal na bagay. Napatingin tuloy ako sa suot ko at kay Elle. Mabuti pa siya ay naka blouse at pants. Hindi ko na rin agad napansin iyon nang makita ko siya kanina. Ni hindi man lang ako nakapag-ayos! Wala pa akong dalang pera.
"Uy Elle-"
"Shut up!"
Bakit ba puro shut up 'to? At bakit din ang hilig akong kaladkarin ngayong araw? Kanina, kinidnap ako kahit hindi naman talaga. Sadyang OA lang ako, tapos ngayon naman, hinihila ako na parang asong inagawan ng buto.
May mga iilan ding napapatingin sa itsura ko. Pano ba naman kase, napakaluma na ng T-shirt ko at kupas-kupas na rin 'yong short kong abot tuhod pa. Pati tsinelas ay parang pinaglumaan na ng panahon. Kay papa pa kase ito.
"We're here!" Nilibot ko ang tingin ng isang mamahaling restaurant na kinaroroonan namin ngayon. Masyado ko atang napagtuunan ng pansin ang mga ibang tao kaya hindi ko na namalayang nandito na kami.
Kumunot ang noo ko. "Bakit tayo nandito?" Pinanlakihan niya ako ng mata at bago pa siya magsalita ay inunahan ko na, "Shut up ka rin!"
Naramdaman ko nalang ang malakas niyang batok.
"Bwiset ka. Halika na nga!" Nahihiya tuloy ako dahil halatang mayayaman din ang mga taong kumakain dito. Hawak pa rin ni Elle ang kamay ko kaya wala akong magawa kundi sumunod nalang sa kanya.
"SURPRISEEEE!"
Halos atakihin na ako nang makita siya.
"SHAWN?!"
Ngumisi siya kaya nagsimulang tumibok nang malakas at mabilis ang puso ko.
"I miss you, babe..."

YOU ARE READING
Met By Accident
RomanceCarina Garcia is a damsel in distress or a woman who's a magnet of accidents. Then suddenly, on her way to work, a sudden collision of cars echoed the city and results to severe damage of two people. Fortunately, she wasn't harmed physically but the...