7 ∞ Meet the Cortez Siblings ∞

63 4 0
                                    

Ayesha’s POV

Hayyy buti na lang at natapos na  rin tong araw na to at makakauwi na ako sa bahay. Kaya lang ang masaklap, wala pa rin yung sundo ko T^T.

“Ayesha di ka pa uuwi?” tanong ni crush este ni Chlyde habang sinusuot ang helmet niya.

“Wala pa sundo ko eh” sabi ko naman at sinubukan ulit tawagan yung driver namin.

“Samahan muna kita dito sa school, baka mapano ka pa” sabi niya at automatikong namula ako. Shemay Chlyde wag ka ganyan kinikilig ako eh.

“Uhmm…ok, sige” sabi ko naman sa kanya at umupo siya dun sa bench na inuupuan ko.

“Gusto mo ba si Jian?” biglaang tanong niya at napataas naman agad yung isang kilay ko.

“Sabi ko nga hindi” natatawa niyang sabi. Kung alam mo lang Chlyde, ikaw gusto ko hindi yung kakambal mong mahangin.

“Edi sino?” tanong niya naman at hindi ako makapag-salita.

“Wala” sabi ko sabay irap.

“Haha sige di ko na pipilitin” sabi niya.

“Bakit ba ang gulo niyong magkakapatid?” tanong ko naman sa kanya.

“Haha, trip kasi namin lagi asarin si Maxine…laging nakasimangot eh” paliwanag niya.

“Eh mas lalo nga siyang sumisimangot sa pang-aasar niyo eh” sabi ko naman.

“Mataray yun pero sobrang masiyahin nun sa bahay lalo na kapag walang kain, nababaaliw yun” sabi niya at nagulat naman ako.

“Lagi ngang nakikisakay sa mga trip namin yun eh, pati yung water balloon fight” sabi niya at naalala ko yun. Foundation day namin last year at nagpasimuno silang tatlo ng water balloon fight.

“Ang sweet niyo naman” sabi ko. Di man halata sa school pero alam kong sweet sila.

“Ang gay pakinggan pero oo” sabi niya. Di ko alam na pwede pa lang makausap ng matino tong si Chlyde. Puro kasi kalandian sa mga babae laging ginagawa nito sa school eh.

“Malapit na mag-gabi, ihatid na lang kita” sabi niya at tumango na lang ako dahil ayoko rin naman magtagal dito.

Isinuot ko na ang helmet na binigay niya sa akin at saka sumakay sa likod ng motor niya.

“Humawak kang mabuti sakin” sabi niya habang naka-smirk at inirapan ko lang. Bigla niyang pinatakbo yung motor niya at ang higpit ng yakap ko sa kanya. Baka isipin niyong tsansing ako pero sobrang bilis talaga. Ewan ko nga kung pwede pa tong bilis na to sa kalsada eh. Halos liparin na kaya ako.

“Andito na tayo” sabi niya at bumitaw na ako sa kanya.

“Ang gulo ng buhok mo” sabi at saka inayos ang buhok ko. Ang lapit ng mukha namin as in at sigurado akong namumula na ako ngayon.

“Sige, bye” sabi niya at umangkas ulit sa motor niya.

“Bye” sabi ko rin at saka pumasok sa loob ng bahay.

Pagkapasok ko ay humilata agad ako sa sofa at inaamin kong sobrang kinilig ako ngayon.

[Maxine’s POV]

Hi guys!! Maxine Jane Cortez over here!!! Oo nga pala, ako ang ate nung kambal na ubod ng kahanginan. Oo, kambal sila hindi lang halata. Nagulat nga ako dahil nalaman kong crush ni Ayesha si Chlyde. Ang totoo kasi, gusto rin ni Chlyde si Ayesha. Kung nagtataka kayo paano ko nalaman? Syempre may diary rin yung lalaking yun at saka sakin yun humihingi ng tulong pagdating sa pagpapansin kay Ayesha kaya lang torpe.

“Pogi in the house!!!” malakas na sigaw nung isa sa mga kapatid ko. SI Chlyde yan for sure, siya lang naman umuuwi ng gabi sa bahay eh.

“Chlyde namiss kita!!” bati naman ni Jian sabay yakap kay Chlyde.

“Yuck…gross. Dun kayo sa kwarto niyo!” sigaw ko sa kanila. Wag na kayo magtaka kung bakit puro kalokohan nasa isip niyang mga yan. Sa bahay pa lang malakas na trip nila.

“Narinig mo yun Jian? Sa kwarto daw tayo” malanding sabi ni Chlyde.

“Tara na” sabi naman ni Jian.

“Kadiri talaga kayo hahahaha” sabi ko naman sabay tawa. Ang lakas kasi ng trip nila eh.

“Maxine may c****m ba si daddy?” tanong ni Chlyde.

“P**a Chlyde!!!” sigaw ko sa kanya at tinawanan niya lang ako. Kakaiba rin isip nito eh.

“Letche lumayas na kayo dito!!!” sigaw ko nanaman sa kanila. Wag kayo mag-alala ganito talaga kami sa bahay dahil wala parents namin. Ako yung taga-sigaw at madalas mapamura sa mga kalokohan nila at sila naman yung taga-gawa ng kalokohan. Never pa naman ako nagalit sa kanila.

Umupo na lang ako sa sofa at saka nanood ng movie. Naka-tatlong movie na ako pero di pa rin ako makatulog. Nagulat naman ako ng makita ko si Jian na pababa.

“Di ka pa tulog?” tanong ko sa  kanya.

“Tulog na ako ilusyon mo lang to” sarcastic na sabi niya at nang-irap pa. Kalalaking tao ang hilig mang-irap.

“Eh ba’t di ka pa natutulog?” tanong ko sa kanya at umupo naman siya sa tabi ko.

“Sige nice talking” sabi ko kasi hindi niya naman sinagot yung tanong ko.

“Ate, masama ba yung ginawa ko kay Ayesha?” tanong niya at nagulat naman ako dahil tinawag niya akong ‘Ate’ ibig sabihin ay seryoso siya.

“Oo naman” sabi ko at di na maipinta ang mukha niya ngayon.

“Kasi ang bata-bata niyo pa, di pa kayo tapos ng high school nag-ano na kayo” sabi ko habang umiiling-iling pa.

“Sira! Maxine! Hindi yun yon!” sabi niya at binatukan ako pero di ganoon kalakas. Natawa naman ako dahil namula siya.

“Eh ano ba kasi yun?” tanong ko.

“Alam kong alam mo yung tungkol sa deal namin dahil tsismosa kang babae ka---“ di ko siya pinatapos at sumabat ako.

“Batukan kaya kita?” sabi ko sa kanya.

“Tss..basta alam kong alam mo yun. Ginawa ko lang naman kasi yun dahil gusto ko siya----“ di ko ulit siya pinatapos at sumabat nanaman ako.

“What the?!?!?! Seryoso??? Sabi na nga ba eh” sabi ko habang nakangiting-tagumpay.

“Isa pang sabat mo sisirain ko yung favorite mong pajama” banta niya at tinakpan ko naman ang bibig ko gamit ang dalawa kong kamay.

“Gusto ko siya kaya ginawa kong excuse yung pagiging fiancée niya para mas mapalapit ako sa kanya. Masama ba yung ginawa ko?” di ko rin alam pero para sakin ay seryoso siya kay Ayesha.

“Torpe ka kasi, pwede mo namang lunukin yang pride mo at manligaw di yung magsisinungaling ka pa.” sabi ko sa kanya.

“Ate naman eh.Edi ano gagawin ko?” tanong niya sakin.

“Sa pasko dadating sina mommy at daddy. Gawin mo pa rin yung plano mo pero make sure na huwag mo siyang sasaktan at sasabihin mo ang lahat-lahat sa kanya. Para in case na manligaw ka, mas malaki chance mo. Ngayon habang fiancée mo siya…gumawa ka na rin ng mga moves mo” payo ko sa kanya. Yan naman ang role ko sa mga kapatid ko eh. Taga-bigay advice sa katorpehan. Syempre alam ko mga sasabihin ko dahil babae rin ako.

“Salamat ate” sabi niya at niyakap niya ako.

“May the best man win” bulong ko pero hindi niya naman naintindihan.

Umakyat na siya sa kwarto nila ni Chlyde. Oo, nagsasama yung dalawang yun sa isang kwarto dahil kambal daw sila kaya dapat magkasama sila.

Di ko alam kung sino mananalo sa kanilang dalawa. Pareho ko silang sinusuportahan para kay Ayesha pero si Ayesha ang pipili. 

Today is a FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon