Gusto ko siyang habulin. Pero di ako makagalaw sa sobrang sakit. Tinitigan ko lang siya na unti-unting lumalayo sa akin hanggang di ko na maaninag kahit anino niya habang paulit-ulit lang sa isip ko yung sinabi niyang "I don't know if I can still do this" paulit-ulit na parang sirang plaka. Ayoko siyang mawala. Di ko kakayanin. -Ara
"Ara? Si Yeye? Anyare sa inyo? San si Yeye?" (Si Kim na kanina pa tinatanong si Ara pero di makasagot at nakatayo lang sa kawalan)
"Nasaktan ko siya Kim. Nasaktan ko 'yung babaeng pinangakoan ko na palagi lang siyang magiging masaya sa piling ko. ''
"Shhh. Wag ka magsalita ng ganyan. Magiging okay din kayo. Kelangan niyo lang mag usap pag okay na kayo pareho" -Kim
"Kim wala na siya. Sabi niya di niya alam kung kaya pa niya. Pano kung tuluyan niya 'kong iwan? Kim alam mong di ko magagawang saktan si Yeye"
"Hindi mawawala sayo si Yeye. At alam ko din Ara na di mo siya kayang saktan, kaya nga kelangan niyong mag usap para maging malinaw lahat. Ipaliwanag mo ng mabuti, pero intindihin mo din muna kung gusto niyang mapag.isa. Baka mas lalong lumala kasi pag ngayon mo siya kinausap. Pag pinilit mo. (Napaupo nalang si Ara sa sobrang sakit at niyakap nalang siya ni Kim.
Sa sobrang sakit, di ko nalang namalayan na nakarating na pala ako sa boarding house namin. Di ko alam panu ako nakasakay ng taxi at nakarating dito sa sobrang lutang at sakit nung pakiramdam ko. Walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi 'yung message ni Bang sa akin kagabi. Panu kung totoo yun na mahal pa talaga ni Ara si Bang? Na bumalik 'yung pagmamahal ni Ara sa kanya? Na naaawa lang siya sa akin kaya di niya ako kayang iwan? Panu pag totoo yun lahat? Anu gagawin ko? Di ko kayang mawala si Ara. Iniisip ko palang ang sakit na. -Mika
"Ye? Andito lang ako kung gusto mong pag usapan" -Mela
Akala ko nananaginip lang ako na narinig ko boses ni Mela pero hindi, andito pala talaga siya, naramdaman ko 'yung pag hawak niya sa balikat ko. Yung pag himas niya sa likod ko na mas lalong nagpaiyak sakin. Yung parang mas sumakit na parang gusto kong umiyak ng umiyak hanggang sa maubos lahat ng sakit, hanggang sa wala na akong maramdamang sakit. Hanggang di ko na maalala lahat nung nagyari simula pa kagabi. Hanggang sa di ko namalayan na tumutulo ulit yung mga luha sa mga mata ko. Niyakap nalang ako ni Mela ng sobrang higpit tapos humagulhol na ako sa iyak. Ang sakit sobra. Ni minsan di sumagi sa isip ko na mangyayai to. -Mika
Pati ako nagulat sa nakita ko kanina pag dating namin sa company kung san nag OJT sina Ara at Kim. I mean, hindi ko alam yung side ni Ara pero nasaktan ako for Yeye. Hahabulin ko nga sana si Yeye pero nakita ko si Ara kaya hinayaan ko nalang siya. Pero sumunod pa din ako kasi sobra akong nag-alala kay Yeye. Tapos dun ko nakita na umalis si Yeye kaya sinundan ko siya tapos nag message nalang ako kay Kim na puntahan niya sa labas si Ara. Si Yeye naman halatang sobrang lutang niya kasi di niya napansin pag para ko ng taxi, pag bukas ko ng pintu.an ng boarding house at lahat na. Saka niya lang ako pinansin nung kinausap ko na siya. Pero di yung pansin na kinausap niya ako, yung pansin na tumingin lang siya sa mga mata ko tapos sobrang namamaga nung mata niya at sobrang dama ko yung sakit at lungkot na nadarama niya. Ba't ba kelangan nila umabot sa ganito? Ba't kelangan pa ulit sumingit ni Bang eh tapos na naman sila. Ang sakit lang makita na nasasaktan yung mga kaibigan mo tapos wala kang magawa to ease their pain. Yung feeling mo kahit yakap mo di makakawala nung sakit na na fee2l nila. Ang daya naman ng mundo. Kung kelan may dalawang tao na mahal 'yung isa't-isa saka naman may biglang sisingit ng walang paalam tapos mananakit. - Mela
"Love? Kim. Labas ka muna. Puntahan mo si Ara sa labas. Kelangan ko kasi sundan si Yeye eh. Kelangan ka ni Ara ngayon. Maya ko nalang kwento sayo, pero siguro naman magkakaroon ka ng idea kung anu nangyayari. Basta puntahan mo si Ara. Sundan ko lang si Yeye kasi baka mapano pa to" -(Message ni Mela kay Kim)
Nung nabasa ko message ni Mela, naguluhan ako saglit kasi ba't andito sila? Tapos anong kelangan ako ni Ara tapos susundan ni Mela si Yeye? Pero nung pagkalabas ko tapos nakita kong nakatayo lang si Ara, dun ko na na gets sabi ni Mela na "may idea na ako sa nangyari." Langya, kay Bang to eh. Bakit umabot sa ganito? Pati ako malalagot talaga kay Mela eh. Nung lumapit na ako kay Ara, di ko alam panu siy i.comfort, pero basta may mga lumabas nalang talaga sa bibig ko, tapos nung napaupo siya, wala eh. Dama ko yung sakit, tapos inaalala ko din si Mika, alam ko andun si Mela pero langya, best friend ko yun eh tapos 'tong isa kaibigan ko din. Ang hirap na ang sakit na ang gulo. Sobra. -Kim
Hello readers. Dahan2 lang tayo sa pag update ah? Haha. Hirap magsulat ng mabigat pag sobrang saya ng puso. Hahahaha. But I'll make sure na mas madalas pag a.update ko. ❤❤❤
Never shall we sink! 💚💚💚
YOU ARE READING
The promise (Mika Reyes x Ara Galang) (COMPLETED)
FanfictionThis is a girlxgirl story. A fanfiction. This will make you believe in love that will last forever.