Ayesha's POV
Kanina ko pa pinipilit matulog pero di ko talaga kaya. Tulog na sina Yaji at Karen habang ako gising pa. Bumangon muna ako sa higaan at saka lumabas papunta doon sa garden.
Tumingala ako sa langit at namangha ako kasi andaming stars ngayon. Sinubukan ko pa ngang bilangin baka sakaling antukin ako pero di pa rin ako makatulog.
"Iniisip mo nanaman siguro ako no?" pambungad ni Jian at nagulat ako ng bigla siyang tumabi sakin.
"Ang kapal mo, rinig ko kasi yung hilik mo kaya di ako makatulog" sabi ko sa kanya at saka siya inirapan.
"Deny ka pa" pang-aasar nanaman niya. San ba nagmumula yung hangin nitong lalaking to at sobrang lakas.
"Eh ba't gising ka pa?" pagbabalik ko ng tanong sa kanya. Hanggang ngayon ba di pa siya napapagod? Side effect ba ng kahanginan niya yung pagka-hyper niya?
"Kasi iniisip kita" banat niya sabay tusok sa tagiliran ko. Ang landi niya no?
"Ano bang laman ng utak mo?" inis na tanong ko sa kanya.
"Ikaw lang naman laman ng utak ko eh" banat ulit niya at parang kinikilig pa. Ang landi talaga.
"Adik! Naka-shabu ka!" sigaw ko sa kanya. Kalalaking tao napakalandi. Mas malandi pa sakin eh. Dapat ako nga yung mas malandi sa kanya eh.
"Sayo lang naman ako naadik eh, at saka di ako naka-shabu...nagmahal lang ako" banat niya ulit sabay kiliti sa tagiliran ko.
"Ang landi mo talaga!" sigaw ko sa kanya habang hinahampas yung braso niyang nangingiliti sakin.
"Baby naman eh, inaaway mo nanaman ako" sabi niya sabay pout at umarteng naiiyak na.
"Iyak ka na dali, yung maraming luha ah" pang-aasar ko lalo at saka siya inirapan.
"Uy may shooting star!" nagulat ako sa biglang sigaw niya. Napatingin naman ako sa taas at saka nakita yung mga shooting star na bumabagsak.
"Wish tayo" sabi ko at tumango naman siya. Pumikit ako at saka sinabi yung wish ko.
"Sana makita ko ang prinsepe ko" bulong ko sa isip ko. Wala na kasi akong mahihiling pa maliban sa love of my life ko. Yun na lang ang kulang sakin, yung taong kukumpleto sa buhay ko na lang ang wala.
"Ano wish mo?" tanong ko kay Jian na nakatingala pa rin. Ineexpect ko na matino yung sasabihin niya kasi mukhang malalim yung iniisip niya.
"Sana mabawasan ang mga brokenhearted" sabi niya at natuwa naman ako kasi matino yung sagot niya. Di ko lang alam kung bakit.
"Bakit naman?" tanong ko at saka siya humarap sakin.
"Kawawa naman kasi yung mga lalaking iniiwan ng mga girlfriend nila sa tuwing nakikita ako" sabi niya at binabawi ko na yung sinabi kong matino yung wish niya. Parte nanaman kasi ng kahanginan niya yun.
"Hayyy...di pa rin ako makatulog" reklamo ko at nagulat ako ng isandal niya ang ulo ko sa balikat niya.
"Ssshhhh~~~papatulugin kita" sabi niya bago ako tuluyang makapag-react. Sumandal na lang ako at pumikit.
Narinig kong kumanta siya ng Little Things at ayan nanaman yung mala-anghel niyang boses. Di ko namalayan inantok na pala ako hanggang sa makapikit ako.
Jian's POV
Kanina ko pa tinitignan si Ayesha habang nakasandal sa balikat ko. Ang ganda talaga ng mahal ko. At bagay kami kasi gwapo ako. Nung tinanong niya ako kanina kung ano yung wish ko, isa lang naman talaga ang hiling ko eh.
Yun ay ang malaman niya na ako ang prinsepe ng buhay niya. Di niya ba napapansin yung effort kong ayusin yung buhok ko at maglagay ng pabango? Mamahalin pa nga yung pabanging ginagamit ko para sa tuwing magkatabi kami maamoy niya ang halimuyak ko. Alam kong masyado na akong gwapo para magpapansin pero mahal ko kasi siya eh. Yieee, kinikilig ako haha.
Sana mapansin niya effort ko lalo na nung first date namin. Sinubukan kong maging sweet at mabait dun tulad ng sinabi ni Maxine para naman daw di mauwi sa away yung date namin. Natuwa pa nga ako nung nag-selos siya kay Red eh. Sinadya ko talaga yun para malaman kung maiinis ba siya o hindi. At ang resulta, nainis nga siya.
Kaya lang naman kasi ako masaya nun, kasi sabi daw nila, kapag first time ng babae dun kasama nung ka-date niya...sila daw ang magkakatuluyan. Syempre kahit di kami pumunta dun alam ko namang sakin babagsak si Ayesha maylabs. Gusto ko lang talaga siyang pasayahin.
Napagisip-isip ko tuloy, ang swerte ni Ayesha no? Kasi nagustuhan ko siya kahit marami namang iba diyan. Swerte talaga ni Ayesha dahil ang isang napakagwapong nilalang na katulad ko ay nagustuhan siya. Gwapo, talented, mayaman at mabait ako kaya parang hulog na ako ng langit sa kanya. Ang swerte talaga ni Ayesha sakin. At dahil yun sa kagwapuhan ko.
"Ang kapal mo Jian" rinig kong bulong ni Ayesha. Ang cute niya pala kapag nagsasalita ng tulog hihi. Kaso ang sabi niya ang kapal ko daw. Grabe naman siya, sa tuwing sinasabi kong pogi ako mahangin agad? Di ba pwedeng, di niya lang muna tanggap?
"Ang sama mo Jian" bulong niya ulit. Kasalanan bang maging pogi? Ganon na ba kasama ang tingin niya sa mga biniyayaan ng kagwapuhan ngayon? Ba't ba ang lupit ng mundo sa tulad kong gwapo? Di ko kaya yung sakit, masyado na silang insecure sa kagwapuhan ko. Sadyang, ito talaga ang tinatawag na pogi problems.
"Ang hangin mo Jian" bulong niya ulit. Aba kanina pa niya binabanggit yung pangalan ko ah? Siguro iniisip niya nanaman ako. Lagi na lang talaga akong iniisip ni Ayesha, di man lang siya napapagod isipin ako. Sabagay, di naman nakakasawang isipin ang gwapong katulad ko.
"Peste ka talaga Jian" bulong niya nanaman. Maka-insulto naman to. Mga pogi na ba ang bagong peste ngayon? Napaka-gwapo ko naman para maging peste lang.
"Ang-----" bulong niya nanaman pero di ko na siya pinatapos at tinakpan ko na yung bibig niya.
"Kanina ka pa nang-iinsulto diyan. Pasalamat ka sa kagwapuhan ko at di kita hinulog sa pool" sabi ko sa kanya at nanahimik naman siya. Iba talaga pag pogi eh. Sumasakit na ulo ko, ang dami talagang problemang dulot ng kagwapuhan.
Hinatid ko na lang siya dun sa kwarto namin ni Chlyde. Wag iba iniisip niyo kasi wala naman akong gagawing masama sa kanya NGAYON. Next time na lang haha.
---------------
A/N: Certified pervert po si Jian haha.
BINABASA MO ANG
Today is a Fairytale
RomanceA simple love story. It maybe a cliche story but later on, I promise that you will know how the story goes.