13 ∞ First Date ∞

56 4 0
                                    

Ayesha's POV

"Ayesha tara na" sabi ni Jian sakin.

"Anong tara na? Yung powerpoint presentation pa natin sa science di pa tapos" sabi ko naman.

"Tinapos ko na kanina pa" sabi naman niya with matching irap.

"San ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"May date tayo diba?" sabi niya. Nakalimutan ko pala yung sinabi niya kanina na may date kami. Akala ko kasi joke lang niya yun.

"Ay oo nga pala." Sabi koat nagulat ako ng kinuha niya yung bag ko.

"Ba't mo kinuha bag ko?" tanong ko sa kanya na may kasamang taas ng isang kilay.

"Ako na magbubuhat" sabi niya at nanibago naman ako. Naka-shabu ba siya? Ano kayang nakain niya ngayon?

"Ah..sige" sagot ko na lang dahil di ko siya maintindihan at ang weird niya dahil di siya nang-aasar ngayon.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang nagdri-drive siya.

"Basta mag-antay ka" sabi niya na nakangiti at halatang excited siya. Butina lang dala ko phone ko in case na kidnapin niya ako. Wala pa naman akong tiwala masyado sa kanya kung saan niya ako dadalhin.

Wala pang isang oras ng makarating kami sa isang park na puro couples and nandoon.

"Andito na tayo" nakangiting sabi niya at bumaba na ako sa kotse. Ang ganda ng lugar dahil maraming nagtitinda ng couple shirts, heart na lobo, chocolates at mayroon pang pond na shape ang hugis.

"Wow ang ganda dito" sabi ko habang minamasdan yung buong lugar. Feeling ko valentines na dito dahil puro puso at kasweetan ang nakikita ko sa paligid ko.

"Tara may ipapakita ako sayo" excited na sabi niya at saka niya ako hinila.

"Teka lang, pikit ka muna." Sabi niya kaya pumikit ako pero yung tipong sumisilip pa ako.

"Ops, bawal sumilip" sabi niya kaya tinakpan ko na lang yung mata ko. Hinila niya ako papunta sa di ko alam na lugar pero alam kong umakyat kami ng hagdan.

"Sige pwede ka na dumilat" sabi niya at unti-unti akong dumilat at kinusot pa yung mata ko.

"Ang ganda!" sigaw ko habang nakatitig pa din dun sa Eifel tower na nasa 20 feet ata ang laki.

"Ang cool naman!" sabi ko at saka lumapit doon sa tower.

"Picturan mo ko" sabi ko sa kanya at saka binigay ko yung phone ko. Natuwa naman ako dahil tinanggap niya at sinimulan niyang kuhanan ako ng picture. Merong wacky, formal at iba pang pose akong ginawa. Niyaya ko rin siya pero nung una ay ayaw niya pero pinilit ko pa rin.

"Uy tignan mo oh, ang ganda ko dito haha" masayang sabi ko at ngumiti naman siya. Sana ganito siya lagi, yung tipong walang pang-aasar at masaya siyang kasama.

"Kain na tayo" sabi niya kaya bumaba na kami. Yung tower pa ay located doon sa may burol at sa ibaba naman yung mismong park.

"Ano gusto mo?" tanong niya sakin kaya agad kong tinuro yung nagtitinda ng cupcakes.

"Alin diyan?" tanong niya kaya tinuro ko yung chocolate cupcake na hugis heart.

"Ba't andami mong binili?" tanong ko sa kanya kasi andami niyang biniling cupcakes eh kami lang naman kakain.

"Ibibigay ko sa sa special someone ko" sabi niya habang nakangiti. Ano daw? Special someone niya? May gusto pala siyang babae.

"Sino?" curious na tanong ko. Kung sino man yung special someone na yun dapat makilala ko para naman di ako magtaka kung isang araw malaman ko na sila na. Kasi malay ko bang may nililigawan pala si Jian diba?

"Di ikaw yun" sabi niya sabay belat sakin. Eh ano naman kung di ako? As if I care, eh mas maganda naman ata ako dun.

"Tinatanong ko kung sino. Di ko sinabing ako yun" sagot ko naman sa kanya. Ang kapal naman niya. Feeling niya iniisip kong ako yung special someone niya. Edi magsama na sila nung special someone niya.

"Eto yung sayo oh" sabi niya sakin sabay abot nung cupcake.

"Nawalan na ako ng gana" sabi ko at saka naglakad palayo papunta doon sa isang bench.

"Siguro nagseselos ka no?" tanong niya sakin pero inirapan ko lang. Di naman ako nagseselos eh, feeling siya masyado.

"Eh ba't ganyan ka?" tanong naman niya. Ba't nga ba kasi? Di ko rin alam eh.

"Gutom kasi ako" reklamo ko sabay kuha nung cupcake sa kanya.

"Kakasabi mo lang na wala kang gana eh" pang-aasar niya.

"Past is past" sabi ko naman at saka siya inirapan. Kinain ko nalang yung cupcake habang kinakausap niya ako tungkol dun sa special someone niya. Date namin to diba? First pa nga eh. Eh ba't puro yung special someone niya binabanggit niya?

"Nakikinig ka ba sakin?" tanong niya. Sa totoo lang, kanina pa siya dumadaldal pero ni isa di ko pinansin. Eh tungkol lang naman sa special someone niya yun eh.

"Oo" sagot ko para naman di niya isiping naiinis ako sa kanya dahil puro siya special someone niya.

"Sige nga, ano pangalan niya?" tanong niya.

"Special someone?" hula ko. Eh yun lang naman lagi ko naririnig sa kanya eh. Ang bait ni special someone, close sila ni special someone, ang cute ni special someone...etc...etc...

"Di ka nga nakikinig." Sabi niya at saka umiling-iling pa.

"Ikauunlad ba yan ng bansa kapag alam ko pangalan ni special someone mo?" tanong ko sa kanya. O sige, naiinis na ako pero di ako nagseselos. Paki ko ba sa kanila ni special someone niya?

"Ipapakilala na lang kita sa kanya, magugustuhan ka nun promise" sabi niya at saka niya ako hinatak. Walang-galang diba? Maka-hatak wagas.

"Lalaki ba yang special someone at magugustuhan ako?" tanong ko.

"Oo lalaki nga siya" sabi niya naman habang nakangiti pa rin. Ang creepy niya nga eh. Kanina pa siya nakangiti parang baliw.

"Bakla ka ba?" deretsong tanong ko. Di ko alamba't ko natanong yun kasi lalaki daw yung special someone niya eh. Pero imbes na sagutin niya tanong ko, sigawan ako, asarin ako...tinawanan niya lang ako.

"Abnormal ka ata ngayon" sabi ko sa kanya. Ba't ba ang bait niya ngayon? Ano kayang nasinghot nito?

"Di naman ah" sabi niya habang nakangiti pa rin. Ba't ba ganyan siya makangiti? Yung ngiti niya kasi ngiting aso eh.

"Mamaya kainin mo na ako o kaya maging aswang ka bigla" sabi ko pero tinawanan niya lang ulit ako. Ang creepy diba?

"Di kita kakainin syempre at saka di ako aswang" natatawa niyang sabi kahit wala namang nakakatawa dun. Kinikilabutan na talaga ako. Ano bang espiritu ang sumapi sa kanya? Ewan ko anong nangyayari sa kanya. Mula sa mahangin at masamang ugali naging sweet at masayahin. Mas normal pa atang makakita ng taong sinasaniban ng masamang espiritu kesa sa mabuting espiritu eh. Kasi feeling ko sinaniban ng mabuting espiritu si Jian kaya ganyan siya.

--------------

A/N: Ano bang nangyayari kay Jian? Nasapian ba siya ng mabuting espiritu? Haha.

Today is a FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon