4 ∞ ABS ∞

68 4 0
                                    

Ayesha's POV

Masaya na sana ang araw ko kung di lang dahil sa late namin napasa ang mga recycled trashbins namin. Dahil daw late namin napasa ay maglilinis kami ng social hall. Isa itong room kung saan ginaganap ang mga meetings ng mga clubs dito sa school kung may event.

Kaya heto kami ngayon sa social hall na may bitbit na mga basahan, walis at dustpan. Nakakatamad pa naman maglinis kasi ang kalat at ang dumi dito.

"Patrisha,dun nga tayo maglinis sa mga bintana" sabi ko kay Patrisha at saka siya hinila papunta doon sa mga bintana. Pagdating naman namin doon ay nakita naming masayang nag-uusap si Maxine at si Fancy. Mukhang close na sila, sabagay mukhang madali silang magkasundo. Pareho kasi silang subsob sa pag-aaral, nalaman ko kasi kay Patrisha na puro pag-aaral lang daw ginagawa ni Fancy sa bahay nila at si Maxine naman ay ganoon rin sabi ng dalawa niyang kapatid. Naiinis pa nga daw palagi si Maxine sa kanila dahil sa ingay nilang dalawa.Isang taon lang naman ang agwat ni Maxine sa kambal niyang kapatid pero anlaki ng pinagkaiba niya. Ewan ko ba kung bakit ang ganon silang magkakapatid. Si Jian at Chlyde, pinaglihi ata sa electricfan dahil sa lakas ng hangin at si Maxine naman mukhang pinaglihi sa heater dahil madalas masungit at mainit ang ulo. Hayyy ewan ko ba sa tatlong yan.

"Nakakatakot naman tong upuan tumutunog" reklamo ni Jian habang pinupunasan yung mga bintana na matataas. Sana nga malaglag siya haha.

"Mas matakot ka kapag nagsasalita yang upuan" pambabara ni Maxine at tumawa naman yung mga nakarinig. Si Jian naman ay nang-irap lang. Tss, irap ng irap parang bakla.

"Hoy lalake, huwag mo akong iirapan ng ganyan baka gusto mong tanggalan kita ng mata?" mataray na sabi ni Maxine. Kahit kailan talaga laging nag-aasaran tong magkakapatid na 'to.

"O talaga? Kaya mo?" panghahamon ni Jian. Kahit kailan talaga napakayabang eh. Sana nga matanggalan siya ng mata ni Maxine. SI Maxine naman kumuha ng gunting doon sa isang box sa ibabaw ng isang lamesa at saka lumapit si Maxine na nakangiting nakakaloko. Pati rin tong si Maxine ang lakas ng trip eh, pero malay mo baka ituloy niya talaga haha. Edi masaya! XD

"Oy wag! Niloloko lang kita eh! Joke lang kaya yun, ha-ha-ha. Nakakatawa nga eh." Sabi ni Jian dahil mukhang natakot ata. Si Maxine naman naka-smirk pa rin habang papalapit kay Jian.

*blaaaaag*

"Aray!!! Ang bigat mo!!!" malakas na sigaw ko. Eh malay ko naman kasing sa akin mahuhulog si Jian? Nakakainis nga eh, sa lahat ng pwedeng bagsakan sa akin pa. Ba't kasi andun kami sa may gilid niya naglilinis ng bintana eh.

"Ang arte mo! Mas mataba ka naman sakin" sabi niya. Aba ako pa ang mataba?

"Di ako mataba! Healthy lang ako! Ikaw nga walang abs eh! Payatot ka lang! Buti pa nga ako healthy ikaw malnourished!" pang-aasar ko sa kanya.

"Ako? Walang abs?" sabi niya habang naka-smirk at unti-unting lumalapit sakin. Ba't ko ba nasabi yun?

"Kakasabi ko nga lang diba? Paulit-ulit? Wala nga eh, W.A.L.A" sabi ko sa kanya habang patuloy pa rin siyang lumalapit sa akin.

"Wala pala ah, gusto mong ipakita ko sayo?" sabi niya at nakangiting nakakaloko. >/////< Ayoko nga. Virgin pa kaya mata ko at ang abs ni ano dapat ang una kong makita.

"Kadiri ka" sabi ko sa kanya pero namumula na ako sa mga sinasabi niya. Parang i-rarape ako sa isip ko, nakakadiri.

(O///////////////O)

Yan ang itsura ko matapos niyang itaas ang uniform niya pero binaba niya rin. Sigurado akong pulang-pula ako ngayon. Sobrang lapit niya pa sakin. Waaaahhh!!! Di na virgin mata ko =^= Paano na yung first time kong makikita yung abs nung magiging boyfriend ko?

"Tss, ano? May abs ako wala?" tanong niya habang naka-smirk pa rin.

"M-meron" nahihiya kong sagot. Di pa rin ako maka-get over. Di na virgin ang mata ko huhu. Tapos yung kay Jian pa unang nakita ko.

"Hahahahahahaha!!!! Pulang-pula ka...kinilig ka lang for sure. Ang swerte mo pa nga eh" sabi niya at automatikong napataas ang isang kilay ko.

"Ang hangin mo" sabi ko sa kanya at saka tinulak. Napa-atras naman siya sa tulak ko. Dapat hinipan ko na lang eh kasi mukhang paper weight lang naman sa payat. At saka di naman yun abs eh, laman lang niya yun, medyo bumukol lang dahil sa payat niya.

-----

"Yieeee, Ayesha. Nakita mo na yung mga pandesal ni baby Jian MO" sabi niya at inemphasize pa yung salitang 'mo'. Simula kasi nung kanina, inaasar na ako sa classroom. Di ko naman kasi alam na nakita nilang nangyari yun eh. Yung ibang girls nainggit dahil nakita ko daw yung abs nung Jian nila.

"Yuck Patrisha, yuck" sabi ko. Para namang natuwa pa ako sa nakita ko? FYI, hindi kaya nasusuka nga ako eh.Ano naman kasi ipagmamalaki niya dun sa bukol niya sa tiyan? Eh parang buto nga lang talaga eh.

"Yuck pero nagustuhan mo naman" sabi nung dakilang bagyo na napakalakas ng hangin. Sino pa ba edi si Jian. Kanina pa rin nang-aasar tong lalaking to na kinilig daw ako. Ang hangin talaga eh.

"Sinong nagsabing nagustuhan ko?" mataray na tanong ko sa kanya. Nakakainis nga kung bakit katabi ko tong lalaking to eh.

"Ako, di mo ba narinig?" pamimilosopo niya pero inirapan ko na lang. Ang sarap kutusan nitong lalaking to eh.

"Guys!!! Wala daw si Sir Calili, absent daw siya. Kaya naman may naisip na akong gawin." Sabi ni Vile, ang aming madame president.

"Ano?" tanong nung iba kong mga kaklase.

"Pick-up line battle tayo haha" sabi niya. Nagsigawan naman yung mga kaklase ko dahil mukhang nagustuhan nila yung sabi nung president.Maganda rin naman yun pero nahihiya ako. (A/N: Nasan ang hiya mo?) Nasa puso ko. (A/N: may puso ka ba?) Ang epal mo author, lagi na lang. (A/N: Geh, bahala ka na dyan) Pabayaan na lang natin si author. PMS daw kasi haha.

"Botohan kung sino ang gusto niyong couples" sabi ng president at lahat sila ay nagsi-nominate. Pinabayaan ko na lang sila at nag-doodle na lang ng kung anu-ano. Tinatamad ako eh at saka wala ako sa mood dahil sa abs thingy na inaasar nila sakin.

Today is a FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon