05
Stay away
(Shawn's pic is shown above)
"The fvck! You're still beautiful as ever!"
Pinigilan ko ang sariling mapanganga dahil sa gulat. Hindi ako makapaniwalang nandito siya sa harapan ko. Sa tantiya ko ay mahigit limang taon na simula no'ng huli kaming nagkita.
"Si Shawn ka ba talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Napatawa siya nang mahina dahil do'n. Hindi ko pa rin maipagkakaila ang kanyang napaka-among mukha. Wala pa ring kupas at kung meron mang nagbago ay mas lalo nadepina ang kanyang pisikal na anyo. Iba talaga kapag tumira sa ibang bansa. Punta rin kaya ako do'n at baka sakaling mag glow-up ako?
"Oh yes, babe. I'm Shawn, your hot boyfri-"
"EX! EX KA NA NIYA, SHAWN!" Parehas pa kaming nagulat ni Shawn sa biglaang pagsigaw ni Arielle. Tinignan ko siya nang masinsinan at napatingin din ang iilang mga kumakain dito. Bakit ba kase dito pa nila napiling kumain? Nakakahiya tuloy...
"Easy there, Elle. Fine, I'm his ex but anyway, how are you guys? I guess you both are still single." Ngumisi siya. Kahit kelan talaga hindi na siya nagbago. Naging mature nga ang itsura at mas lalong naging gwapo, pero hindi ko dapat sabihin 'yon dahil baka lumaki na naman ulo. Alam kong loko-loko pa rin siya gaya ng dati.
Mga High School pa lang kami ay madami na siyang napa-iyak na babae at kasama na ako do'n. Ewan ko nga ba kung bakit pumatol ako sa kanya eh alam ko na ngang playboy. Mabuti nalang at hanggang dalawang buwan lang ang tinagal namin dahil mas pinili naming maging magkaibigan nalang. Sinubukan naman naming mag work ang relasyon ngunit hindi talaga sumang-ayon ang tadhana sa 'min.
"Well, may nanliligaw sa 'kin at eto namang si Carina, malay ko diyan. Tatanda na atang dalaga."
At dahil do'n ay sinipa ko ang paa niya mula sa ilalim ng mesa. Humalukip-kip lang siya at inirapan ako.
Hindi ko pa pala nakukwento ang tungkol kay Cross dahil baka mag-humerantado kapag nalaman niya. Lalo na't gwapo pa ang isang 'yon at hindi ko pa nga gaanong kilala, tapos mapapangasawa ko na agad. Siguradong sesermonan lang ako. Sa ngayon ay wala pa akong balak na sabihin ang tungkol do'n. Hahanap muna ako ng tamang tiyempo.
"Maybe Carina is still in love with me that's why she didn't intend to have a boyfriend."
"Kapal ng mukha mo!"
"Hay naku, ex love birds. Pwede bang mag-order muna tayo?"
Dumating na ang isang waiter at kinuha ang order namin. Nakigaya nalang ako ng katulad ng kinuha nilang pagkain dahil wala naman akong alam sa mga sosyaling pagkain. Ang hirap pang banggitin ng mga pangalan. Magmumukha lang akong tanga.
"2 orders of Chicken Marsala, a bowl of Pasta e Fagioli, Sausage Stuffed Zuccini," dire-diretsong sabi ni Shawn at tumingin siya bigla sa 'kin.
Tumaas naman ang kilay ko, "Oh?"
"What do you want for dessert?" Nagkibit-balikat lang ako dahil gaya ng sinabi ko kanina, wala akong kaalam-alam sa mga ganyan. Tsaka sa bahay nga ay saging lang okay na. Kung pwede nga lang din magreklamong lumipat ng kakainan ay kanina ko pa ginawa. Medyo hindi kase ako kumportable dito lalo na sa suot ko. Mas maayos pa ang mga suot ng mga waiter at waitress dito.
Pero dahil ngayon lang kami na kumpletong tatlo ay pinagbigyan ko nalang. Aaminin kong namiss ko rin itong bonding namin ngunit hindi ko lang inaasahan na ganito ka-sosyal. Umandar na naman ang insecurities ko.
"Kahit ano na lang. Ikaw na bahala." Ngumiti siya sa 'kin at ibinalik ang atensyon sa menu.
"3 orders of Crostata ricotta e visciole and Spritz cocktail for drinks."

YOU ARE READING
Met By Accident
RomanceCarina Garcia is a damsel in distress or a woman who's a magnet of accidents. Then suddenly, on her way to work, a sudden collision of cars echoed the city and results to severe damage of two people. Fortunately, she wasn't harmed physically but the...