Chapter 15: Deep Kiss

17 3 0
                                    

GAIL POV

Nandito ako sa terrace ngayon. Umiinom silang lahat sa loob. Hindi ko alam pero nalulungkot ako. Tinitigan ko yung bahay. 2weeks yung leave ko. Pero 5days lang namin natapos. Sabagay. Hands on kase kami ni Steve. Wala kaming inaksang oras. Napayuko ako. Kung hindi din namin to tinapos agad. Maiiwan akong mag isa dito kase by monday papasok na sya sa opisina ng Daddy nya. Parang hindi ko makita sarili ko na mag isa sa bahay na to. Naaalala ko tuloy kung paano kami laging magbangayan sa simpleng bagay lang.

Napangiti ako.

"Mukang masaya ka at uuwe kana bukas ah." Si Steve.

Nakasandal sya sa isa sa poste ng terrace na to. Kanina paba sya dito?

"Yeaahh. Thanks to you. Napadali trabaho ko" Hindi tumitingin na sagot ko sakanya.

Bumuntong hininga lang sya.

Ayoko syang tingnan dahil ayokong makita syang masaya dahil bukas makikita na din nya si Divine.

"Bakit hindi kana umiinom sa loob?" Tanong nya pa.

"Lasing na sila. Tsaka napapadalas nanaman inom ko ng alak baka lumaki na tiyan ko." Natatawa kong sagot sakanya.

Lumapit sya sakin at biglang hinimas tiyan ko.

"E anlaki na nga mas lalaki pa ba yan?" Hinampas ko yung kamay nya pagkasabe nya nun.

"Aba'y gago ka talaga e no?" Pairap kong sabi sakanya.

Tumalikod na ko ng bigla nyang hawakan yung braso ko.

"Anong sabi ko dyan sa pag mumura mo na yan?" Tanong nya sakin.

Hindi ko sya nilingon at akmang aalisin yung pagkakahawak nya sakin ng bigla nya kong hilahin papalapit sa kanya.

Bisyo na ata nyang halikan ako.

Pero bakit iba ngayon? Bakit hindi lang to basta Smack? Bakit? Bakit? At bakit tumutugon ako?

Niyakap nya ko kaya mas lalong lumalim yung mga halik nya sakin. Napayakap na din sa leeg nya.

Pero nung madinig kong may magbubukas ng pinto at mukang nadinig din nya. Sabay kaming humiwalay sa isa't isa.

Feeling ko pulang pula ako. Huhuhu wtf anong nangyari?

"Anong ginawa nyo jan?" Takang tanong ng kaibigan nyang si Jerry.

Parang nagising naman ako sa katotohanan. Umiling nalang ako sakanya at pumasok na sa bahay.

STEVE POV

Tinitingnan ko lang papasok si Gail ng sala ng tapikin ako ni Jerry.

"Pre? Malaking problema yan. Sunod kana lang dun sa loob. Hinahanap ka nila." That time napatingin ako kay Jerry.

Umiiling sya. At bumalik na sa loob. Naiwan akong mag isa.

Naiiling ako.

Bakit ko nagawa yun?

Napasabunot ako sa ulo ko. Malaki nga atang problema to.

Kanina pa kami umiinom. Kanina pa din natapos yung House Blessing. And after that. Ansaya saya na namin.

Anong lungkot kaya ang kasunod nito? Ganun kasi yun e. Kapag sumaya ko. Laging may kasunod na lungkot.

Pag pasok ko sa loob. Huli kong nakatingin si Gail sakin. Pero agad na umiwas ng tingin. Namumula sya. Ang cute.

Wala naman sigurong masama kung eenjoyin ko yung gabi na to diba? Hayaan ko na lang ang bukas ang mamroblema sa sarili nya.


A.N/ Sabaw ang lola nyoooo. Pasensya na. Missyou guys

No More Heartache.. Please?Where stories live. Discover now