Epilogue

1.2K 52 4
                                        

A decade later...

"Crexia! Where the hell are you?!"

I've been calling for my first born daughter in the middle of the night. She's now 7 years old and still a hard-headed kid. Maybe you're wondering why I'm looking for her at this hour. 

"Mamwiiii, shataaap!" Binuhat ko agad si Axcel nang umiyak ito. 3 years old pa lang siya at ubod ng daldal. Ngayon, alam na alam ko na kung gaano kahirap ang magkaroon ng anak. Mula pa lang sa paggawa, pagbubuntis at panganganak ay parang pasan ko na ang buong mundo. But the hardest part is if you are alone raising them. 

Cross isn't here in the Philippines because he's managing the business that his grandfather inherit to him in abroad. Speaking of that, hindi rin pala totoong ayaw ng mga kamag-anak nila na ibigay ito kay Cross at ginawa lang nilang alibi 'yon para ipagkasundo kami ni Cross. But what if my memories didn't turned back? Well, I'm sure that my heart will always long for him. So cliche but I don't care. 

Umuuwi lang siya dito kapag may free time siya and of course, kapag may importanteng okasyon. Kaya lang no'ng nanganak ako kay Axcel ay hindi siya nakarating. It's so hard to be away from him. Lalo na't pinagsasabay ko pa ang pagtratrabaho sa opisina at pag-aalaga. Ako na rin kase ang inatasan ni Mommy Selena para mamahala ng negosyo. Ang prinoproblema ko sa ngayon ay ang mawalan ako ng oras sa mga anak ko especially that they're still kids and I'm scared that I might neglect their needs. 

"Have you seen your ate?" tanong ko rito pero napakahimbing na pala ng tulog sa mga bisig ko. I smiled because of the sight. I kissed his forehead and went back inside the room to lay him on the bed. 

After all the stress from work, it was all paid off when I see my children waiting outside when I get back home. 

Magkakatabi rin kaming tatlo sa pagtulog although they have their own room, they will still nag me to sleep with them. It doesn't matter to me anyway because I still prefer this. Tutal malawak naman ang kwarto namin ni Cross at malaki pa ang kama, talagang magkakasya kami.

Lumabas ulit ako para hanapin si Crexia. Nang magising kase ako kaninang madaling araw ay hindi ko siya nadatnan sa kama. Until I heard something broke.

"CREXIA!" 

Hindi ko na inalintana pa kung may magigising sa sigaw kong 'yon. Kahit kailan talaga ay parating pinapasakit niya ang ulo ko. She's the eldest but she's so naughty. Nahawa na ata kay Arielle dahil siya ang parating kasama nito. Madalas kase ay pumupunta si Elle sa bahay para magbantay dahil may vacation leave daw sa pinagtratrabahuan niya. 

And speaking of my best friend, she's now happily married but still doesn't have a child. Last 2 years pa lang siya kinasal dahil napakakumplikado ng love life niya. 'Yong huli niyang boyfriend kase noon ay parati silang on and off hanggang sa tuluyan na ngang nagkahiwalay. At etong si Shawn naman na atat na magkajowa ulit si Elle ay nireto siya nito sa isang kaibigan niyang may lahing Amerikano kaya 'yon ang nakatuluyan niya.

But Shawn? Still single but always mingle to anyone. Tinanong ko nga siya kung may balak itong maging pari dahil wala pa ring pinapakilalang girlfriend pero ang tanging sagot lang niya ay baka masunog pa siya nang maaga kapag nangyari 'yon. I still support him though and I undesrtand that he focuses more on his career than to his love life. Maybe someday, makakilala rin siya ng makakapagbago ng mga pananaw niya sa buhay.

"Mom..." 

Napasapo nalang ako sa noo ko nang madatnan ko si Crexia sa kusina at ang nabasag na cookie jar.

Met By Accident Where stories live. Discover now