Chapter 16: Unexpected Call

23 5 0
                                    

GAiL POV

"Oh kay bilis ng iyong pagdating. Pag alis mo'y sadyang kay bilis din."

Nagising ako sa malakas na tugtugan ng Tatay ko. Sunday kase ngayon kaya ganyan mga tugtog hays.

Bumangon nako, naghilamos at lumabas na ng kwarto.

Naka ready na ang almusal sa hapag kainan. At mukang nasa labas silang lahat. Ako nanaman ang pinaka late nagising.

Napatulala ako. Nakakamiss mag almusal ng may kasabay.

May kasabay o yung dati mong kasabay?

Umiling ako at nag simulang kumaen.

Yeaaaah. Its been one week nung huli kaming magkita.

Pag kagising ko nung umaga after namin mag inuman wala na sya.

Mukhang excited na sya sa pag uwe ni Divine.

Nilinis muna namin bago namin iwan yung bahay.

Bago pako umalis tinitigan ko yung bahay. Buti nalang puro masasayang alaala lang ang naiwan namin din.

Dumerecho uwe nako dito nun. Natulog lang ako maghapon and decided na ipapasok kuna yung 2nd week ng leave ko. And pumayag naman si Ma'am C. Pero incase of emergency pwede ko pa din gamitin yun.

Tapos nako kumaen at tamad na tamad ako.

So umakyat uli ako ng kwarto ko.

Kinuha ko yung cellphone ko at tinitigan yung number ni Steve.

"Isang linggo na ang nakalipas. Okay na kaya sila? Hindi na nya kinailangan tulong ko?" Bulong ko sa sarili ko.

Binitawan ko yung cp ko at humiga ng kama saka tinalukbong sakin ang unan ko. Bakit hindi na sya nawala sa isip ko?

"Grabe grabe.."

Napatingala ako ng tumunog ang cp ko. Agad kong chineck kung sino tumatawag at.

STEVE Calling............

Napabaligwas ako ng bangon.

"Tugtugtugtugtug"..

Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganun?

"Ano ba Gail Caleb Romero! Baka about lang kay Divine to o sa Boss mo. Or kay Baby Blake. Tama tama may lakad pa kami na hindi pa natutuloy ." Pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

Tiningnan ko uli yung cp na patuloy sa pag ring.

"Hello" Sabi ko agad pag sagot ko ng tawag.

"Kamusta kana?"

STEVE POV

Nagda drive nako papunta sa pinag usapan namin ni Gail.

Yes I asked her to go out with me. Namiss ko sya. Namiss ko yung mga bangayan namin.

FLASHBACK

"Hello?" Malamig ma sagot nya sa kabilang linya.

"Kamusta kana?" Tanong ko.

Madaming beses kong ginustong tawagan sya pero hindi ako nagkaron ng oras sa sobrang busy ko. Sunod na sunod kase yung mga trabahong binigay ni Daddy pag pasok ko.

"Wow". Tumatawang sabi nya.

"Anong wow ka jan?" Nagtatakang tanong ko.

"Bakit kaba napatawag?" Mataray nanaman nyang sagot. Napangiti ako. Si Gail nga to.

"Taray naman. Masama bang kamustahin ka? May utang kapa sakin, remember?" Patawa ko ding sabi sakanya.

Rinig kong napa buntong hininga sya kaya sumeryoso nako.

No More Heartache.. Please?Where stories live. Discover now