Gail POVMula kahapon na dumating yung I.D hanggang sa ngayong maghapon sumobra busy namen. Although nagagawa pa din nyang mangulit. Weird. Kasi mula kahapon kahit busy kami ansaya namin. Nakita ko yung side nya na kala mo walang problema. Na kala mo wala syang ex na nakipag break sa kanya tapos bigla nalang umalis na walang paalam. Na wala syang hindi makamoveon na Mommy. Na wala syang Daddy na pinaglit sila sa iba. Yung mga tawa nya totoong totoo.
"Hays nakakapagoddddddd". Napa buntong hininga pa ko sabay hilata sa Sofa.
Napatingin ako sa Wall Clock.
6pm na pala.
Wala pa din sya.
Nasaan na kaya mokong na yun?
Around 3pm umalis sya e.
Hindi ko alam. Sobrang busy namen hindi pa nga kame nakakapag meryenda nun e. Nasa sofa nga lang sya nun at nanunuod ng T.V tapos bigla nalang nyang pinatay. At lumapit sakin. May biglang nag iba sakanya.
Hiniram nya pa yung motor ko. Nung una ayoko pa ipahiram e. Kaso iba yung lungkot sa mata nya.
Ano kaya nangyare?
Hmm.
"Grabeee grabeee gusto pa din kita kahit Grabeeeeeee". Napatingin ako sa phone kong biglang nag ring.
Mabilis akong bumangon para kunin agad yun.
Hind ko alam bakit biglang bumagsak ang balikat ko ng makita ko yung caller.
Si Andy lang pala.
Wait wala naman akong inaantay na tawag ng iba wa. Psh!
Naiiling kong sinagot yung tawag.
"Hello" Matamlay kong sagot sakanya.
"Baklaaaaaaaaa we miss you na. Nasan kaba? Okay kaba jan? Bat parang antamlay mo? Baka naman pinapagod mo sarili mo!" Sunod sunod na litanya na.
Nangiti naman ako.
"Wag kayong mag alala okay lang naman ako. Napagod lang ako." Sagot ko.
"Oh ano kamusta daw sya". Biglang dinig ko sa background nung tawag.
"Si Lexa ba yun? Waaahhh miss ko na den kayo". Pag aamin ko sa kanila.
"Akin na nga yan! Bessy may kasama ka ba jan? Baka pinapagod mo sarili mo jan ah!" Si Lexa na.
Kakatouch naman mga bessy kow.
"Okay lang ako. Mukang one week lang okay na to. Baka nga this saturday kasama nyo na ulit ako we" Sagot ko.
"Buti naman! Andaming trabaho sa opisina." Pagmamaktol pa ni Lexa. Baklang toooo!
"Sorry na." Mejo natatawa kong sagot sakanya.
"Okay lang. Trabaho naten to e". Sabi nya.
Sila kase lahat sumalo ng naiwan kong trabaho.
"Bessy andami ko ng kwento sa inyo." Excited ko pang sabi sakanila.
Maloloka sila kapag nalaman nila na nakakasama ko si BabyBabe sa Park.
Hahahaha.
"Beks maya na ulit ha. Tatry naming tawag sayo kapag hindi na kmi busy. Maaga na kaming pumasok ngayon para naman hindi ka maistress sa pagbalik mo dito. Ingat ka ha. Love youuuu."
"Iloveee." Tuuuuttt.
Awts hindi pako nakakasagot pinatay na yung tawag. Sobra nga ata talaga busy nila. Pare parehas kami. Hays.
YOU ARE READING
No More Heartache.. Please?
General FictionI know, Nobody wants to be hurt. Nobody wants to be Cheated. And how can a Broken Hearted Woman fixed a relationship wrecked because of her? - PurpLeYnaaa ^_^