11 ∞ First Kiss ∞

26 2 0
                                    

Ayesha's POV

"Ok class, announcement lang to" sabi ni Ma'am Delma sabay pakita samin ng poster ng 'Battle of the Bands'.

"Magkakaroon tayo ng Battle of the Bands at sa Friday na ang laban. Kaya naman wala kayong klase simula ngayong Wednesday hanggang Thursday para sa practice. Sige yun lang iiwan ko na kayo. Goodluck!" sabi ng adviser namin at saka umalis.

"Guys!!! Keren na yan!!!" sigaw ni Kim at saka hinatak papunta sa harap si Kenneth at si Karen. Yang dalawang yan ang guitarist couple namin sa room. Matagal ng may gusto sa isa't isa pero ayaw lang mag-aminan.

"Uhmm, ok sige pili na tayo ng guitarists. Dalawa. si Karen at si Yaji" sabi ni Kenneth at si Karen naman ayaw pa pero sige ang pagpupumilit ni Kim sa kanya.

"Sino sa piano?" tanong ni Yaji. Isa rin siya sa mga talented sa gitara samin at may sarili na siyang banda kaya sanay na siya.

"Si Miguel!" sigaw ni Chlyde.

"Naks naman Miguel, pogi talaga neto" sabi ni Jian at pumapalakpak pa sabay cheer. Ang dami talagang alam neto.

"Ok, sa drums ako na bahala. Sino songers?" sabi niya. O diba napaka-talino? Songers daw.

"Anong songers pinagsasabi mo?" tanong naman ni Karen.

"Eh gusto ko eh" reklamo naman ni Kenneth.

"L.Q nanaman kayo! Tama na muna yang kalandian niyo, sa kwarto niyo na ituloy yan!" sigaw ni Kim at tinignan siya ng masama ni Karen. Hahaha namula naman sila pareho. Gusto rin ata nila sa kwarto eh.

"Sino maganda boses diyan?" tanong ni Yaji at tumingin kaming lahat dun sa dalawang kambal na kupal na pumunta sa harap.

" *ehem ehem*" pekeng ubo nilang dalawa. Sigurado ba silang matino boses nila? Mukha pa lang di na mapagkakatiwalaan eh.

"Maxine, papabayaan mo ba silang magdulot ng pagkagunaw ng mundo?" tanong ni Patrisha kay Maxine.

"Oo para sama-sama na tayong mamatay" sabi ni Maxine. Kakaiba rin tong utak nito eh.

"Lights please!" sigaw ni Chlyde sabay palakpak pa. Eto namang si Miguel pinatay yung ilaw sa room at saka tintukan ni Kenneth at Miguel yung dalawa ng flashlight.

"Dami kaartehan" reklamo ko pero sinaway lang nila ako dahil ang ingay ko daw. Ang sarap batuhin ng upuan eh.

Nakita kong kinuha ni Dale yung ipad at maliit na speaker niya sa bag niya at saka nilapag dun sa teacher's table. Pati rin itong si Dale nadadamay dun sa mga kupal na yun kahit bagong transfer pa lang.

Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa desk ko dahil baka mabasag pa ang eardrums ko sa boses nila.

[Playing I'll make Love to you~~~]

"Close your eyes, make a wish. And blow out the candle light. For tonight is just your night. We're gonna celebrate, all through the night" narinig kong boses ni Chlyde kaya naman agad akong napatingin sa kanila.

"Pour the wine, light the fire. Girl your wish is my command. I submit to your demands. I will do anything, girl you need only ask" kanta naman ni Jian at napatulala ako dahil maganda pala boses nitong lalaking to.

"I'll make love to you, like you want me to and I'll hold you tight. Baby all through the night I'll make love to you when you want me to, and I will not let go till you tell me to" duet nila at nagulat ako dahil kinindatan at tinuro ako ni Jian nung binanggit niya yung salitang baby. At higit sa lahat ay naghiyawan ang buong room ng tanggalin nilang dalawa ang I.D nila. I.D pa lang yung tinatanggal nila grabe na sila maka-hiyaw. What more kapag lahat na? Wait----erase, erase, erase. Syempre di nila gagawin yun. Ano ka ba naman Ayesha kadiri yung iniisip mo. Nakita ko namang nag-smirk sa akin si Jian at parang nabasa ang iniisip ko dahil inunbutton niya yung polo niya. What the f*ck! May balak ba siyang mag-show off dito?!?! SPG!!!

"Girl relax, let's go slow. I ain't got nowhere to go. I'm just gonna concentrate on you. Girl are you ready? It's gonna be a long night." Kanta ulit ni Chlyde. For your information guys...inunbutton ni Chlyde yung apat niyang buttones sa taas. OMG ang gwapo niya at the same time hot rin pero ang masakit...kay Patrisha siya nakatingin at si Patrisha naman namumula. Kahit sino naman ata mamumula kapag nakita mong ganito ka-hot si Chlyde. At saka crush ko lang naman siya ah, ba't ba ako nagseselos?

"Throw your clothes, on the floor. I'm gonna take my clothes off too. I made plans to be with you. Girl whatever you wish you know I could do" sabi ni Jian at inunbutton niya na lahat ng buttones niya kaya kita na sando niya revealing his hot sexy body. Syempre joke lang, buto-buto lang naman yun eh. Pero ang lakas ng trip niya at nilapitan niya ako at saka kinuha yung rose sa bulsa niya. Yan tuloy naghiyawan yung buong room.

"I'll make love to you, like you want me to. Baby all through the night I'll make love to you when you want me to. And I will not let go till you tell me to" kanta ulit nila tapos nag-bow na sila. Yung buong room naman naghiyawan tapos nakangisi pa yung dalawa. Proud na proud pa sa katawan nila eh buto-buto lang naman.

"Yaji, pasok na ba kami?" tanong ni Chlyde kay Yaji.

"Anong pasok?" tanong naman ni Yaji.

"Duh, nag-audition kaya kami as singers" sabi ni Jian at nag-roll eyes pa. Kalalaking tao ang hilig mag-roll eyes.

"Audition pala yun?" pang-asar na tanong ni Karen.

"Paulit-ulit? Sinabi ko na nga diba?" pamimilosopo ni Chlyde.

"Kadiri kaya! Porn yun eh! Porn!" sigaw ko.

"Gusto mo ng tunay na porn?" sabi ni Jian na naka-smirk. Wala naman siyang magagawa sakin kaya di ako matatakot. Una sa lahat, di niya ako mare-rape sa room, pangalawa...bakla naman ata siya.

"Hoy ano nanaman gagawin mo? Ipapakita mo nanaman ba yung bukol mo sa tiyan?" taas-kilay na tanong ko.

"Anong bukol sa tiyan?" asar na tanong niya.

"Ayan oh" sabi ko sabay turo dun sa tiyan niya. Sabi sa inyo eh, bukol lang yun kasi matigas lang naman na buto.

"Baka gusto mong tikman?" pang-aasar na tanong niya.

"Yuck! Kadiri, di ako kumakain ng buto-buto!" sigaw ko sa kanya.

"Eto sigurado akong masasarapan ka dito" sabi niya at saka hinawakan ang dalawang kamay ko at lumapit siya sakin. Ano yun?? Saan ako masasarapan?? Waaaahhhh!!!! Rape!!!! Ano yung ipapatikim niya??? Nakakainis!!! Kung ano-ano naiisip ko bwiset!!! Kadiri!!! As if naman na masarap yun.

*tsup*

"Masarap ba?" tanong niya sakin pero wala pa rin ako sa katinuan. Ang first kiss ko----wala na. T^T at napunta lang sa buto-butong lalaking yun.

----------------------------------

A/N: Todo-update na po haha. Salamat sa readers. Please Vote, Comment and Share.

Today is a FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon