23 ∞ Teddy Bear VS My Melody ∞

101 4 4
                                    

Ayesha's POV

Naiilang akong pumasok ng school ngayon dahil sa pinost ni Jian kagabi. Ba't ba kasi affected ako masyado? Pagdating ko sa upuan ko ay may nakita akong life-size na teddy bear na may hawak na heart. Yieee, ang cute niya tapos may I-love-you pa na nakalagay dun sa heart. May nakalagay ulit na card dun sa bear kaya kinuha ko at saka tinignan.

I love you

-Your prince

Bakit parang walang epekto yung 'I love you' sakin. Tapos kay Jian simpleng post lang sa fb kinilig na ako ng sagad-sagad.

"Itapon mo yan"

"Ay I love you!" sigaw ko dahil gulat sa biglang nagsalita sa likod ko.

"I love you too" sabi ni Jian sabay bigay sakin ng life-size na stuff toy ni My Melody.

"Kyaaaaaaaaaaahhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" malakas na tili ko at saka niyakap bigla yung stuff toy pero hinablot naman agad ni Jian.

"Itapon mo muna yang bear" sabi niya sabay turo dun sa bear. Nanghihinayang naman ako kasi panirguradong mahal yun dahil life-size.

"Sayang eh" sabi ko.

"Anong mas gusto mo, yang bear o si Melody?" sabi niya na pinapapapili ako sa dalawa.

"Andaya naman eh, favorite ko kaya si Melody" reklamo ko. Marami na akong stuff toy ni Melody pero natutuwa parin akong madagdagan yun.

"Edi itapon mo yan" utos niya. Ako naman, umirap at saka binigay yung bear sa isang babaeng nakita kong dumaan sa corridor.

"Ate o, sayo na lang" sabi ko at saka nginitian si ate. Nagulat naman siya pero pinilit kong tanggapin niya kaya no choice siya. Pagkatapos nun ay tumakbo ako papunta kay Jian at saka hinablot si Melody para yakapin.

"Sino ba kasi yang your prince na yan?" iritadong tanong niya.

"Nagpakilala na ba? Syempre hindi ko kilala diba" sabi ko sa kanya habang yakap parin si Melody. Ansarap niya yakapin eh.

"Yun oh! Nanunuyo na siya oh!" pang-aasar ni Maxine kay Jian.

"Manahimik ka, masamang mag-regalo sa baby ko?" sabi ni Jian at namula naman ako dun sa pagtawag niya sakin ng baby ko. Wala namang epekto dati yun ah? Bakit ngayon pakiramdam ko nagwawala yung mga paru-paro sa tiyan ko. Bakit ba kasi ang sweet masyado nitong lalaking to? Mas sanay ako kapag naninira siya ng araw ko eh.

"Selos naman ako diyan sa binigay ko" reklamo niya. Problema niya? Ibibigay niya tapos pagseselosan niya?

"Ba't ka magseselos?" tanong ko. Siya naman nagbigay ah.

"Kasi siya niyayakap mo ako hinde" sabi niya na parang bata at nag-cross arms pa. Asus, kalalaking tao napaka-arte.

"Ang arte mo" sabi ko sa kanya sabay irap. Eh mas gusto ko ngang yakapin to kesa sa kanya eh. Niyakap ko lang lalo si Melody tapos inamoy-amoy ko pa siya. Hihi ang bango niya.

"Edi payakap na lang" sabi ni Jian at nanlaki ang mata ko sa kanya.

"Hoy tsansing ka Jian ah!" sigaw sa kanya ni Maxine pero inirapan lang ni Jian.

"Ayoko nga" sabi ko sabay irap. Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin at pakiramdam ko para akong sinampla sa pula ng pisngi ko. Ba't ang sarap ng yakap niya? >///<

"Tsansing talaga" sabi ni Maxine na umiiling-iling pa. Ako naman tinulak ko agad si Jian.

"Alagaan mo si Jisha ah" sabi niya at tinignan ko naman siya.

"Jisha?" tanong ko. Sino yun? Kilala ko ba yun?

"Jian plus Ayesha, Jisha...yang yakap mo, anak natin" sabi niya.

"Ahh Jisha, etong yakap ko, anak na------" di natuloy ang sasabihin ko at tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong anak natin??!?" gulat na tanong ko sa kanya. Ok lang sakin maging anak etong yakap ko pero kung siya ang tatay no way!

"Anak natin" sabi niya at saka ngumisi. Kinuha niya yung stuff toy at pinakita sakin yung nakasulat dun sa may paa nito.

Daddy Jian + Mommy Ayesha = baby Jisha <3

"Aba't ang kapal!" sigaw ko sabay bato sa kanya nung stuff toy.

"Ayaw mo, edi itatapon ko na lang to" sabi niya pero automatic na kinuha ko agad. Sayang eh.

"Alagaan mo si Jisha ah" sabi niya pero inirapan ko lang.

Hirap na hirap akong itago yung stuff toy kaya inintriga tuloy ako ng mga teachers namin. Napilitan tuloy akong ipauwi na lang sa bahay yung stuff toy dahil yung mga tingin nung fangirls ni Jian sakin kanina ansma habang hawak ko yun.

Jian's POV

"Uy nanunuyo ka na ah, tsansing ka pa sa yakap" pang-aasar sakin ni Maxine. Alamo niyo ba kung bakit nagiging sweet ako kay Ayesha? Payo yun ng war freak kong ate haha. Sabi niya magpaka-sweet daw ako para di naman daw puro kabuwisitan sa buhay ibigay ko kay Ayesha. Pero feeling ko natutuwa naman si Ayesha sa sweetness ko. Nakakaurat lang talaga yung letcheng lalaki na nagbibigay sa kanya ng kung anu-ano tapos may messages pa.

"Sabi sayo eh, mapapasagot ko rin yan" sabi ko sabay chin-up. Ako pa, kapag mahal ko...gagawin ko lahat. Haha ang corny ko masyado. Pero gwapo naman.

"Geh, mabasted ka sana" sabi niya. Gandang motivation no? Kapatid ko talaga yan.

Pansin niyo rin siguro na nababawas-bawasan kahanginan ko. Actually, nagpipigil lang ako hahaha. Syempre para matuwa naman si Ayesha sakin. Feeling ko nga namula yun sa pinost ko kagabi sa fb eh.

Ano pa kayang pwede kong gawin para masuyo siya? Suggest naman kayo oh. Para sa babaeng mahal ko, gagawin ko ang lahat kahit pag-abot ng bituin gagawin ko. Hahaha, nakuha ko lang yan sa isang teleseryeng pinapanood ni Maxine.

Someone's POV

"Pre, pinapamigay lang bigay mo o" sabi sakin ng kaibigan ko at saka itinuro si Ayesha na binigay yung teddy bear na binigay ko sa isang babae.

"Yaan mo na, babawi ako sa susunod" sabi ko naman. Sumakay na ako ng kotse ko kasama ang kaibigan ko dahil hindi naman kami dito nag-aaral. Pumunta lang ako dito sa school nila para ipabigay yung regalo ko.

Gusto ko sanang ako na mismo ang magbigay mismo sa kanya pero nangako ako sa daddy niya na sa debut niya, ako na mismo ang magpapakilala sa kanya.

Konting panahon na lang Ayesha...konti na lang at makikilala mo na ang tunay mong prinsepe.

----------------------------------------

A/N: Hanggang diyan lang po muna. Pabitin muna haha. May tunay na prinsepe pala si Ayesha. Si Jian level-up sa panunuyo. Enjoy reading! Don't forget to Vote, comment and share.

Today is a FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon