Ayesha's POV
Eto ako nakatingin kay Sir kunware nakikinig.
Di ko alam kung ba't lutang ako ngayon.
"Bago ako tuluyang mag paalam, pinapaalala ko na bukas na ang inyong debate. Bukas ko na rin ibibigay ang paksa na inyong pag-dedebatihan. Paalam." Sabi ni Sir.
"Paalam at Maraming salamat po, Sir John! Ingat!" Chorus na paalam namin. Nila pala. Nag paalam na pala si sir di ko alam.
Kkrrrrriiiinnnggg...
Hayy. Salamat. Nag-bell na, ibig sabihin UWIAN na. Nakakapagod tong araw na 'to. Buti na lang wala masyadong assignments at projects na binigay ngayong araw. Makapag relax nga.
Inayos ko na ang gamit ko at tumingin kay Patrisha na abalang nag aayos ng gamit niya. Ang bagal talaga neto kahit kelan.
-______-
"Patrisha! Gusto kong mag relax! Nakakastress eh." Sigaw ko sa kanya.
"Kailan ka ba hindi naging Stressed?" Poker face niyang sabi.
"Sige. Basta isama natin si Fancy. Inutusan kasi ako ni Papa na ilibot siya dito satin eh." Pagsang-ayon niya.
"So sa mall tayo?" Sabi ko.
"Hmm... Tanong ko si Fancy." Sabi niya.
"Fancy, punta tayong mall kasama si Ayesha. Shopping tayo ng mga damit mo." Rinig kong sabi niya kay Fancy.
"Oh. Ok, actually yayayain na sana kita eh." Sabi naman ni Fancy.
"Tara na Patrisha!" Sabat ko sakanila. Pumunta na kaming Parking.
"Kotse ko na lng gamitin natin." Ngiting sabi ni Fancy habang naglalakad papuntang kotse niya. Sinundan ko lang silang magkapatid.
Pagkasakay namin nag salita si Fancy.
"Patrish. Ikaw magbigay sakin ng directions."
Nandito lang ako sa likod. Napaisip ako bigla. Parang may nakalimutan ako sa school. Sa kakaisip ko kung ano yun di ko namalayan na nasa Fairveiw Terraces na pala kami.
"Oh. We're here na!" Sabi ni Fancy.
Pumasok na kami. Pumunta kami sa GAP. Wala akong mapiliping damit. Hayys.
"Patrisha! Punta akong Vans kailangan ko nang bumili ng sapatos eh." Paalam ko sa kanya.
Pagpasok na pagpasok nakita ko si Chlyde. Nagsusukat ng sapatos. Di ko na ipagkakaila, ang gwapo niya sa suot niya ngayon. Naka polo siyang checkered skyblue at black tapos naka maong at naka basketball shoes. Waaah! Ang gwapo niya.
>///<
Medyo lumapit ako sakanya. Tinitigan ko lang siya. Bigla siyang napatingin sakin. Hala! Baka nakita niyang nakatitig ako sa kanya. Pwede pahampas! Waaah! Sigurado ako namumula na ko ngayon.
"Baka matunaw ako niyan Ayesha. Gwapong-gwapo ka na naman sakin." Ang hangin niya talaga! Pssh. *roll eyes*.
"Unang-una, di ka matutunaw kasi ang alam ko, ang unggoy di natutunaw. Pangalawa, di ako nagwa-gwapuhan sayo noh." Sabi ko sakanya sabay ngisi.
"Anong tawag mo sakin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Chlyde.
"Huh? Unggoy. Bakit?" Painosenteng tanong ko.
"Itong muka kong to?! Eto?! Huh! Eto!? Mukang unggoy?!" Grabe makareact? Ano po? May paturo turo pa sa muka. Nora Aunor ang peg.
"Oo." Tipid kong sagot.
"Grabe ka naman!"
"Mas grabe ka. Sumisigaw ka dito. Pinagtitinginan na tayo oh."
Nilagpasan ko na siya na parang walang nangyare at pumili ng kulay ng Vans at nag sukat-sukat. Pagtingin ko sa kabilang side ng shop nandun pa rin ang unggoy.
Nakapili na ko, kulay Yellow na may Blue. Papunta na sana ako sa pila ng may sumingit. Aba! Nakangisi pa sakin ang unggoy, na naman.
"Ayesha!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Si Patrisha at si Fancy. Madami na silang napamili.
"Ang tagal mo rin eh noh! Dami na naming napamili oh!" Sabi ni Patrisha sabay angat ng na shopping nila ni Fancy. Napatingin naman si Patrisha sa harap ko.
"Oyy. Chlyde!" Pagpapa-pansin ni Patrisha kay Chlyde.
"Oyy. Patrisha!" Sagot naman ni Chlyde. Sabay ngiti.
Oh edi sila na close. Pshh. *Roll eyes*
"Ikaw lang ba mag-isa?" .Patrisha
"Oo eh." .Chlyde
"Ahh. Ok." .Patrisha
Binayaran ko na yung Vans ko. Syempre nauna sa akin ang unggoy. Kaya ayun nasa labas na sila Fancy, Patrish at Chlyde, hinihintay ako. Lumabas na ako.
"Patrisha saan mo gustong kumain?" Tanong ni Chlyde sa kanya.
"Sa Mcdo na lang." Sagot naman ng aking Bestfriend. Pssh.
Pumunta na kaming Mcdo at umorder na si Chlyde.
Bale ganito pwesto namin.
Chlyde ----- Patrisha
_________________
|________________|
Ayesha ----- FancyNapatitig ako kay Chlyde pagkaupo niya. Ang Gwapo niya talaga. Kaya lang masyado siyang mahangin.
Bwiset nga na magkakambal eh. Parehong-pareho na ubod ng hangin sa katawan.
"Oh." Inabot sa akin ni Chlyde yung panyo niya.
"Huh? At ano naman ang gagawin ko dito? Pshh." Mataray na sabi ko.
"Pampunas sa laway mo. Tumutulo na eh. Natulala ka na naman sa kagwapuhan ko." Preskong sabi ni Chlyde. Yan na yung sinasabi ko sa inyo eh.
---
Tinapos ko na ang pagkain ko at nauna nang umuwi sa kanila. Etong Vans lang naman ang nabili ko eh. Sumakay na lang ako ng taxi. Dumiretso na ako sa kwarto ko.
Nakakastress! Naisip ko na naman si Chlyde. Hanubayan. Paano ko ba naging crush yun?
Nagpalit na ako ng damit at humiga ng kama. Mayamaya hinila na ako ng antok.
Zzzzzz...
~~~
Lame ba? xDAno masasabi mo Pam? XD
#ChlySha o #JiSha?
-AuthorReignDDD (@potpot2326)
![](https://img.wattpad.com/cover/26973090-288-k382243.jpg)
BINABASA MO ANG
Today is a Fairytale
RomanceA simple love story. It maybe a cliche story but later on, I promise that you will know how the story goes.