"Waaaaahhhh ako ulit talo! Madaya ka!! >3<" sigaw ni Patrisha sabay pout. Naglalaro kasi kami ng truth or dare ngayon dahil wala kaming magawa at dinaan pa namin sa bato bato pik yung laro.
"Truth or dare?" tanong ko.
"Dare na lang" sabi niya sabay cross-arms. ano kaya ipapagawa ko sa babaeng to? Hmmm.....*isip-isip*
Ting! (isipin nyo na lang sound yan ng isang bright idea XD)
Transferee lang kasi dito yung kapatid ni Patrisha, galing ata ng London kaya naman di ko pa kilala masyado at di ko pa nakakausap. Gusto ko sanang patalunin sa building tong babaeng to eh. >:D haha joke lang. Mahal na mahal ko kaya tong bestpren ko.
"Pwede mo ba ipakilala sakin yung kapatid mong transferee?" tanong ko sa kanya.
"Sure!.......Fancy! Lika daliiiiii may ipapakilala ako" sabi niya at lumapit naman samin si Fancy.
"Ayesha, eto nga pala si Fancy...yung kapatid ko galing London at Fancy, eto nga pala si Ayesha...bff ko :)" nagkamayan kami at ngitian ko siya. Ang tahimik niya masyado at mahiyain. Mukhang kabaligtaran ata nitong si Patrisha.
Si Patrisha kasi, madaldal, makulit at childish. Samantalang etong si Fancy, mukhang tahimik,mahiyain at matured.
"Hello, Ayesha" bati sakin ni Fancy.
"Hello din Fancy" sabi ko. Umupo siya sa may likuran ko at napansin kong nagbabasa pala siya. Nakakahiya naman dahil ang ingay-ingay pala namin ni Patrisha tapos siya nagbabasa.
Bumalik kami sa paglalaro. Kaya lang ayun, natalo ako. Di katanggap-tanggap ang pagkatalo ko. Di ko tanggap.
"Truth or Dare?" tanong ni Patrisha.
"Syempre Dare" sagot ko kasi kapag truth, di niya rin tatanggapin yung sagot ko tapos ipilit niya yung gusto niyang isagot ko. Ganun naman yun diba?
"Oh edi ano?" iritang tanong ko.
"Mag I-love-you ka sa taong unang makikita mo" sabi niya habang nakangisi.
"Ok" sabi ko at saka pumikit. Hahaha. Tapos isesense ko si Fancy at saka ko ididilat ang mata ko.
"Madaya wag ka pumikit" sabi niya pero tinakpan ko ng kamay ko yung mata ko.
Nagulat naman ako ng bigla akong kilitiin ni Patrisha kaya bigla kong natanggal yung kamay ko sa mata ko.
"Yow Guys!" bati ni Jian kaya bigla akong napatingin sa kanya.
Oh no, siya yung unang nakita ko.
Ibig sabihin..................wala,wala....kalimutan niyo na yun.
"Ehem Ayesha...you know. Yung dare" sabi ni Patrisha habang nakangiti.
"Ayoko nga! Yung kamay ko kaya unang nakita ko" protesta ko. Eh sa lahat ba naman ng pwede sabihan yung lalaking yun pa.
Well, yung lalaking yun ay si Jian Lucas Cortez. Ang captain ng basketball team, heartrob sa university at ang nag-iisang Mr. Mahangin. Kung bakit ayaw ko sa kanya? Mahangin kasi siya -____-
"Anong dare?" tanong naman ni crush---este Chlyde pala haha.
Si Chlyde Patrick Cortez. Kakambal ni Jian pero hindi sila magkamukha. Kung bakit? Ewan ko haha. Crush ko yan matagal na. Kahit casanova pa yang lalaking yan. Mabait kasi yan saka gentleman di tulad nung kakambal niya.
"Ayesha, dali na" pagpupumilit ni Patrisha habang kinukulit ako.
"Fine, fine." Di naman sila maniniwala eh. Dare lang naman eh. At saka big deal ba to? Di naman eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/26973090-288-k382243.jpg)
BINABASA MO ANG
Today is a Fairytale
RomanceA simple love story. It maybe a cliche story but later on, I promise that you will know how the story goes.