011
New Carina
Tahimik akong kumain ng niluto niyang pasta. Nakakabinging katahimikan lang bumalot sa 'min pagkatapos ng nangyari kanina. Hindi ko alam pero naiinis ako sa kanya. Alam kong may kakaiba na akong nararamdaman dahil halos siya na ang parating hinahanap ng sistema ko.
Habang maaga pa ay kailangan ko na 'tong pigilan dahil maling-mali. May girlfriend na siya pero gusto pa niyang mag date kami ng patago? Nahihibang na ba ang lalakeng 'to?!
"I hate this silence!"
Napaigtad ako nang umingay ang binagsak niyang tinidor. Hindi ko na tuloy maiwasan na tignan siya at ang kanyang malalamig na matang nakatitig ngayon sa 'kin. Tila ba isa itong punyal na sumasaksak sa aking loob.
Sinabayan ko ang titig niya pero hindi ako nagsalita. "What's your problem, Carina?" Nag-iba ang tibok ng puso ko nang banggitin niya ang pangalan ko.
Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay tumayo ako sa kinauupuan ko at balak na sanang umalis. Kung kinakailangan na mag lakad pa ako pauwi ay gagawin ko, makalayo lang sa kanya. Pero bago pa ako makahakbang nang husto ay nahablot na niya ang kamay ko at iniharap sa kanya.
"Talk to me, please." Biglang umamo ang kanyang mukha at para ba itong nagmamakaawa na kausapin siya. "Uuwi na ako," malamig kong sabi at umiwas ng tingin.
Narinig ko siyang nagmura at dahil do'n ay tumalikod na ako sa kanya. Naramdaman ko namang sumabay siya sa 'kin at iniharang ang sarili niya sa harapan ko. Hindi tuloy ako makalabas sa pinto.
"Alright then, I'll take you home."
Siya na mismo ang nag bukas ng pinto. Sumunod ako sa kanya at napagdesisyunan na pumayag sa alok niya. Kung tutuusin ay hindi ko rin alam ang lugar na 'to at medyo mapuno rin ang bahaging ito ng rest house nila. Wala ring masyadong dumadaan na sasakyan at pansin kong ito lang rin ang nag-iisang bahay na nakatayo rito. Baka may mga engkanto pang sasalubong sa 'kin kung magmamatigas pa ako.
"Hop in." Huminga ako nang malalim bago pumasok sa loob. Nang makapasok din siya ay do'n muli akong nagsalita. "Pwede bang huwag buksan 'yong aircon? Gusto ko sana ng sariwang hangin."
Pakiramdam ko kase ay dumadagdag lang sa kaba ko ang lamig na nanggagaling do'n. At isama pang kailangan kong makalanghap man lang ng hangin na galing sa labas para maibsan ang hindi magandang pakiramdam ko.
Mabuti nalang at hindi naman siya nagreklamo sa paki-usap ko at binuksan na lamang ang bintana, kasabay ng pagtugtog ng musika sa kanyang stereo.
"The strands in your eyes that color them wonderful
Stop me and steal my breath
And emeralds from mountains thrust toward the sky
Never revealing their depth"
Eto ang kinaaayawan ko sa mga senti songs dahil para itong nananadya sa taong may pinagdadaanan. Sa puntong ito ay ngayon ko lang mas naintindihan ang sinabi noon sa 'kin ni Arielle.
"Music can define your feelings. If you are enjoying the beat of it, it means you're happy. But if you understand the meaning of the song, you feel sad."
Isinawalang-bahala ko lang 'yon noon pero parang baliktad na ngayon.
"And tell me that we belong together
And dress it up with the trappings of love
I'll be captivated, I'll hang from your lips

YOU ARE READING
Met By Accident
RomansaCarina Garcia is a damsel in distress or a woman who's a magnet of accidents. Then suddenly, on her way to work, a sudden collision of cars echoed the city and results to severe damage of two people. Fortunately, she wasn't harmed physically but the...