14 ∞ Special Someone ∞

87 3 0
                                    

Kanina pa siya nagdri-drive pero mukhang maaga pa naman at hawak ko ang phone ko in case of emergency.

"San tayo pupunta" tanong ko kasi mamaya kidnapin niya ako tapos hahayaan niya akong mamatay sa isang lumang bahay tapos makikita ang bangkay ko after 10 years na.

"Sa bahay ni special someone" sabi niya habang nakangiti at ako naman nakasimangot. Ba't ba kailangan puntahan yang si special someone niya? Nakakainis na.

"Andito na tayo" sabi niya at huminto kami sa isang malaking bahay na mala-antique ang style at maraming halaman sa paligid..

"Hello Maddie!" bati niya sa isang babae na kasing edad ko lang ata. Naka-pajama siya at long-sleeves habang nagdidilig ng mga halaman.

"Hi!" bati naman niya at saka yumakap kay Jian. Siya ba yung special someone ni Jian? Aba, mukhang close nga talaga sila. Ok, maganda siya.

"Maddie, si Ayesha nga pala." Pagpapakilala niya sakin sa harap ni Maddie at nginitian niya naman ako.

"Girlfriend?" tanong ni Maddie na parang nakikiusisa.

"Yup" nakangiting sagot ni Jian.

"Asan nga pala si Red?" tanong niya kay Maddie. Teka, si Red ba yung special someone niya? Bakla ba talaga siya?

"Sandali lang kukunin ko lang" sabi niya at saka pumasok sa loob ng bahay nila. Paano niya kukunin si Red? Baby ba siya?

"Arf! Arf!" narinig kong tahol ng isang malaking aso na k9 ata.

"Ayesha, si Red nga pala" sabi niya habang hinimas-himas yung napakalaking aso.

"Yan si Red?" di maka-paniwalang tanong ko. Akala ko nung una babae tapos lalaki at aso lang pala.

"Oo, favorite niya kasi tong cupcakes eh" sabi niya sabay pakain nung mga cupcakes. At ako naman, hindi pa rin makapaniwala na aso pala yung special someone niya.

"Bakit Red pangalan niya?" tanong ko naman. Wala lang, curious lang ako kasi brown yung aso tapos Red yung name diba?

"Kasi mahilig siya sa Red Velvet Cupcakes, kaya Red" sabi niya habang pinapakain pa rin si Red.

"Nangangagat ba?" tanong ko pero umiling naman siya kaya sinubukan kong hawakan. Ang cute niya kasi tulad nung sinabi ni Jian.

"Sige iwan ko na kayo, para sa PRIVACY niyo" pang-aasar na sabi ni Maddie. Ano bang meron sa pamilya nila at puro ganon yung pag-iisip nila.

"Wag ka matakot sa kanya, hawakan mo lang" sabi niya at mas lumapit pa ako kay Red.

Hinaplos-haplos ko yung ulo niya at di naman niya ako kinagat. Malaki siya pero di naman nakakatakot masyado at saka ang bango niya pa at halatang alagang-alaga siya.

"Sabi sayo, magugustuhan ka niya eh" sabi ni Jian sakin.

"Siya pala yung special someone mo, akala ko kung sino" sabi ko at saka siya inirapan.

"Nag-selos ka siguro no?" tanong niya at napataas yung isang kilay ko.

"Ang kapal mo, feeling ka masyado. As if naman na magseselos ako diyan kay SPECIAL SOMEONE MO" sabi ko na may diin yung huling mga salitang sinabi ko.

"Defensive ka naman masyado" pang-aasar na sabi niya.

"Hindi kaya" protesta ko naman.

"Oo kaya" sabi naman niya at nagsimula na kaming magtalo hanggang sa mauwi sa usapang pagkain. Anlayo no?

"Mas creamy yung lasagna kapag may cheese kesa wala" sabi ko. Nag-tatalo kasi kami kung mas masarap ba yung lasagna na may cheese o wala.

"Pareho lang naman kasi may nilalagay silang parang cream dun sa sauce" sabi naman niya.

"Mas masarap naman pag may cheese kasi mas malalasahan mo yung sarap" sabi ko.

"Masarap pa rin naman kahit walang cheese eh, importante may sauce" sabi niya.

"Nagugutom na tuloy ako." Sabi ko at saka humawak sa tiyan ko. Kanina pa kasi kami nag-aaway tungkol sa pagkain. Yung una, tungkol sa pinagmulan ng salitang doughnut tapos napunta sa egg pie at apple pie. Tapos naging macaroni at nauwi sa lasagna. Yan ang evolution ng conversation namin. Mula sa pagtanggi ko na nagseselos ako napunta sa pagkain.

"Dinner na lang tayo" yaya niya at saka hatak sakin. Ba't ba ang hilig niya mang-hatak? Kasuhan ko na kaya siya?

"Saan?" tanong ko.

"Kung saan may lasagna" sabi niya at nagulat naman ako. May pinaglalaban ba talaga siya?

"Bakit naman?" tanong ko.

"Kasi yun yung pinag-uusapan natin kaya ka nagutom, kaya yun yung kakainin natin" sabi niya.

"Eh paano kung fried chicken pinag-usapan natin?" tanong ko.

"Edi sa Jollibee tayo o McDo" sabi naman niya. Ang arte naman nito, kung ano yung last topic sa pagkain yun yung kakainin.

"Libre mo diba?" tanong ko kasi mamaya ako pa magbayad ng akin eh marami pa naman ako umorder.

"Date nga natin ngayon diba?" sabi niya sakin at narealize ko. Sabagay, date nga namin kaya dapat lang na libre niya.

"Anong order mo?" tanong niya sakin.

"Lasagna, with cheese" sabi ko at inirapan niya ako.

"Lasagna with cheese and lasagna without cheese" sabi niya dun sa waiter. Hanggang ngayon pa ba mag-tatalo kami tungkol dun sa lasagna?

"Ang arte mo" sabi ko sa kanya. Nanibago ako kasi hindi man lang niya ako inasar ngayon at kapag inaasar ko siya di niya pinapairal yung kahanginan niya. Mukhang nag-over heat yung mga electricfan niya sa katawan ngayon kaya di siya mahangin.

"Eh gusto ko ng lasagna eh" sabi niya na parang naglilihi sa lasagna.

"Eto na po sir" sabi nung waiter at saka inilapag yung malaking plato ng lasagna. As in malaking plato talaga na pwede sa tatlong tao.

"Uubusin ko to?" nagtatakang tanong ko. Ang dami-dami tapos ako lang uubos mag-isa.

"Oo, paunahan na lang tayo" sabi niya habang nakangiti at saka kinuha yung tinidor niya.

"Seryoso ka?" tanong ko habang tinuturo pa yung plato ko. Pareho lang ng dami yung amin pero parang di ko kakayanin yung dami.

"Yup, tara na" sabi niya at sinimulan yung pagkain habang ako halos maiyak na kakaisip kung paano ko mauubos yun.

"Kumain ka na" sabi niya habang hinihiwa yung kanya. Sinimulan ko na rin kainin yung akin dahil sayang naman. Gutom ako pero di ko kayang umubos ng ganito kadaming lasagna.

Nabusog na ako pero pagtingin ko sa plato ko wala pang kalahati yung nakakain ko.

"Tapos na ako" sabi niya sabay inom ng tubig at ako naman napanga-nga lang sa kanya.

"Tapos ka na?!?!" di maka-paniwalang tanong ko.

"Oo nga, ang kulit" sabi niya at pinakita pa sakin yung plato niyang walang laman. Napatingin naman ako sa plato ko at halos maiyak na ako dahil andami pa.

"Di ko na to kaya ubusin" pagmamaktol ko at kinuha niya naman yung tinidor ko at saka kumuha ng lasagna.

"Ikaw na lang kakain?" tanong ko.

"Hinde, susubuan kita" sabi niya at sumimangot ako.

"Say Ahhhh~~~" sabi niya at saka ako sinubuan, napatingin tuloy yung ibang tao sa restaurant dahil sa ginagawa namin. Sinubuan niya lang ako ng sinubuan at natatawa ako minsan kasi mukha na siyang ewan. Minsan nagsasabi pa siya ng 'Open Sesame' pati na rin yung 'Papasok na ang Airplane'. Ewan ko ba ba't parang may tama talaga siya ngayon.

"Yehey ubos na!" masayang sabi ko kasi di ko akalaing naubos ko talaga yun.Pasalamat na rin kay Jian dahil; sinubuan niya ako haha.

"Tara, ihatid na kita" sabi niya at saka niya ako hinatid pauwi ng bahay gamit yung sasakyan niya. Nag-paalam na ako sa kanya at natutuwa ako kasi kahit isang araw naging mabait siya sakin kahit creepy.

-------------------

A/N: Nagselos si Ayesha sa isang aso haha. Please continue to read, vote and comment.

Today is a FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon