Chapter 11: Second Day Part 3: Usapang Bestfriend

14 5 2
                                    


Gail POV

Nakauwe na kame ngayon sa resthouse ni Mam Cindy. Tahimik lang kame mula pa kanina. Kasalukuyan akong nagluluto ng ulam namin. Samantalang sya nagpapasok na sa isang kwarto ng mga gamit para pag dating nung I.D pwesto na lang aayusin. 2pm pa daw ang dating nya. Paimportante. Psh! Hahaha

"Matatapos kanaba?" Pag tingin ko sa nag salita nasa tabi kuna pala sya.

"Iww lumayo ka nga puro ka pawis" Pagtataboy ko skanya. Although naka tshirt naman sya pero basa ng pawis. Hindi naman ako totally nandidiri sakanya. Sadyang hindi lang ako komportable na sobrang lapit nya. [Author. Eh bakit nung sa motor hindi ka nailang?] My God author ha. Iba yun syempreee. [A. Nakoo Gail] Tse. Hahaha basta.

"Arti naman neto!" Sabi nya sabay layo saken.

"Eh bat ba? Matatapos nako dito. Maglagay ka na ng plato. Ako na bahala sumandok ng mga pagkaen." Pag iiba ko sa usapan.

Sinunod naman nya ko agad. Mukang gutom na sya ah.

"Wow mukang masarap ah!" Sabi nya pagkalapag ko nung ulam na niluto ko. Thats Bicol Express. Infairness ngayun lang sya nagbigay ng compliment sa niluto ko. Effective ata. Mukang gumaan na pakiramdam nya. Ewan ku ba feeling ko gaganahan syang kumaen kapag ayun niluto ko. Iba kase feeling ko sakanya mula nung umalis kame sa Opisina nila kanina.

"Eatwell" Sabi ko sabay lagay na din ng pagkaen sa plato ko.

Tahimik lang kame habang kumaen. Hays bahala na ngaaa.

Steve POV

"Anong ibig mong sabihin kanina na hindi kapa handang makasama sila kasama nung bagong asawa nya?" Natigilan ako ng finally nagsalita sya sa matahimik naming pagkaen.

"Ayy. Hehe kung hindi ka naman kumportable pag usapan okay lang. Curious lang talaga ako" Dugtong nya ng makita nya sigurong hindi ako naka imik.

Bumuntong hininga ako.

"17 lang ako nung iwan kami ni Daddy. Okay naman kami e. Masaya sila ni Mommy. Isa kaming masayang pamilya. Tas isang araw. Boom! Wala na sya. Umalis na dala lahat ng gamit nya." Pagkukwento ko.

"Bakit?" Tanong nya.

"Para sa babae nya" Mapait kong sabi sakanya.

"Which is Mommy ni Blake?"

Tumango lang ako.

"Then one day may pumuntang abogado samin na may pinapapirmahan na annulment papers. Nung una ayaw ni Mommy pero sinigawan ko sya. Nagalit ako sakanya. Umiiyak ako ng umiyak habang sinasabe na pakawalan na nya si Daddy. At yun"

"Tinanong muna ba sya?" Napatingin ako sakanya.

"Ng ano?" Takang tanong ko.

"Kung ano tunay nyang dahilan kung bakit nya nagawa lahat yun?" Napa kunot yung noo ko.

"Hindi pa ba obvious yun? Bakit kelangan pang itanong?!" Mejo pagalit ku ng sagot sa kanya.

"Lahat ng bagay may malalim na dahilan." Napailing na lang ako sa sinasabe ng babaeng to.

"Ni hindi nga sya nagpakita kay Mommy after ng lahat ng nangyare e." Tiim bagang kong sabi sakanya.

"Pero sinuportahan ka nya?"

Tango lang ulit ang sinagot ko sakanya.

"Hindi ko naman gustong dun magtrabaho sa kompanya nya. Pinakiusapan lang ako ng Lolo ko bago siya mamatay na dun ako. Nangako ako kaya tinutupad ko. Pero sa tuwing nakikita ko si Daddy sumisikip dibdib ko dahil muka ni Mommy na paulit ulit rumerehistro sa utak ko". Dugtong ko habang nakatingin lang sa gawi nya.

No More Heartache.. Please?Where stories live. Discover now