29 ∞ Bus ∞

61 4 1
                                    

Umuwi na kami at nanonood kami ng di ko alam title basta suspense at horror. Si Jian daw, gusto manood ng Frozen. At kapag tinanong mo kung bakit, ang sagot niya...

"I like Olaf and I like warm hugs"

Diba, mukha siyang timang?

Kaso wala eh, gusto naming lahat nung movie na yun kaya yun pinanood namin.

Ang pinapanood na namin ngayon ay yung nag-iimbestiga na yung babae tungkol dun sa mismong killer.

"Mamatay na yan!" sigaw ni Maxine kaya binigyan siya ng masamang tingin ng iba pero nilabasan niya lang ng dila.

"Bitter mo ah!" sigaw ni Patrisha kay Maxine.

"Sinasabi ko lang yung gusto ko mangyari, Bleh!" sabi niya at nang-asar naman.

Yung katabi ko, eto nakatakip ng mata kasi takot naman pala kaya ayaw manood.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Kay Jian na sigaw yan. Kami rin naman eh napapasigaw kapag may nakakatakot na nangyayari pero nangingibabaw talaga yung kay Jian eh.

"Bwahahahahahahahaha!!!! Mamamatay na yan!!!" sigaw ni Maxine habang nakakulong na yung babae dun sa secret compartment achuchu nung killer.

"Ayos ka pa?" tanong ko dun sa katabi ko na halos himatayin na ata sa takot. Pinatay pa kasi nila yung ilaw at saka binaba lahat nung kurtina para daw may thrill.

"Oo naman" sabi niya at nagmamatapang pa rin. Takutin ko nga.

"Di mo pala isinara yung kurtina mo. Naku, alam mo bang bigla-bigla yung sumusulpot sa mga bintana tapos magugulat ka bigla ka na lang hahatakin." Sabi ko at halatang natakot siya kasi siya yung nasa tabi ng bintana kaya isinara niya agad at yumakap sakin.

"PDA!" sigaw ni Maxine sabay bato ng isang popcorn samin. Grabe tong babaeng to, nagawa pang kumain ng komportable habang nanonood ng ganitong pelikula. Halimaw ba si Maxine?

Umabot na kami sa ending kung saan naghahabulan na sila.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw naming lahat at si Maxine todo cheer na mahahabol yung babae ng killer.

"Bilis! Takbo!!!!" sigaw namin dito sa loob ng bus.

"Wala!!! Mamatay na yan!!!!" sigaw pa rin ni Maxine sabay subo ng popcorn. Abnormal talaga eh, tumatawa pa kapag nadadapa yung babae.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!! Malapit na siya!!!!!!!!!!!"sigawan namin nung naabutan yung babae ng killer kaso itong si Maxine tumatawa lang. Ginawa ba naman daw comedy ang horror.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" this time, tili na ni Maxine yan nung hindi mamatay yung babae at nahuli yung killer.

"Di bale na, wala pa ring forever" sabi niya sabay lamon ulit. Di naman masyadong bitter no?

"Psst, payatot" tawag ko dun sa katabi ko na ang sarap-sarap nanaman ng sandal sakin. Tulog nanaman siguro to. Feel na feel na ata masyado yung pagsandal sakin eh.

"Hoy! Tulog ka ba?" malakas na tanong ko sa kanya kaya sinita ako nung iba na nagpapahinga.

"Shhhhhh kailangan ko mag-concentrate" sabi niya.

Anong pinagsasabi nito? Concentrate para san?

"Hoy, umayos ka ha. Anong concentrate pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya.

"Tumatae ako" sabi niya kaya agad ko siyang nabatukan.

"Aray!" sigaw niya kaya sinita siya nung teacher namin.

"Umayos ka nga!" pabulong na sigaw ko sa kanya.

Pabulong na sigaw? May ganun ba? Pabayaan niyo na nga!

"Joke lang. Matulog ka na nga lang para mapanaginipan mo ako" sabi niya kaya inirapan ko.

"Buti nandyan ka sa bintana" sabi ko sa kanya. Haha, takutin ko nga.

"Para matignan mo ko?" mahangin niya nanamang sabi.

"Kasi baka mamaya biglang dumungaw yung killer diyan tapos ikaw una niyang hihilahin" sabi ko at saka ngumiti ng pang-asar.

Kanina ko pa nga tinatakot pero nagmamatigas at di daw siya takot.

"Walang killer" sabi niya at saka ako inirapan.

"Walang imposible" sabi ko naman at saka siya ulit nginitian na nang-aasar.

Kahit di niya sabihin na takot siya ay ramdam ko, sinisiksik niya kasi ako dito sa pwesto ko at ayaw niya tumingin sa labas. Mukhang gagabihin nga talaga kami dahil na-stuck kami sa traffic ngayon.

*tok tok*

Narinig namin ni Jian na may kumatok sa bintana kaya medyo kinabahan kami at nagkatinginan bago lumingon sa bintana.

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" wag ka, sigaw naming dalawa yan.

Si Jian kumandong sakin habang ako naman ay gusto ng itulak si Jian papunta dun sa batang biglang lumitaw.

Lokong payatot to, nagpakandong eh akala mo naman ang gaan niya tss. At mukha pa siyang timang dahil hinampas-hampas pa niya ng kung anu-ano yung salamin. Haha ang epic ni Jian, ang sarap kuhanan ng video.

"Putang*na" sabi ni Jian pero repeat niyo ng 30x haha. Ganyan siya nagulat dun sa bata kasi naka-face to face niya yung bata eh.

"Ms. Shin-Park and Mr. Cortez, what's the matter?" nag-aalalang tanong ng teacher namin at nakatingin na rin samin ang mga kaklase namin na nagising ata namin.

"Y-yung bata po kasi eh" nahihiyang sabi ko.

Nagulat kasi kami dun sa bata na kumatok. Madilim kaya hindi namin masyadong nakita pero pareho kaming natakot sa itsura ng bata.

Nakakatakot naman talaga eh at saka akala namin lumulutang yung bata pero nakapatong lang pala sa balikat ng tatay niya.

"Anong bata?" tanong ng teacher namin at saka pumunta dun sa pwesto namin at tinuro namin yung bata na kumakatok at parang may hinihingi.

"Nanghihingi lang pala ng pagkain, akala namin kung ano na" sabi ni ma'am at saka bumaba ata para bigyan ng pagkain yung bata.

Nag-sorry kami sa mga kaklase namin at naintindihan naman nila dahil nakakatakot daw yung itsura ng bata.

O diba, pati sila nag-agree na nakakatakot yung itsura ng bata?

Kung gusto niyo malaman itsura ng bata, mag-imagine na lang kayo ng nakakatakot na itsura ng bata na bigla niyong makikita na nakadungaw sa bintana pag gabi.

Na-imagine niyo na?

Dadalaw yun sa inyo mamaya haha.

Itong payatot na 'to mukhang tsansing kasi kanina pa nakayakap sakin. Kesa natatakot raw siya at dahil ayaw ko rin naman na pumayag makipag-palit ng pwesto sa kanya.

"Ayesha" tawag niya sakin pero nakapikit yung mga mata niya.

"Hmm?" tanong ko. Inaantok na rin kasi ako.

"Pwede bang tayo na lang talaga?" tanong niya pero di ko naman masyadong naintindihan.

Narinig ko lang sa kanya ay yung mga salitang 'lang talaga' lang.

"Bukas mo na itanong yan" sabi ko at saka natulog.

Pinabayaan ko na rin siyang yakapin ako, gusto ko rin eh :P

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Today is a FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon