Ayesha's POV
Ang ganda ganda ng gising ko ngayon. Ang ganda ng sikat ng araw, ang ganda ng panaginip ko kagabi at higit sa lahat ang ganda ko haha. Pasensya nahawa ako sa kahanginan ni Jian eh. Contagious kasi yung virus ng kahanginan niya. Dahil ang ganda ng simula ng araw ko ngayon pinatugtog ko yung kanta ni Jamie Grace na ‘Beautiful Day’ habang nag-aayos.
~~~Wake up and smile, cause it’s been a while. It’s been like a whole day so I stopped so you could hold me. This child awaits, strong in the faith, Lord you are the refuge that I can’t wait to get to cause I…can’t let a day go~~~can’t let a day go by~~Without thanking you for the joy that you bring to my life. And ooooohhh there’s something ‘bout the way. You’re sun shines on my face. It’s a love so true I could never get enough of you~~~This feeling can’t be wrong. I’m about to give my worship on. Take me away. It’s a beautiful day~~~yeah,yeah,yeah..it’s a beautiful day~~~
Pagkatapos ko mag-ayos ay bumaba na ako bitbit ang gamit ko at saka dumiretso sa kusina. Kumuha lang ako ng sandwich at sa sasakyan ko na kakainin dahil malalate na ako. Ang sarap kasi ng tulog ko dahil dun sa panaginip ko eh. Siguro curious kayo kung ano yung panaginip ko noh? Okay, sasabihin ko na.
>>>Flashback sa fairytale na panaginip ko<<<
Napaka-romantic ng buong lugar pero di ko alam kung nasaan ako. Maraming rose petals ang nasa paligid at take note…petals pa ng red roses. May mga kandila rin na parang isang pathway kaya nilakad ko yun hanggang sa makarating ako sa isang table. Isa siyang table para sa isang romantic na dinner date. Kung paano ko nalamang para sa dinner date yun? Gabi kasi eh kaya dinner date yun for sure. Alangan namang breakfast date diba? Ok, ang corny ko. Pasensya na sisihin niyo ang author na bagong gising. Para kanino ba to? Siguro ako yung girl na i-dadate kasi nandito ako diba. (A/N: malay mo Ayesha, waitress ka lang haha) Ang sama ni author pinapahiya ako =3= Pero at least maganda akong waitress haha. (A/N: K.FINE back to the story na) *roll eyes*
May nakita akong lalaki na nag-gigitara doon sa may isang bench…
~~~Grow Old with you~~~
Sinimulan niyang patugtugin yung Grow Old With you at sinabayan niya pa ito ng pagkanta.
-------------------------------------------------playing grow old with you----------------------------------------------------------------------------------------------------
Everything was so perfect and romantic. Pero di ako sure kung sino yung lalaki. Lumapit siya sakin and he gave me three long-stemmed roses. Tinignan ko siya at nakita ko si Chlyde. >////////////<
(A/N: kilig ka na nyan?) Epal na singit ni author. Moment ko to eh. Palibhasa MANHID! (A/N: shut up) Pasensya na po sa maikling commercial na dulot ng bitter na author *roll eyes*
---back to the scene---
“C-Chlyde?” nauutal-utal kong sabi. Syempre crush ko to eh! Nahihiya naman ako syempre.
“I love you Ayesha” sabi niya at dahan-dahan siyang lumapit sakin.
Closer….
Closer…..
Closer….
And closer….
*kriiiiiiiiiiing*
Nagising ako mula sa napakaganda kong panaginip dahil 5 minutes na akong late mula sa nilagay ko na oras sa alarm clock ko.
Kasalanan ng alarm clock yung naudlot na panaginip ko. Kainis!
>>>End of Fairytale Flashback na panaginip ko<<<
BINABASA MO ANG
Today is a Fairytale
RomanceA simple love story. It maybe a cliche story but later on, I promise that you will know how the story goes.