Ayesha's POV
Medyo late na kami nagising dahil sa puyat pero nakapag-ayos naman kami at nakapag-handang pumasok sa school. SI Chlyde nauna na sakay ng motor niya at si Maxine naman nag-pahatid sa driver nila dahil kailangan daw namin ni Jian ng 'privacy' pero alam kong ibang privacy ang nasa isip nila.
"Hoy lalake, matanong nga kita. Ba't di mo ko pinapansin kahapon sa room?" tanong ko kay Jian habang nagdri-drive.
"Sus, namiss mo ko no?" panimula nanaman ng kahanginan niya.
"Kapal mo, nagtatanong lang ako di ko sinabing namiss kita" sabi ko sa kanya.
"Eh ba't di mo ko mamimiss?" tanong niya with paawa effect pa.
"Paano kita mamimimiss kung katabi kita sa room at walang araw na hindi ko nakikita yang pagmumukha mo." Sabi ko sa kanya.
"Gwapong-gwapo ka naman sakin" sabi niya with matching pogi sign pa.
"Di mo naman sinagot yung tanong ko eh" reklamo ko.
"Kailangan mamiss mo muna ako" sabi niya kaya binatukan ko siya.
"Mamimiss kita kapag namatay ka na" sabi ko sabay irap.
"Edi magpapakamatay ako" pagbabanta naman niya. Feeling naman niya tututol ako sa pagpapakamatay niya.
"Sige kailan, para matulungan kita. Videohan pa kita eh" pang-aasar ko sa kanya.
"Ang sama mo" sabi niya.
"Same to you" pang-aasar ko ulit. Haha kawawa talo.
"Baba na" sabi niya sakin.
"Ang lapit lang naman ah, ba't kailangan may kotse pa?" tanong ko. Malapit lang naman bahay nila sa school nagko-kotse pa siya.
"Baka may kumidnap sakin sa gwapo kong to" sabi niya at tinuro pa yung mukha niya.
"Hangin mo!" sabi ko sa kanya.
"Gwapo naman" sabi naman niya.
"Ano connect?" tanong ko.
"Gwapo ako" sabi niya. Pinabayaan ko na lang siya at naglakad papunta sa room namin. Kahit medyo masakit pa yung paa ko naglakad pa rin ako. Ayoko magpabuhat sa lalaking yan, andami pa namang estudyante dito ngayon at lahat nakatingin samin.
"Bago pa lang sila mukhang L.Q na" girl1.
"Oo nga eh, di naman ata sila seryoso sa isa't isa" girl2.
"Dapat kasi sakin napunta si Jian eh" girl3.
Ang eepal naman nitong mga babaeng to. Imbes na mag-stay sa room, nandito sa school grounds para mag-tsismisan. At kung mag-tsismisan,parang gusto pang ipagsigawan sa lahat.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko kay Jian na bigla akong inakbayan at pumunta dun sa mga babaeng impakta.
"Something fun" sagot niya habang naka-ngisi.
"Wag mong titignan yung gagawin ko" sabi niya kaya tinakpan ko yung mata ko. Wag ko nga daw titignan diba?
"What the hell?!?!" sigaw nung isa kaya tinanggal ko na yung kamay ko sa mata ko. At agad na bumungad sakin ang tatlong mukhang binaboy sa make-up. Lahat sila nagmukhang clown at nakita kong ibinabalik ni Jian yung hawak niyang make-up kits sa mga shoulder bags nila.
"Don't mess with me and MY FIANCEE b*tches. You better keep your mouth shut." Sabi ni Jian pero naka-smirk pa rin. Kailangan ba talagang i-emphasize yung mga salitang MY FIANCEE?
"Tara na baby" sabi niya at napa-taas naman kilay ko pero pinili kong makisakay dahil talo nga pala ako sa deal.
"Bakit baby?" iritadong bulong ko. Sa dinami-dami ng pwedeng itawag baby pa. Ano tingin niya sakin, sanggol?
"Diba yun yung una mong tinawag sakin." sabi niya habang naka-akbay pa rin sakin. Nakatingin lahat ng mga dinaraanan naming mga estudyante pati teachers dahil PDA kami dito.
"Huh? Kelan?" tanong ko. Wala akong maalala eh.
"*ehem* *ehem* 'I love you baby Jian!!!" gaya niya ginawa ko dati pero pabulong lang. Kinurot ko siya sa bewang niya kaya napabitaw siya sa pagkaka-akbay niya sakin.
"Wag ka naman ganyan baby" sabi niya with malandi effect pa kaya napairap na lang ako.
Pagkapasok namin sa room, lahat nakatingin samin. Si Patrisha, pumalakpak pa kasama si Chlyde. Letche, kukutusan ko na tonsils nila eh.
"YIEEEEEEE!!!!!" malakas na hiyaw ni Patrisha.
"Hoy bruha manahimik ka" saway ko sa kanya.
"Kinikilig ako eh" sabi naman niya at nag-blush pa.
"Isa ka pa eh, malandi ka rin" sabi ko at inirapan niya lang ako at saka hinampas-hampas ako sa balikat dahil ang sweet daw namin at inakbayan pa ako ni Jian.
Kahit discussion inaasar ako ni Patrisha lalo na kapag sinimulan ng teacher namin. Oo pati teacher nakiki-ride sa mga kalokohan ng klase. Lahat ng loveteams ginagawang mag-partner. Kaya heto ako ngayon, nagmumukmok kasama yung partner ko sa paggawa ng powerpoint presentation sa Science.
"Tutunga-nga ka lang ba?" tanong ko dun sa kapartner ko.
"Pwede" pamimilosopo naman niya.
"Nakakainis naman eh, ba't ba kasi ikaw partner ko?" iritadong tanong ko.
"Aba malay ko. Swerte ka pa nga sakin eh" kahanginan nanaman niya nag umiral.
"Eh wala ka namang ginagawa eh" sabi ko.
"Nag-iisip kaya ako" sabi naman niya.
"Sa lagay na yan, nag-iisip ka? May utak ka ba?" pang-aasar ko.
"Lahat naman ng tao may utak, may iilan lang na marunong gumamit" seryosong sabi niya.
"Lalim ah, big words" sabi ko.
"Gwapo ko na nga, ang talino ko pa" syempre balik nanaman siya sa dati.
Buong one-hour ay wala kaming ginawa kundi magtalo sa mga ilalagay sa powerpoint presentation namin. Ayaw niya daw kasi ng violet masyadong dark kaya sabi niya blue daw pero di ako pumayag kasi boring masyado. Kaya ayun, nauwi sa red. Pero pumayag siyang lalagyan namin ng picture ni my melody at pumayag akong lagyan yun ng picture ni Tetsuya Kuroko daw. Di ko kilala pero pinabayaan ko na lang kasi gwapo naman.
"Ang gwapo pala ni Tetsuya" puri ko dun sa anime character.
"Pareho kami no?" sabi naman niya at inayos nanaman yung buhok niya na hindi naman nagulo.
"San banda?" sarcastic na tanong ko.
"Bulag ka ba? Syempre sa lahat" sabi niya.
"Sana nga bulag ako" sabi ko.
"Kung bulag ka, kawawa ka naman dahil di mo masisilayan itong napaka-gwapong pagmumukhang to" sabi niya at naka-full power nanaman ang electricfan niya sa katawan.
"Ang hangin grabe" sabi ko with matching flip pa ng buhok.
"I'm just stating a fact" sabi niya.
"Grabe, naniniwala ako" sarcastic na sabi ko.
"Totoo naman eh, di mo lang tanggap kasi truth hurts" sabi niya at inirapan ko na lang. Wala akong magagawa eh, sakit niya na yang kahanginan niya. Pabayaan na natin yung may sira.
-----------------------
A/N: Author MJ speaking again haha. Gusto ko kasi i-update lagi. Thank you sa mga nagbabasa, please Vote, Comment and Share po.
BINABASA MO ANG
Today is a Fairytale
Storie d'amoreA simple love story. It maybe a cliche story but later on, I promise that you will know how the story goes.