Chapter 18: Date?

14 4 0
                                    

Gail POV

Nandito ako sa kwarto ni Blake. Madilim na ng makauwi kami sa bahay nila. Oo na discharge na sya sa ospital kaya pinili kong huwag nalang pumasok para masamahan ko silang magkapatid. Healthy si Blake kaya agad din nakarecover sa pagsusuka nya. Kita ko naman na nakahinga na ng maluwag si Steve. Umaliwalas na ang muka nito ng malaman na pwede ng ilabas ang kapatid niya. Mula kase ng makabalik ito galing trabaho parang pasan ang daigdig. Hindi nako nagtanong dahil muka talaga siyang wala sa mood. Kami lang halos nung bata ang nag uusap hanggang makarating kami dito. Pero pagkahatid samin bumalik na sya agad sa opisina. Kelangan nya mag OT at may tatapusin lang daw sya.

Tulog na si Blake. Kaya lumabas nako ng kwarto nito. Nangako ako sa bata na di ako aalis sa tabi nya hanggang sa hindi pa sya nakakatulog.

Nakayakap pa nga sakin e.

Ang sweet na bata.

Nag paalam nako sa Yaya ni Blake.

"Hindi po ba muna kayo kakaen Miss Gail?" Tanong nito.

"Ay hindi na po. Sa bahay nalang. Maaga pa naman po e." Magalang na sagot ko sabay tipid na ngiti.

Tumalikod nako. At lumabas sa gate. 

Nag iinsist yung driver na ihatid ako pero tinanggihan ko.

Natandaan ko naman yung palabas nitong subdivision. At safe naman panigurado kase mukang mayayaman nakatira. Muka? E halos puro mansion ang mga bahay. Sana all. Hahahahaha

Pero ang totoo gusto ko talaga maglakad.

Gusto ko mag isip isip. Hays.

Hindi ko alam bakit nalulungkot ako.

Dahil ba hindi ko halos nakasama si Steve? Erase... Erase....

Oh dahil sa sinabi sakin nila Andy kanina.

{FLASHBACK}

Tulog si Blake nang dumating si Andy at Lexa sa ospital. Bago ito mag Lunch. Dala dala nila ang damit na pampapalit ko. Palibhasa pang mayamang ospital. Kahit maligo ako dito walang problema.

Tumitig sakin si Andy at tumaas ang kilay.

Kita nya yung dress na suot ko.

Hindi ko alam bat kasi naisipan kong mag ayos samantalang magkikita lang naman dapat kami kagabi ni Steve.

"Anong drama yan Girl?" Mataray na tanong ni Andy.

Kumunot ang noo ko.

"Luhhhh. Bakit?" Takang tanong ko.

"Bakla parang alam ko nayan." Sabat ni Lexa.

Mas lalo akong nagtaka.

"Wag bessy. Sinasabi ko sayo. Masasaktan ka lang sa lalaki na yan!" Seryosong sabi ni Andy.

"Luh bat ang O.A nyo? Sasaktan agad? E magkaibigan lang naman kami ni Steve." Natatawa kong sabi.

Bumuntong hininga si Andy saka nagsalita.

"Sure ka? Hindi ka nahulog sakanya? Sa isang linggo nyong pagsasama di mo sya namiss ng hindi kayo magkita after a week? Na hindi ka nag ayos dahil lang magkikita kayo?" Sunod na sunod na litanya nya na para bang hinuhuli ako.

Napaisip ako.

"Nahulog? One Week? Seriously Andy?" Sagot ko.

"Oo pede yon bakla. Pero Dy. Ayaw mo nun nakamove on na sya kay Bryle?" Wala sa isip na tanong ni Lexa.

Kinapa ko ang puso ko. Luh? Gusto ko na ba si Steve? Bilis naman. Di yata?

"See? Di man nya napansin na binanggit ko si Bryle. Dati rati Bry palang masama na tingin satin nyan." Dugsong pa nya kaya napatingin ako sakanya. Inirapan nya ko kaya natawa ako.

No More Heartache.. Please?Where stories live. Discover now