22 ∞ Chocolates ∞

35 3 2
                                    

Ayesha's POV

Yehey uwian na! Sa tuwing ngingiti ata si Jian tinititigan ko yung dimples niya. Yan tuloy gumana nanaman yung electricfan sa katawan niya. Feeling niya kasi nagwa-gwapuhan ako sa kanya which is slight lang naman.

Habang naglalakad nakita ko si Chlyde na may inaakbayang babae. Paniguradong bago niyang girlfriend. At yung babae naman kung makakapit kay Chlyde wagas! Akala mo ahas kung pumulupot eh.

"Kelan ba magtitino yang bestfriend mo?" tanong ko kay Patrisha na kasabay kong maglakad.

"Hanggang sa magka-AIDS siya" sabi ni Patrisha. Malandi man yan si Chlyde pero never pa yang nakipag-ano. Ewan ko lang dito kay Patrisha kung saan galing yung AIDS na sinabi niya.

"Hello baby" sabi ni Jian sabay akbay sakin.

"Ehem" pekeng ubo ni Patrisha at sumingit saming dalawa. Yung tipong sa gitna pa namin dadaan.

"Grabe Patrisha, di ko nahalata yung pagdaan mo ah" sarcastic na sabi ko pero painosente niya lang akong tinignan.

Alam niyo ba, nagugustuhan ko na si Jian na kasama. Kasi madalas mahangin pero gentleman at sweet naman. Lalo na yung nalaglag yung ballpen ko kanina. Hinanap niya pa halos sa buong room tapos nasa ilalim lang pala ng upuan niya. Kung saan-saan pa siya naghanap. Nung recess rin, mahaba yung pila kaya sinabi niyang siya na lang daw bibili ng akin. Ang sweet no? Pero syempre hanggang crush lang ako. Paparamihin ko muna crush ko bago ako mainlove haha.

"May nagpapabigay po" sabi nung isang janitor na lumapit sakin bitbit ang isang box ng chocolate at bouquet ng flowers. Tinignan ko yung nakalagay na card at may nakasulat.

Hope you'll enjoy the taste of my love like the chocolates.

And flowers for you.

-your prince

Napangiti naman ako at kinilig pa kasi todo simangot nung mahangin na katabi ko.

"Problema mo?" tanong ko dun kay Jian. Bitter nanaman eh. Ay oo nga pala, nagseselos haha.

"Ipatikim ko kaya sa kanya lasa ng kamao ko?" inis na sabi niya.

"Uyyy, selos siya ulit" pang-aasar ko.

"Gusto niyo pa talagang maglandian sa daan?" sarcastic na tanong ni Patrisha.

"Edi dun kami sa kwarto" sabi ni Jian kaya tinignan ko siya ng masama pero nginitian lang ako ng nakakaloko. Itong si Patrisha naman nag-thumns up lang. Walangyang bestfriend, iniwan pa ako dito. Tumakbo bigla tapos sumigaw pa na ninang daw siya. Sira talaga yung babaeng yun. At ito namang lalaking to natuwa pa. Binatukan ko tuloy, ang berde ng pag-iisip eh.

"Itatapon mo ba yan o itatapon?" nakasimangot niyang tanong.

"Sayang naman yung chocolate" sabi ko. Kasi sayang naman talaga eh. Ferrero pa kaya yung chocolate. Nakakaiyak naman kung itatapon ko lang.

"Mayaman kayo, mayaman ako, kahit isang libo pang ganyan pwede mong mabili at pwede kitang bilhan" sabi niya. Kahit mayaman kami matipid pa rin ako no. Maliban na lang sa my melody collections ko.

"Ok" sabi ko at saka itinapon yung binigay sakin. Ganun lang naman kasimple yun eh. Ito kasing lalaking kasama ko ang arte-arte eh.

"Tara date tayo" aya niya. Aba, pagkatapos ko itapon yung binigay sakin good mood agad diya.

"San?" tanong ko.

"Sa ilalim ng tulay" pilosopong sagot niya kaya inirapan ko.

"Bibili tayo ng sandamakmak na chocolates" sabi niya at napangiti ako. Well, that's the power of the word chocolate.

Today is a FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon