014
Dream
Warning: Mature scenes ahead
"Don't stare at me like that. It creeps me out." Napataas ang kilay ko sa kanya pero hindi ko siya nilubayan ng tingin.
Ang gwapo eh.
By the way, akala ko kung saan niya ako dadalhin, sa Mcdo lang pala. Ang dami tuloy napapatingin sa gawi namin dahil sa suot naming dalawa. Siya, naka tux at ako na naman ay naka gown. We look like a lost royalties with a starving stomach.
May pagka-childish pala siya. Ayaw niya raw kumain sa party dahil nakakasawa na raw ang mga putahe do'n at mas gusto niyang kumain sa fast food.
"You look cute."
Napalakas ata nang pagkasabi ko no'n sa isip ko kaya muli ko na namang nasilayan ang matamis niyang ngiti. I just want to see him like that, especially if I'm the reason behind it.
Hindi na muli siyang nakapagsalita sa sinabi ko at ipinagpatuloy ang pag-kain sa chicken joy. I suddenly felt jealous. Buti pa 'yong chicken pinagtutuunan niya ng pansin, ako hindi. Eh kung iwanan ko nalang siya dito? Aiishh sabi ko naman kase sa kanya mag take-out nalang kami at kumain sa ibang lugar. I have this attitude that I suddenly lose my appetite when eating around many people, especially fast food chains. I'd rather eat alone than to be in crowded places.
"Bakit pala tayo tumakas?" tanong ko pagkatapos naming kumain. Kinuha naman niya ang tissue at bigla niya iyon pinunas sa labi ko. Idagdag pang lumapit talaga siya sa 'kin. Tila ba para akong nalagutan ng hininga sa ginawa niyang 'yon.
"I just want to be alone with you tonight."
If looks could make my soul leave me insane, well he succeeded. Pagkatapos naming kumain, akala ko ay iuuwi na niya ako but I was wrong. Idagdag pang para akong hinuhubaran ng tingin niya.
Argghh... Nadudumihan na tuloy ang isip ko.
I opened my purse and get my phone to see what time already. Nakalimutan ko kaseng isuot ang relo kanina dahil sa pagmamadali. The time indicates that it's already past 10 in the evening. Kanina pa pala kami magkasama. Ni hindi ko nga rin maramdaman ang antok hanggang sa hinila ako palapit at inakbayan.
We're here at the balcony of their rest house kung saan niya ako dinala noon at kung kailan kami nagkalabuan. Well, sa una pa lang talaga ay malabo na kung ano ang meron sa 'min but it's not the right time to think of it. All I want is to savor this night with him. Gusto kong kalimutan ang lahat ng nangyari noon at ang nangyari rin kaninang pag tatalo namin.
"I'm sorry."
Napatingin ako sa kanya nang sabihin ito. Para saan naman kaya ang sorry niya? Sorry dahil hindi talaga ako ang gusto nita at si Genevieve dapat? Masyado ba akong naging assuming?
But before I can react to my own predictions, he speak, "Sorry for leaving you in the dark. I should have stayed. I shouldn't use other people just to... Fvck! I can't say it!"
Eto na naman siya sa pagiging magulo niyang tao. Matagal ko nang napapansin na minsan ay nagsasabi siya ng mga salitang hindi ko lubos maintindihan. Not because of the language but the meaning of his words.
"W-what?"
Mukhang hindi ko na talaga maiiwasan ang pagiging utal pagdating sa kanya.
He's the only man who can do this to me. Who can bring such unidentified feelings and butterflies to my stomach. Even though I can't read him sometimes, I still can't refuse that only him can make my heart flatter at the end of the day.

YOU ARE READING
Met By Accident
RomanceCarina Garcia is a damsel in distress or a woman who's a magnet of accidents. Then suddenly, on her way to work, a sudden collision of cars echoed the city and results to severe damage of two people. Fortunately, she wasn't harmed physically but the...