Ayesha's POV
"Ayesha, samahan mo naman ako sa locker" sabi ni Patrisha. Tumango na lang ako kasi gusto ko rin bisitahin yung locker ko na ginawa ko lang tambakan ng basura. Halos lahat ata ng di ko ginagamit nandun.
Pagdating ko sa locker na katabi lang nung kay Patrisha at nasa gitna pa, may nakita akong maliit na sticky note.
Do you imagine a world without you?
Because for me, it would be a great suffering.
-your prince
Luh??? Eto na ba katuparan ng wish ko??? Ang magkaroon ng prince charming ko??? Feeling ko tuloy para akong kamatis ngayon. Pwede bang magka-crush sa lalaking di ko kilala? (A/N: What about Chlyde?) Ay oo nga no, crush ko pala yun haha. Pwes kalimutan niyo na naging crush ko siya. Past is past XD Syempre joke lang, dalawa na crush ko. The more the merrier.
"Ahhh, kaya naman pala para ka nanamang baliw kakangiti diyan" sabi ni Patrisha habang binabasa yung note na hinablot niya sakin.
"May lovelife nako Patrisha" naka-ngiting tagumpay na sabi ko sa kanya. At least alam kong may nagkakagusto sakin diba? Feeling ko kasi ang swerte nung crush ni Jian at Chlyde kasi ideal man na yung dalawa pero mahangin lang. Di ko rin sinasabi na sana ako yun ah. At saka di ako nagseselos kung sino man yung crush nila, basta swerte. Di naman ako depensib eh, nagpapaliwanag lang rin ako.
"Kalandian mo" sabi niya. Ay grabe, kapag lalaki lumalandi sweet tapos kapag babae kiligin lang malandi agad?
"Hard ah" sabi ko na lang sa kanya.
"Tara na, baka di ka pa makaalis diyan." Sabi niya.
"Aalis naman ako eh" reklamo ko at saka ibinulsa yung note. Hihi, remembrance yun eh.
"Eh halos santuhin mo na nga yang locker mo, may balak daw umalis?" sarcastic na sabi niya. Inirapan ko na lang siya at saka kami bumalik sa room namin.
"Patingin nga nung note" sabi ni Jian sabay lahad nung kamay niya sa harap ko.
"Paano mo nalaman?" tanong ko. Si Patrisha lang naman kasama ko ah. Stalker ko ba siya? Ok, assuming ako.
"Ako kaya nagbigay" sabi niya sabay irap. O.O siya nagbigay???
"Joke lang syempre, sinabi ni Patrisha sakin kasi tinanong ko siya kung bakit ansaya mo naman" paliwanag niya. Tinignan ko naman si Patrisha ng masama at nag-peace sign lang siya sakin. Binigay ko na lang yung note. Akala ko pupunitin niya pero binasa niya lang at saka binigay sakin.
"Kung siya kaya gawin kong extinct sa mundo" reklamo niya sabay irap. Ano bang problema nito? Masyado siyang bitter ah?
"Ba't ba ang bitt----Teka nga lang, nagseselos ka ba?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Assuming" sabi niya sabay irap sakin.
"Uyyyy, yung baby ko nagseselos" panlalambing ko habang tinutusok yung pisngi niya. Ang cute niya kasi magselos. Ba't ko pa idedeny na cute siya magselos kung totoo? Haha natutuwa tuloy akong asarin siya.
"Tumigil ka nga" saway niya sakin pero di ko siya tinigilan.
"Wushuuu, nagseselos ka lang eh" pang-aasar ko habang sinusundot parin yung pisngi niya.
"Di nga eh, kulit" reklamo sabay tanggal nung kamay ko sa mukha niya. Ang cute kasi ng pisngi niya eh, may dimple pa siya kahit naka-busangot siya. Yan tuloy di ko napigilang halikan siya sa pisngi. O.O wait----hinalikan ko siya sa pisngi?!?!
"Nanlalambing ka ba?" tanong niya pero nakangiti na siya. Ako naman tumango at saka pinisil yung pisngi niya.
"Landian alert!" sigaw ni Maxine pero inirapan ko lang.
"Ba't ba kasi ang bitter mo dun sa lalaking yun?" tanong ko sabay pout. Nagulat naman ako ng bigla niya akong halikan sa lips.
"Wag kang mag-pout, you're tempting me" sabi niya at automatic na tinakpan ko yung bibig ko.
"Mag-pout ka na nga lang" pang-aasar na sabi niya.
"Adik" sabi ko sabay batok sa kanya.
"Gwapo naman" sabi niya.
"Ano connect?" mataray na tanong ko.
"Gwapo parin ako" sabi niya. Kahit kailan talaga tong lalaking to, di maubusan ng hangin sa katawan eh.
"Ba't mo nga pala ako hinalikan sa cheeks?" tanong niya na naka-ngiting pang-asar. Aww, yung dimples. Ba't ngayon ko lang napansin yun. Ang weird ko ngayon ah. Feeling ko kasi ngayon ko lang napansin na ang gwapo niya pala as in.
"K-kasi a-ano....ang cute mo kasi eh!" nahihiyang sabi ko. Naman eh, dapat pala hindi pinagseselos tong lalaking to, nagiging cute eh.
"Yung iba halos mapaos kakasigaw na gwapo ako tapos ikaw cute lang sasabihin sakin?" inis niyang tanong na nagtatampo nanaman. Yan nanaman yung pout niya eh. Shemaaaay. Yung mata ko ansarap tusukin grabe. Dati walang effect yang pagmumukhang yan pero ngayon ang lakas ng appeal.
"Edi ang gwapo mo...tsss" pilit na sabi ko pero inirapan lang ako.
"Di ko tanggap" sabi niya. Aba ang kapal niya ah? Sinabihan na nga ng gwapo, napilitan pa nga ako eh.
"Anong gusto mo santuhin kita diyan? Puriin yang pagmumukha mo?" sarcastic na sabi ko sa kanya.
"Truth hurts kasi, slow" sabi niya sabay batok pa. Ako pa talaga slow? Siya nga ang hangin eh.
"May instant bagyo atang dumaan" sabi ko sabay irap.
"Gwapo naman" sabi niya at inirapan ko na lang. Hangin talaga eh.
Pero totoo naman, gwapo siya. Grabe, nagkakasala na ba ako? Eto ba ang tinatawag nilang pagsisinungaling? Lol. Tatlo na nga pala crush ko. Si Chlyde, yung prince ko at si Jian. Oo crush ko na yang si Jian. Pero paghanga lang talaga dahil sa dimples niya ^.^ Dimples lang talaga ni Jian crush ko eh.
-----------------------------------------------
A/N: Simula na ba ng pagka-crush ni Ayesha kay Jian? Makikilala na rin ba ni Ayesha ang prinsepe niya? Hoho, andaming dapat abangan.
-author MJ
BINABASA MO ANG
Today is a Fairytale
عاطفيةA simple love story. It maybe a cliche story but later on, I promise that you will know how the story goes.