19 ∞ Masakit ∞

39 4 1
                                    

Jian's POV

Alam mo yung feeling na nakikita mong may pinagseselosang iba yung mahal mo? Ang sakit eh. Andito naman kasi ako Ayesha, ba't si Chlyde pa? Lamang naman ako ng kapogian dun kahit papaano ah? Nakakabwiset naman.

"Hoy lalake! Nag-eemote ka nanaman?" pambungad sakin ni Maxine habang papalapit. Umiinom kasi ako dito sa kusina dahil di naman ako makatulog kakaisip dun sa babaeng mahal ko.

"Ang manhid niyo kasing mga babae" reklamo ko at tinaasan ako ng kilay ng kapatid ko.

"Aba ang kapal ah, kasalanan ba naming torpe kayo kaya di namin alam na gusto niyo kami? Anong gusto niyo, tanungin namin kayo isa-isa kung gusto niyo ba kami para malaman namin?" reklamo niya. Sabagay tama rin tong babaeng to. Ba't ba ang hirap maging pogi---este torpe?

"Ba't di niyo kasi napapansin efforts namin na magpapansin?" tanong ko naman. Nag-eefort naman ako lagi para kay Ayesha lalo na dun mismo sa battle of the bands. Special mention pa nga siya dun eh at saka todo ayos ko ng buhok dun ah.

"Effort ba yung panlalandi ng iba? Para kunware magselos kami?" sarcastic na tanong niya. Oo nga no? Madalas nanlalandi kami ng iba para pagselosin yung crush namin. Syempre moves yan ng mga gwapo eh.

"Pinapaselos lang namin kayo eh" sabi ko naman. Cute naman yung iba kapag nagseselos at saka dun pa nga madalas nagkaka-aminan.

"Yung iba nagseselos, pero mas madalas nalalandian kami sa inyo" reklamo niya.

"Malandi na ba tawag dun?" tanong ko. Ang sama naman. Ang hard nila masyado ah.

"Kailangan ko pa atang bawasan I.Q ko para makahanap ng tamang insultong maiintindihan mo" pagtataray niya. Kahit kailan talaga tong kapatid ko eh, ang lakas mambara.

"Ang hard mo ate" reklamo ko pero di ko naman dinibdib masyado.

"Sus, biguan ka lang kay Ayesha eh" pang-aasar niya. Yun, tinamaan ako dun sa sinabi niya pramis. Tagos na tagos.

"Eh isa rin kasi yung dakilang manhid" reklamo ko.

"Eh isa ka rin kasing dakilang torpe" pagbabalik niya sakin.

"Antayin mo Maxine, aamin rin ako" sabi ko habang naka-ngiti.

"Ilang kalendaryo ba kailangan kong bilhin?" pang-aasar niya kaya binatukan ko siya.

"Haha joke lang, goodluck" sabi niya at saka umalis.

"May nakalimutan pala ako" sabi niya at saka bumalik sakin.

"Ang sabihing gwapo ako? At swerte ka dahil kapatid mo ko?" nakangiting sabi ko pero inirapan lang niya ako.

"Chocolate mo oh" sabi niya sabay abot sakin ng tatlong hershey's chocolate. Iba talaga kapag pogi eh, may reward haha.

"Yehey, goodnight! Bangungutin ka sana" sabi ko sa kanya.

"Sige goodnight din, sana wag ka na magising pag tulog mo" sabi niya. Kahit kailan mas magaling pa rin talaga mang-asar yung babaeng yun. Di bale na, kakain muna ako ng chocolate haha. Weakness ko kaya to.

Pinapangako ko talaga, aamin ako kay Ayesha. Sa gwapo kong to, di ako pwedeng manatiling torpe. Sayang ang lahi ko kung di maipapalaganap haha. Di naman masyadong berde ang utak ko, saksakan lang talaga ng kagwapuhan.

-----------------

A/N: Short lang po yan para mabasa niyo kung paano nagseselos si Jian. Sino po ba gusto niyo? Jian or Chlyde?

-Author MJ

Today is a FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon