Chapter 9

809 26 0
                                        

09

Kagat

"Ako na tatapos dito, ija. Kanina pa ang out mo 'di ba?"


Pasado alas-dose na ng hapon at kahit hindi ko naman trabaho ay ginagawa ko na. Kasalukuyan akong nagluluto para sa pananghalian namin. Ganitong mga oras kase ay hindi pa umuuwi sina Sir Harold. Kapag mga mayayaman talaga ay may kanya-kanya ng buhay. Kaya parang kami lang din ang nakatira dito, ang pinagkaiba lang ay naswe-swelduhan kami.


"S-sige po." Kaya ko 'to ginagawa ay ayaw ko pang puntahan si Cross. Hanggang ngayon ay hindi pa rin bumababa si Genevieve. Pagod nga talaga siguro. Tsaka anong shooting ang pinagsasabi niya kanina? Artista rin kaya siya o model? Sabagay maganda naman kaso nakakairita lang.


Wala rin akong pake kay Cross kung kanina pa siya naghihintay. Hindi rin naman niya alam na ako ang pupunta kaya bahala siya. Pero dahil pumasok sa isipan ko ang girlfriend niya na pinsan rin ng amo ko ay automatic nang kumilos ang katawan ko. Dali-dali akong pumasok sa kwarto namin at nang mahagilap ng tingin ko ang isang baby powder ay agad ko itong kinuha. Wala sa sariling naglagay ako nito sa aking mukha at dinilaan pa ang aking labi. Wala kase akong lipstick man lang o kahit anong palamuti sa labi kaya eto ang ginagawa ko.

Tinanggal ko rin ang tali sa 'king buhok at hinayaan iyong nakalugay. Mabuti nalang at parati akong may dalang extra na damit kaya nag bihis na rin ako. Simpleng orange na blouse lang ito na damit ko pa no'ng High School. Buti nga at kasya pa sa 'kin at hindi pa nagmumukhang luma. Wala kase akong balak na bumili ng bago dahil pinambibili ko lang ang mga pera ko sa mga importanteng bagay. Huli kong sinuot ang maong pants ko at converse shoes.


Namataan ko pa ang isang pabango sa drawer na pagmamay-ari siguro nila manang. Inamoy ko ito at mabango naman at hindi amoy matanda. Nag-spray ako nito ng tatlong beses at kung sakaling maamoy nila manang ay magpapalusot nalang ako na nahawakan ko 'yong pabango. Amp! Aamin na nga lang ako kung sakali. Napakawalang kwenta naman kase ng naisip kong palusot.

Suggest nga kayo...

Muli kong pinasadahan ng tingin ang sarili ko sa salamin. At ngayon lang din pumasok sa isipan ko ang mga pinag-gagawa ko. Teka nga, bakit ba ako nag- aayos? May iaabot lang naman ako kay Cross 'di ba? Minsan nga kahit wala pang ligo ay pumupunta na ako sa trabaho. Ni hindi nga ako nagpupulbo at pabango. Pero bakit anyare na ngayon?

Haissst.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso na palabas ng mansion. Hindi ko na rin nagawang magpaalam dahil sa pagmamadali. Siguro maiintindihan nalang nila 'yon.

"May pupuntahan ka, Carina?" tanong sa 'kin ni Mang Bert pagkarating ko sa gate. "Opo. May inutos kase sa 'kin si Ma'am Genevieve." Halos masuka pa ako sa tinawag ko sa kanya. Mukhang bibe kase ang pangalan. "Maghintay ka nalang dito. Tatawag ako ng taxi para hindi ka na maglakad palabas."

Tumango ako hindi na tumanggi pa. Medyo malayo pa kase kung lalakarin ko palabas mula sa mansion. Idagdag pang napaka-init ng panahon. Baka pagdating ko sa meeting place namin ni Cross ay mag mukha na akong lechon. Pagkabanggit ko palang ng pangalan ng lalakeng 'yon ay parang umaatras na ang katawan ko. Kanina nga lang ay medyo excited pa akong makita siya ngunit ngayon naman ay parang gusto ko nalang umurong.


Huwag nalang kaya ako tumuloy? Magpalusot nalang ako kay Genevieve na masama ang pakiramdam ko. Pero baka magsumbong pa kay Harold at matanggal pa ako sa trabaho. Edi mas lalong ayaw kong mangyari 'yon.

Met By Accident Where stories live. Discover now