Chapter 20: Fake Girlfriend

10 3 0
                                    


Gail POV

Ngayong linggo ko ginamit yung one week ko pang leave na binigay sakin ni Madam Cindy.

Dahil din kakauwe lang ng mga ate ko kaya nag bonding muna kami.

Nakatulong din yun sa sakit na nararamdaman ko.

Pero bukas tapos na yung isang linggo na yon. Papasok nako. At sa kasamaang palad sa main branch nako.

Hays. Isampal ba naman sakin yung katotohang hindi naman nga talaga nya ko kaano ano.

Nasa office na din si Madam Cindy. May posibilidad kaya na magkiti kami kapag pinuntahan niya tita nya.

Ayon sa source ko. Which is Andy and Lexa. Nung nakaraang dalawang buwan palagi daw nadadalaw dun si Steve. Bakit naman? Hinahanap niya kaya ko? Tss.

Sinampal nako sa katotohanan assuming pa din ako. Tsssssss

Kinabukasan.

Hapon pa ang pasok ko pero umaga pa lang nag paalam nako sa parents ko dahil babalik nako sa apartment namin nila Andy. And yes dun na uli ako mag i stay dahil matagal pang magbabakasyon dito sa pilipinas mga ate ko.

Pagdating ko sa apartment. Nakasara pa ito. I use my own spare key para dina magising sila bakla kung tulog pa ang mga ito.

Share kami ng room ni Andy and si Lexa ay may sariling room. Kapag minsan lang ako makauwe dito sa kwarto kami ni Lexa natutulog para bonding na din at saka malaki ang bed ng malditang bakla na yon.

Sa room namin ni Andy ay may dalawang bed. Share kami ng room pero tig isa kami ng bed na pang isang tao lang talaga para syempre privacy pa din.

Sarado pa ang dalawang kwarto kaya nilapag ko muna sa sala mga gamit ko. Ayoko silang istorbohin baka nagpuyat nanaman dalawang yon.

Hindi din ako nag message sakanila na uuwe nako e. Surprise sana. Hehe

Sinara ko muna uli yung main door saka hinubad yung suot kong blouse at pantalon pati bra. Panty nalang ang suot ko.

Kinuha ko yung pouch ko kung saan nakalagay yung nipple tapes ko.

Kailangan kong masuot yun bago sila lumabas ng kwarto dahil mababato ako ng mga yon hahahaha.

Isa palang yung nakakabit kong tape ng bumukas yung pinto ni Lexa. Kaya bigla akong tumalikod.

"Hi bakla". Masayang sabi ko habang nakatalikod sakanya.

Nadinig ko lang ang pagpito nya kaya tinuloy ko ang pagkakabit ng isa pa.

Bahagya akong humarap sakanya pero hindi ko pa din siya tiningnan at nilabas yung oversized shirt na susuotin ko. May kanipisan na ito dahil sa kalumaan. Peyborit ko ito at dito ko lang nasusuot yun dahil komportable nako sakanila. Sa bahay? Di pede papagalitan ako ng tatay ko.

Pagkakuha ko non ay tumalikod uli ako saka sinuot yung shirt. Halos sa kalahati lang ng legs ko yun. Sanay na silang ganto ko pag nasa bahay lang kami. Sa tagal na din namin magkakasama sa iisang bubong e.

Pagkasuot na pagkasuot ko nun. Ay humarap ako sakanya.

"Baklaaaaaaa imiss......" Binuka ko pa yung braso ko dahil ibig ko siyang lundagin.

Pero nakangising lalaki lang yung tumambad sakin. Wearing only a boxer. Prenteng nakasandal sa pinto. Nakahalukipkip pa ang mga braso nito.

Hhhhhmmmm. Bakit mas lalo ata siyang gumwapo?
Tumawa ito kaya nagising ako sa katotohan.

"WHATTHEF*CK!" Biglang sigaw ko sabay takip sa katawan ko.

"Nakita kuna tinatakpan mupa". Tumatawang sagot nito saka pumunta sa kusina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

No More Heartache.. Please?Where stories live. Discover now