Ayesha's POV
"Yung first kiss ko na iniingatan ko napunta lang sayo" naiiyak na sabi ko habang tinuturo siya.
"What's the problem baby?" pang-asar niya pang tanong.
"First kiss ko yun eh" sabi ko naman. Nakakainis naman kasi eh, madami namang babae diyan na naghahabol sa kanya ba't di na lang yun halikan niya. Nandidiri ako >.< Ang labi ng isang kupal na katulad niya madidikit sa labi ko. It's a big YUCK.
"Edi ang swerte mo naman at ako ang first kiss mo" ayan nanaman yung pride niya tumataas ulit.
"Anong swerte?? Daig ko pa ata nabiktima ng sampung lindol at bagyo eh" reklamo ko.
"Pakipot ka pa. Gusto mo lang ulitin eh" ayaw ko nga tapos uulitin pa. Nag-iisip ba siya? Malamang hindi, walang isip yan eh.
"Dapat kasi yung first kiss ko romantic tulad sa wattpad. Yung nasa ferris wheel tapos may fireworks" sabi ko naman habang iniimagine yung ganoong moment pero nawala na lahat dahil sa kanya.
"Edi ulitin natin. Kahit sa kwarto pa eh" sabi niya at nagbigay ng ngiting nakakaloko.
"Kadiri! Pervert!" sigaw ko sa kanya.
"Sige, ituloy niyo lang yang eksena niyo. Ansarap panoorin eh. Kailan ba yan ipapalabas?" sarcastic na sabi ni Maxine at nakita kong nakatingin pala sa amin yung buong klase. Ibig sabihin, nakita nila yung kiss. Sana lamunin na ako ng lupa ngayon please.
"Sa kwarto natin ituloy mamaya" sabi ulit ni Jian habang nakangiti pa rin.
"Bwiset!" sigaw ko sa kanya at saka siya inirapan.
"Ituloy na natin yung tungkol dun sa Battle of the Bands" change topic ko at sumang-ayon naman sila. Haha ang galing ko talaga.
Nag-plano na sila at inaamin ko na ngayon, maganda talaga yung boses nung kambal. Pumili sila ng tatlong kanta para sa performance namin. Yung una, Take a chance on me by JLS, sunod naman That's My Girl by JLS, panghuli ay Baby by Justin Bieber. Kilala niyo na siguro sino pumili nung Baby na kanta. Dedicated pa raw sakin yun.
"Baby, ang galing ko ba sa practice namin" tanong ni Jian sakin.
"Di ko alam" sabi ko at saka nag-kibit balikat. Magaling naman siya kumanta eh. Ayoko lang sabihin kasi gagana nanaman yung mga electricfan niya sa katawan.
"Dali na, siguro bilib na bilib ka kaya speechless ka no?" wala pa akong sinasabi pero grabe na siya makapuri sa sarili niya.
"Ayoko magsalita kasi masasaktan ka lang" pang-aasar ko naman sa kanya.
"Oo alam kong magaling ako at masasaktan ako kasi truth hurts" jusko po. Di ko na kaya kahanginan nitong lalaking to. Liliparin na ata ako sa hangin eh.
"Hayy hangin talaga" sabi ko at saka siya inirapan.
"May date tayo mamaya" bulong niya sakin sabay halik sa pisngi ko. Hinalikan niya nanaman ako. Tapos ano daw, date? Naka-shabu ba siya at niyaya niya ako mag-date?
"Psst Patrisha" tawag ko kay Patrisha na busy kakwentuhan si Fancy at si Dale pero yung dalawa, busy sa libro at mukhang di siya pinapansin masyado.Hayyy, kawawang Patrisha.
"Buti naman at binalak mo na akong kausapin bago pa ako maging tuluyang bato dito dahil sa dalawang yun" turo niya dun sa dalawang bookworms na tumingin saglit samin pero bumalik ulit sa pagbabasa.
"Niyaya ako ni Jian makipag-date----" yun pa lang nasabi ko at tumili na siya pero tinakpan ko agad yung bunganga niya gamit yung panyo niya.
"Huwag ka muna magsalita, pwede?" tanong ko at tumango naman siya habang nasa bibig niya pa rin yung panyong sinaksak ko sa loob.
"Papayag ba ako o hindi?" tanong ko at tumango lang siya.
"Bakit?" tanong ko pero di ako sinagot.
"Magsalita ka!" sigaw ko sa kanya pero ayaw pa rin.
"Bakit ayaw mo magsalita?" tanong ko sa kanya kaya tinanggal niya muna yung panyo sa bibig niya.
"Sabi mo kasi wag ako magsalita" pamimilosopo niya kaya inirapan ko na lang.
"Pwede ka na magsalita" pagkasabi ko nun ay nagsalita agad siya ng mabilis.
"Oo naman, kasi malay mo may gawin kayong maganda tapos magiging ninang na ako" sabi niya sabay palakpak pa kaya binatukan ko.
"Sira! Umayos ka nga!" sigaw ko sa kanya. Ba't ba puro ganon nasa isip nila. Baka naman kasi ganon din iniisip ng author hehe.
"Syempre papaya ka pa rin, kasi opportunity siya at sabi nga nila, grab the opportunity" paliwanag niya.
"Ibig sabihin opportunity ko si Jian?" tanong ko habang naka-smirk at tumango naman siya.
"Kung si Jian ang opportunity ko, hahablutin ko siya" sabi ko habang nakangiti ng malapad.
"Bakit naman?" tanong niya. Siya naman mismo nagsabi na grab the opportunity diba? Ibig sabihin, hahablutin ko si Jian.
"Kasi grab the opportunity at opportunity ko si Jian" nakangiti kong sagot.
"Sira! Ang corny mo!" sabi niya naman sabay batok sakin. So ngayon gumaganti na siya.
"Ibig sabihin..................................." wala na siyang mai-dugtong dun at inantay ko siya for almost one minute hanggang sa may nasabi siya.
"Basta pumayag ka. THE END" sabi niya. Ang laki ng naitulong niya grabe.
"Ok" matipid na sagot ko. Baka rin naman kasi bawiin ni Jian yun eh.
"Andami mo pa kasing arte eh papayag ka naman talaga" sabi niya sakin.
Ba't ba kasi ako napunta sa ganitong sitwasyon eh. Oo nga pala, dahil lang naman sa isang truth or dare kaya nagging fiancée ako nitong lalaking to. Buti sana kung si Chlyde eh, papaya pa ako ng buong puso at kaluluwa. Eh kay Jian, wala. Grabeng kamalas-malasan inabot ko at walang humpay na panira ng araw.
Jian's POV
Eto na ang isa sa pinakagwapong nilalang sa buong planetang earth. Yung isa kasi ay yung kakambal ko pero pareho lang naman kaming ubod ng gwapo.
"Nayaya mo na ba?" tanong sa akin ni Maxine. Tinanong ko kasi paano kami makakapag-date ni Ayesha at sabi niya yayain ko daw.
"Sinabi ko lang na mag-dadate kami" sagot ko naman. For sure naman papaya yun eh. Sino bang makakatanggi sa kagwapuhan kong to?
"Tss, di man lang naging sweet" sabi niya sabay roll-eyes.
"Hinalikan ko kaya siya sa cheeks" depensa ko naman. Malay mo natuwa si Ayesha sa pag-kiss ko sa kanya diba?
"Ano namang sweet dun?" taas-kilay niyang tanong.
"Yung lips ko" pagmamalaki ko. Totoo naman eh.
"Hayy Jian Lucas Cortez, gumagana pa ba yang utak mo ng matino?" tanong niya sakin.
"Oo naman duh. Wala namang disorder sa utak ko. Tanging kagwapuhan lang ang meron siya" sabi ko. Lahat kasi ng parte ng katawan ko gwapo lalo na yung mukha. Mana kasi silang lahat sakin kaya isa akong tunay na purong gwapong nilalang mula sa small intestine hanggang sa bawat buhok ko.
"Kaya naman pala, puro hangin laman ng utak mo" sabi niya at saka umiling-iling pa. Di ko nagets yun.
"Basta yung plano ah" sabi niya at tumango ako.
Balang araw magkakaroon rin kami ni Ayesha ng mga anak. Syempre kasi magiging kami tapos magpapakasal kami at magkakaroon ng anak at mamumuhay ng masaya at nagmamalahan. Ang gay masyado nung last linepero gusto ko yung una na magkakaanak kami haha.
-------------
A/N: ang green-minded masyado ni Jian no? Haha mana sa author eh.
BINABASA MO ANG
Today is a Fairytale
RomansaA simple love story. It maybe a cliche story but later on, I promise that you will know how the story goes.