Ayesha's POV
"San mo ko dadalhin?" tanong ko kay Jian kasi di naman kami papunta sa bahay ko. At alam niyo ba, may kotse na siya kahit wala pa siyang lisensya. Sabi niya pinayagan naman daw siya at may-ari ng car company ang daddy niya kaya safe siya.
"Psst panget" tawag ko kasi kanina pa siya hindi namamansin.
"Psst panget, mahangin, kupal, unggoy, bakla." Tawag ko pero di pa rin ako pinapansin.
"Psst lalaking may abs daw pero mukhang ribcage lang" tawag ko at sa wakas ay pinansin na ako pero binigyan lang ako ng death glare.
Huminto na rin yung kotse at tumapat kami sa isang napakalaking bahay na puno ng halaman.
"Baba na" sabi niya at inalalayan niya naman ako bumaba ng kotse. Binuhat niya ulit ako at hinayaan ko na lang dahil baka pag umangal ako ay ibagsak niya ako dun sa pool na mukhang malalim pa.
"Bahay niyo?" tanong ko.
"Don't state the obvious" sabi niya at inirapan ako. Kalalaking tao ang hilig mang-irap.
"Hoy lalake, Ilang beses ko na bang sinabi sayo na wag mong papakialaman ang mga pajama ko lalo na yung green!!!" sigaw ni Maxine habang papaunta dito na may hawak na tsinelas at handang ihampas kay Chlyde na nagtago sa likod ni Jian.
"Hi Ayesha----Aw! Aray! Ang sakit!---Sorry na---Aw! Ouch!" hinampas lang ni Maxine si Chlyde ng tsinelas pero tinigilan rin.
"Hi Ayesha" bati ni Maxine sakin.
"Ba't nandito si Ayesha?" tanong naman ni Maxine kay Jian.
"Napilayan kasi kaya dinala ko muna dito para maayos yung paa niya" sabi ni Jian.
"Sige, manonood muna ako" sabi ni Maxine at saka humilata sa sofa at binuksan yung t.v.
"Chlyde kuha ka popcorn dali, nood tayo transformers" sabi ni Maxine at dumiretso naman si Chlyde sa kusina para kumuha ng popcorn.
"Ok na ba yung paa mo?" tanong niya sakin. Hinihilot niya kasi dahil marunong daw siya at mas gagaling daw ako agad kapag siya umayos ng paa ko. Sabi niya gagamitan niya daw ng kapogian powers niya.
"Oo ayos na" sabi ko.
"O diba, gagaling agad yan dahil pogi ang gumamot sayo." Sabi nanaman niya kasama ang napakataas niyang pride.
"Oo na lang" sagot ko at inirapan na lang siya.
"Naka dalawang balot ka na ng popcorn ah!" narinig kong reklamo ni Maxine.
"Eh ikaw nga inubos mo na yung mogu-mogu eh" sabi naman ni Chlyde.
"Edi pareho lang tayo" sabi naman ni Maxine.
"Ganito kayo lagi sa bahay niyo?" tanong ko kay Jian na nanonood rin.
"Oo" sabi niya sabay subo ng popcorn.
"Jian! May balak ka bang i-uwi si Ayesha? Parang ayaw mo na pakawalan eh. May hotel naman na malapit dito kung gusto niyo mag-tanan" pang-aasar na sabi ni Maxine.
"Manahimik ka na lang" sabi ni Jian at tumingin sa orasan.
"9:45 na. hatid na kita" sabi ni Jian.
"Hindi wag na, wala naman akong kasama dun. Dito muna ako matulog" sabi ko kasi mukhang masaya makasama ang Cortez siblings.
"May mga damit ako na pwedeng kasya sayo, kukunin ko lang" sabi ni Maxine at saka umakyat sa kwarto niya.
"Eto o" sabi niya at nagpalit na ako kaagad ng damit.
"San ka matutulog?" tanong ni Jian.
"Sa guestroom" sabi ko.
"Tabi na lang tayo" sabi niya habang naka-smirk.
"Perv!" sigaw ko sa kanya sabay bato ng unan.
Wala kaming ginawa buong gabi kundi mag-laro ng snakes and ladders, chess at scrabble. Sa snakes at ladders...nanalo kami lahat pero mas madalas ako kaya sabi sakin dinadaya ko daw yung dice. Sa chess naman, si Jian at Chlyde palaging nag-lalaban pareho lang naman sila ng scores at si Maxine naman ang undefended champion sa scrabble.
"May salita bang liar?" tanong ni Maxine kay Chlyde na naglagay ng liar dun sa scrabble board.
"Oo kaya, di mo ba inaral yan sa English?" tanong ni Chlyde.
"Sira! Lire yun hindi Liar!" sigaw naman ni Jian kay Chlyde sabay batok. Ewan ko ba kung ano pinaglalaban nila eh pareho lang naman silang mali.
"Pareho kayong mali! Lier yun!" sigaw naman ni Maxine sabay batok sa dalawa niyang kapatid.
"Magkatunog naman ah!" depensa ni Chlyde.
"Magkaiba naman ng spelling" sabi ni Maxine.
"Wag na nga kayo mag-away, yan lang pinag-aawayan niyo pa" sabi naman ni Jian at napatingin sa kanya yung dalawa.
"Eh ikaw nga sabi mo Lire eh" pang-aasar naman ni Maxine.
"Eh magkatunog naman" depensa rin ni Jian tulad kay Chlyde.
"Magkaiba yun!" sigaw ni Maxine.
"Pareho lang" sigaw naman nung dalawa.
"Panalo pa rin naman ako eh" sabi ni Maxine sabay dila sa dalawa niyang kapatid.
"Ayesha, inaaway ako oh" sabi ni Jian sabay turo sa ate niya.
"Oo nga Ayesha bad siya" sabi naman ni Chlyde at pareho silang nakapulupot sa kamay ko.
"Lumayo nga kayo, mali naman talaga kayo eh" sabi ko sa kanila.
"Pareho kayong bad!" sigaw ni Jian sabay pout na parang bata.
"Inaaway nila tayo Jian di natin sila bati" sabi ni Chlyde sabay yakap kay Jian.
"Tayo na lang bati" sabi naman ni Jian.
"Yehey!" sigaw naman ni Chlyde at binigyan ng 'Brother Hug' DAW si Jian.
"Ewww gross" sabi ni Maxine at natawa na lang ako.
"Inggit!" sabi pareho nung kambal.
"Ayesha tulog na tayo" yaya sakin ni Jian kaya hinampas ko nung board ng snakes and ladders.
"Pervert! Kadiri ka!" sigaw ko sa kanya.
"Sayang ang chance" pang-aasar naman ni Maxine sakin at inirapan ko na lang sila.
Niligpit na namin yung mga kalat namin at saka pumunta sa mga kwarto namin. Nagulat nga ako ng malaman kong nasa iisang kwarto lang si Jian at Chlyde pero nung tinanong ko sila bakit eto ang sagot nila.
"Ang kambal na pogi dapat nasa iisang kwarto para mag-share ng kapogian sa isa't isa dahil kambal kami"
Ewan ko ba bakit ang kulit nung magkakapatid na yun. Para silang mga bata at never ko pa silang nagkikitang mag-away. Pero isang bagay lang ang di ko makakalimutan ngayong gabi.
Yun ay ang sinabi ni Jian sakin....
"Sa panaginip na lang natin gawin yung sinasabi ko" sabi niya at automatic na binatukan ko siya.
Di tuloy ako makatulog sa sinabi niyang yun. Ang pervert kasi ng iniisip eh. Pero masaya ako dahil umayos na lagay nung paa ko kaysa kanina.
------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Hello po! Author MJ speaking here. Iam_Madelle po yung account ko. Salamat po sa mga readers. Please Vote, Comment and Share.
![](https://img.wattpad.com/cover/26973090-288-k382243.jpg)
BINABASA MO ANG
Today is a Fairytale
Roman d'amourA simple love story. It maybe a cliche story but later on, I promise that you will know how the story goes.