Chapter 7

910 31 2
                                        

07

Tuwalya

Pagkarating ko sa harap ng bahay ay naabutan ko si kuyang kunot na kunot ang noong nakatingin sa kanyang cellphone. "TANGINA! DEFEAT NA NAMAN, MGA BOBO!" Napapailing nalang akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya.

"ML na naman?" Hindi niya ako pinansin at sa halip ay nagmura pa ng ilang beses. Ang lulutong grabe. Hinablot ko sa kanya ang cellphone niya at sa wakas ay nakuha ko na rin ang kanyang atensyon. "PROBLEMA MO?!" Ayan na magiging dragon na siya huhu.

"Uninstall ko lang ML mo, Kuya," seryosong sambit ko nang hindi tumitingin sa kanya. Hirap na hirap pa akong pigilan ang sariling tumawa dahil sa kanyang reaksyon. Nagbilang ako ng isa, dalawa, tat-

"ARAAAAYYY!!!" Paano ba naman kase, piningot niya ang tenga ko nang ubod ng lakas. Masama pa rin ang tingin niya sa 'kin nang hablutin niya pabalik ang cellphone. Hinampas-hampas ko tuloy siya. "Bwiset ka talaga!"

"Mas bwiset ka." Akala ko ay maglalaro na naman siya ulit pero tinago na niya 'yon sa kanyang bulsa. Takot sigurong baka totohanin ko ang sinabi ko. Mabuti nalang at medyo mabait pa si kuya dahil pagpingot lang ang nakuha ko sa kanya. Simula mga bata pa kase kami ay lagi na kaming nagtatalo at kapag naman nakikipaglaro kami sa mga kapit-bahay ay hindi pwedeng wala kaming pasang naibibigay sa isa't isa kapag umuuwi.

"Nag-aaway na naman sila 'no?" Marahan siyang tumango at napabuntong-hininga. Sumandal ako balikat niya at hindi naman siya nagreklamo. Buti nalang...

Simula bata ay alam na alam ko na agad kapag nakatambay si kuya ng mga ganitong oras sa labas. Sa tuwing nandito kase siya at nagmumukmok ay alam ko na agad na nag-aaway sina mama at papa. Madalas kase ay mas nauuna siyang umuwi kesa sa 'kin dahil namamalagi pa ako kila Elle at doon nakikikain. Mas masarap kase kumain kapag luto ng kapit-bahay.

Muntikan na nga rin silang maghiwalay no'n at mabuti nalang at napigilan namin sila. Okay naman kase silang dalawa kaso kapag nalalasing kasi si papa ay galit na galit si mama. Ayaw na ayaw kase niya ito dahil baka makakuha ng sakit si papa.

"NAKAKASAWA KA NA, ARTURO!"

"MAS NAKAKASAWA KA, MELDA! Pwede bang huwag mo na akong sermonan? Pagod na pagod ako sa trabaho oh."

"Pagod ha? Sa lagay na 'yan, nakuha mo pang maglasing!"

"Eh sa masarap ang alak eh!"

Sinundot-sundot ko si kuya kaya tinignan na naman niya ako ng masama. "Oh? Gusto mo bang umalis muna tayo?" Mabilisan akong umiling dahil hindi 'yon ang gusto kong gawin. Sinenyasan ko siyang manahimik at sumunod din naman siya. Naintindihan siguro ang ibig kong sabihin. Kaya naman, mas lalo naming inilapit ang tenga namin sa pinto para makinig sa away.

Hehe...

Alam kong hindi magandang gawain 'to lalo na't magulang pa namin ang nag-aaway pero ang sarap kase sa tengang makinig.

"Ano namang masarap sa alak ha? Makakakuha ka lang ng sakit niyan eh!"

"Huwag kang mag-alala darling ko, hindi mangyayari y-yon." Natawa kami parehas ng kuya kong tukmol nang mapiyok pa si papa sa huli. Kahit kelan talaga parang mga ewan 'tong magulang ko.

"Bahala ka diyan! Dito ka sa sala matulog!"

"D-darling ko!"

Nakakabitter naman ang mga 'to!

Muntik pa akong mahulog sa biglaang pag tayo ni kuya. Sinamaan ko siya ng tingin pero hinila niya lang ako papasok sa loob.

"Ah... H-hi pa!" Pumupungay pa ang mga mata niyang tumingi sa 'min. Wala na si mama do'n at wari ko'y nagkulong na siya sa kwarto nila.

Met By Accident Where stories live. Discover now