Ayesha's POV
Kung anong ikinabait ni Jian kahapon, kabaligtaran naman niya yun ngayon. Nakapag-pahinga na ata yung mga electricfan niya sa katawan kaya nagsimula nanaman siyang humangin.
"Ayesha, sama ka mamaya sa band practice ah" sabi niya sakin.
"Wala naman akong gagawin dun ah" reklamo ko. Balak ko pa namang magpahinga kasi wala kaming masyadong assignments ngayon.
"Meron kaya" sabi niya.
"Ano?" tanong ko.
"Taga-hanga ko" ayan nanaman yung dating Jian na ubod ng kahanginan.
"Di naman ako hanga sayo eh" sabi ko. Ok, alam kong nagsisinungaling ako dahil bilib talaga ako sa boses niya.
"Namamaga ilong mo" sabi niya sabay turo sa ilong ko kaya naman hinawakan ko.
"Hindi naman ah" sabi ko habang tinitignan yung ilong ko sa salamin.
"Nagsisinungaling ka kasi" sabi niya.
"Di namaga ilong ko kaya totoo yun" sabi ko at saka siya inirapan. Naisipan kong puntahan si Patrisha kaso naglalaro sila ni Chlyde sa ipad ng Pou. Pangbata nga yun eh at eto ang eksena nila.
"Patrisha naman eh! Gutom na kaya si Pou" reklamo ni Chlyde sabay agaw sa ipad.
"Bibili nga muna ng pagkain eh" sabi naman ni Patrisha sabay agaw ng ipad. At ganyan lang sila, patuloy na nag-aagawan sa ipad.
Paglingon ko naman sa likod ko, eto ang conversation ni Fancy at Dale.
"Tapos ka na ba sa Merchant of Venice?" tanong ni Fancy kay Dale na nagbabasa ng libro as usual.
"Oo, eto o. Yung libro ni Jane Austen, nasayo ba?" tanong naman ni Dale. Ganyan lang sila lagi, hiraman ng libro tapos basa ng basa.
Tinignan ko naman si Maxine na nakasubsob yung mukha sa desk niya at mukhang natutulog ata pero si Miguel patuloy sa pangungulit.
"Maxine, natutulog ka ba?" tanong ni Miguel.
"Hinde, nagpra-practice lang ako mamatay" pamimilosopo ni Maxine at saka inirapan si Miguel.
Nag-sulat na lang ako ng kung ano-ano at inintay na mag-dismissal. Ang aga kasi natapos nung teacher namin kaya wala tuloy kami magawa.
"Ayesha, dun sa bahay namin practice. Punta ka ah." Sabi sakin ni Maxine.
Tulad ng sinabi ni Jian at Maxine, sumama ako dun sa band practice nila. Wala naman akong gagawin eh. Sadyang mapilit lang talaga sila.
"Ayesha, wag ka masyado titili ah" sabi ni Jian.
"At bakit naman ako titili?" tanong ko sa kanya.
"Kasi alam kong kikiligin ka sakin" mahangin sa sabi niya.
"Baka nga kilabutan ako eh" sabi ko at saka siya inirapan.
"Ayos lang naman kiligin eh kaya wag ka ng mahiya, siguraduhin mo lang na kakayanin ng puso mo" sabi niya.
"Yabang mo" sabi ko sa kanya.
"It's the truth baby, I know it really hurts" sabi niya.
"Truth mo mukha mo" asar na sabi ko sa kanya sabay bato ng unan na nasa sofa sa kanya.
Nag-practice na sila dun at kami naman ni Maxine na walang pakialam dun sa kanila nanood lang kami ng titanic kahit ilang beses ko ng pinanood.
"Karen, palit muna tayo gitara gusto mo?" tanong ni Kenneth.
"Wag na" sabi ni Karen.
"Ayaw ko kasing nahihirapan ka" sabi naman ni Kenneth.
"Di naman ako nahihirapan ah" depensa ni Karen.
"Mamaya na yang landian niyo!" saway ni Yaji sa kanila.
Ang tagal nila matapos dahil maya't maya kulit nung dalawang vocalists.
"Chlyde, mali yung lyrics mo" saway ni Jian kay Chlyde. Ayan nanaman yung kulitan nilang dalawa.
"Tama naman ah" sabi ni Chlyde at pinaulit-ulit pa yung lyrics nung kanta.
"Singular lang yung boy, sabi mo boys eh" sabi ni Jian.
"Voice kaya yung sabi ko as in boses, hindi boys!" sigaw ni Chlyde kay Jian sabay batok.
"Matagal pa ba yan?" bored na tanong ko.
"Overnight na lang tayo" sabi ni Yaji.
"Sige" pagod na sabi ni Karen. Oo nga naman, gabi na kasi at pagod silang lahat maliban lang dun sa dalawa na parang hindi nauubusan ng energy.
"Tulog na tayo Karen" sabi ni Kenneth kay Karen.
"Anong tulog na tayo?!?!" reklamo ni Karen.
"Ano bang iniisip mo ha?" sabi naman ni Kenneth kay Karen.
"Kadiri ka kasi" sabi ni Karen.
"Iba kasi iniisip mo eh, haha" sabi naman ni Kenneth. At ayan nanaman sila sa landian moment nila.
"Tulog na rin tayo Ayesha" sabi ni Jian.
"Sige" sagot ko dahil antok na rin ako.
"Tara na sa kwarto" sabi niya at saka ako hinila.
"Anong sa kwarto?!?!" reklamo ko.
"Diba matutulog na tayo" pa-inosenteng sabi niya.
"Pervert!" sigaw ko sa kanya at saka binatukan.
"Sabi ko lang matutulog tayo, hindi tayo magkatabi" sabi ko sa kanya.
"Wala ka bang tiwala? Gagamit ako ng proteksyon" tanong niya with paawa effect pa.
"Kadiri! Oo wala akong tiwala!" sagot ko at saka siya inirapan.
"Tara,sa guestroom tayo." Sabi ko kina Karen at Yaji at sumunod naman sila sakin pero naramdaman kong sumunod rin yung mga boys at nanguna si Jian.
"As in TAYO lang. GIRLS LANG." sabi ko.
"Sabi ko nga sila lang" narining kong bulong ni Jian.
Nag-ayos na kami ng higaan at buti na lang at dinalhan kami ng mga damit dito nung mga yaya namin.
BINABASA MO ANG
Today is a Fairytale
RomansaA simple love story. It maybe a cliche story but later on, I promise that you will know how the story goes.